“Johann!”
Mabilis akong napabangon dahil sa sigaw sa akin ni Mommy.
“Mom?” pupungas-pungas pa ako at naghikab.
“Baby, come on, anong oras na baka malate ka na,” malambing niyang sabi pagpasok ng kwarto ko.
Napatingin naman ako sa orasang nasa side table ko. Maaga pa naman.
“Yes, Mom. Thank you,” nakangiting sabi ko naman sa kaniya.
Tumayo na ako para mag-asikaso ng sarili ko. Niligpit ko muna ang kumot ko at saka ako dumiretso sa cr para maligo na.
Si Mommy na ang bahalang maggayak ng isusuot ko. Palagi naman niyang ginagawa ’yon.
“Kumain ka muna,” sabi pa ni Mommy paglabas ko ng kwarto.
Tapos na akong mag-asikaso ng sarili ko. Umabot pa nga ng isang oras dahil nagblower pa ako.
“Sa cafeteria na lang, Mom. Kasabay ko sila Margaux,” nakangiting sabi ko sa kaniya at humalik sa pisngi niya.
“Take care, I love you,” sabi niya pa na mas lalong nakapagpangiti sa akin.
“I love you, too.” Muli akong humalik sa pisngi niya.
Mabilis naman na akong lumabas ng bahay para pumunta sa kotse namin. Mabuti naman at nakaabang na sa akin ang driver.
“Kuya, daan muna tayo sa malapit na 7/11, bibili lang akong chips,” sabi ko pagpasok sa loob ng sasakyan.
Tumango lang sa akin ang driver namin. Sinalpak ko na sa tainga ko ang earphones ko at nagpatugtog na habang nasa biyahe pa lang.
“Nandito na tayo, Johann.” Inalis ko ang earphone ko pagkarinig ko no’n kay Kuyang driver.
Hindi ko alam kung anong pangalan niya, e.
“Saglit lang po ako,” sabi ko pa at mabilis na bumaba ng kotse.
Wala naman kasing tindang chichirya sa Glamorous cafeteria. Puro mga gulay at mga pang diet na pagkain.
Umay! Hindi naman ako nagdidiet. Lagi nga akong gutom.
“Damihan ko na nga at baka manghingi sila Margaux,” sabi ko sa sarili ko at nagpunta na sa mga chips.
Nangningning ang mga mata ko sa rami. Mahilig pa naman ako sa mga ganito. U.T.I aabutin ko rito.
“Hala! Hindi ko abot,” nakangusong sabi ko at pilit inaabot ang nasa itaas na bahagi ng stante.
Hindi ko talaga abot. Bakit ba kasi wala man lang upuan dito patungan para sa maabot ang nasa pinakataas na parte.
Kapanget ka-bonding ng 7/11.
“Which one?” tanong ng lalaking sumulpot sa tabi ko.
Napatingin naman ako sa kaniya. Ang tangkad niya. Sana all.
“Pic A, ’yung kulay blue,” sabi ko at tinuro pa iyon. Para akong batang naghihintay ngayon na abutan ng candy.
“Here,” simpleng sabi niya at inabot sa akin.
Agad ko naman ’yong kinuha. Effortless naman niyang inabot mula sa taas iyon. Ang tangkad naman kasi niya.
“Thank you!” nakangiting sagot ko at inayos ang salamin na suot ko.
“Welcome,” sagot niya rin, hindi man lang nakuhang ngumiti sa akin.
Hindi na ako nag-abala pang tingnan ulit siya. Naglibot pa ako saglit para maghanap ng mga pwedeng bilhin na pagkain namin nila Margaux.
BINABASA MO ANG
Vengeance (Glamorous Series #3)
Romansa© All Rights Reserved COMPLETED ✓ Started: September 23, 2021 Ended: November 22, 2021 Loving you was not my plan. You're not my ideal man, you're not actually my type. How come I fall in love with you? I ruined you, you ruined me, too. Maybe it's y...
