08

295 29 2
                                        

Nang matapos kumain ay nagpasya na kaming bumalik sa mga room namin. Ang iingay nga nila Snop habang nagkukwentuhan kanina, e.

“Anong chika?” tanong agad ni Margaux sa akin pagkarating namin sa room.

Umupo muna ako sa pwesto ko at gano’n din naman sila.

“Hindi ako nakasama kahapon kay Zild dahil sa homework natin,” simula ko.

“Oh? Sana ay dinala mo ang homework mo, pwede naman siguro ’yon,” sabi ni Margaux.

“Hindi ko naisip ’yan,” tugon ko.

“Wala ka namang isip,” pambabara niya naman. Ang sama talaga ng ugali niya.

“Tinawagan na lang niya ako kahapon, nagvideo call kami para makita ko rin ang mga bata,” sabi ko pa, hindi na pinansin ang sinabi niya.

Sabay silang napadungaw sa akin ni Blythe at parehas pang gulat sa sinabi ko.

“Nagvideo call kayo? Tapos hindi pa siya nanliligaw sa lagay na ’yan?” malakas na tanong ni Margaux.

Napatingin naman ako sa paligid. Nakatingin na naman sa amin ang mga kaklase namin at ang sasama ng tingin.

Dukutin ko pa mga mata nila, e.

“Sana all video call,” sabi naman ni Blythe.

“Oo, nagvideo call kami habang nagsasagot ako, tinulungan niya pa ako,” mahinang sabi ko sa huli.

Laglag ang panga nilang dalawa. Ano bang nakagugulat sa sinabi ko?

“Grabe, iba rin talagang kikilos ang isang Zild, e!” manghang sabi pa ni Margaux.

“Type ka niyan, sure na kami ro’n,” sabi naman ni Blythe.

Napabusangot naman ako sa sinabi nila. Nagsisimula na naman kasi silang magconclude, e.

“Mamaya ay sasama ako sa kaniya, gagawin namin ang project ko, kakausapin din siya nila Mommy,” muling mahinang sabi ko.

Nahampas pa ako ni Margaux sa braso dahil doon. Potek na ’yan, akala yata niya ay hindi masakit.

“Bakit may pagkausap na kila Tita? Grabehan na ’yan, ha! Baka nanliligaw na ’yan tapos sinasabi mo lang na hindi,” nanlalaki ang mga matang sabi sa akin ni Margaux.

Inirapan ko naman siya dahil doon. “Baliw! Bakit naman ako mandadaya sa inyo? Totoo ngang hindi siya naliligaw sa akin. We’re just friend I guess.”

“Friends lang daw pero nagvideo call at tinulungan pa siyang magsagot,” sarcastic pang sabi ni Blythe.

“Friends lang daw pero tutulungan pang gumawa ng project at isasama na naman sa lugar na hindi pa napupuntahan ng barkada ni Zild,” sabi rin ni Margaux.

“Normal lang namang tulungan ako sa project and homeworks kasi kaibigan naman diba? Wala akong nakikitang ibang meaning do’n,” seryosong sabi ko.

“Osige, bukod sa nagvideo call kayo, tinulungan kang magsagot, tutulungan at isasama ka ulit mamaya at kakausapin sila tita, ano pang ibang ginawa ni Zild bilang kaibigan mo?” mas sarcastic na sabi ni Margaux sa huli.

Kanina pa ako irap nang irap sa kanila, sa mga sinasabi nila. Bakit ba kasi nila nilalagyan ng meaning?

“Nakatulugan ko siya,” simpleng sagot ko naman.

“Tapos hindi pinatay ang call? Pinanood ka lang niya habang natutulog ka?” excited namang tanong ni Blythe.

Taka akong bumaling sa kaniya dahil sa sinabi niya. Paano niya nalaman na gano’n   nga?

Vengeance (Glamorous Series #3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon