Nagkulong na ako sa kwarto ko pagkauwi ko. Iyak ako nang iyak habang nakasubsob sa unan ko para hindi makagawa ng ingay.
Isa sa pinakamahirap na gawin ang pigilan ang pagtakas ng hagulgol mo para hindi ka marinig ng iba.
Sobrang sakit ng nangyayari. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin.
“Oh? Anong chika ng sunglasses na ’yan?” natatawang tanong ni Margaux sa akin pagpasok ko.
Hindi ko siya pinansin at diretso lang akong tumingin sa harapan.
“Umiyak ’yan,” sabi naman ni Blythe.
Maga ang mata ko dahil sa pag-iyak. Hindi rin ako nakatulog ng maayos dahil sa rami ng iniisip ko kagabi.
“Spill the tea, Johann. Anong nangyari?” seryosong tanong na ni Margaux.
“Wala naman,” tanging sagot ko lang.
“Ano nga?” tanong din ni Blythe.
Inalis ko na ang sunglasses ko at tinago ito sa bag ko. Nakatingin sila sa aking dalawa nang bumaling ako.
“Maga ang mata, a. Anong nangyari?” tanong na naman ni Margaux.
Hindi sila titigil hangga’t hindi ko sinasabi ang dahilan.
“Nagkita kami ni Zild kahapon,” mahinang sagot ko. Ayokong marinig ng ibang classmates ko dahil baka kung ano na naman ang sabihin sa akin.
“Oh? ’Yung sa prize ba ’yan?” tanong ni Blythe na tinanguan ko.
“Nag-usap kami tungkol sa aming dalawa,” dagdag ko.
“Tapos?” sabay nilang tanong.
“He still love me,” mas mahinang sagot ko.
“Ano?!” malakas na tanong ni Margaux na napahampas pa sa table.
“Diba ay nanliligaw siya kay Aya?” tanong din ni Blythe.
Tumango lang ako.
“Nababaliw na ba siya? Para na rin niyang sinabi na rebound niya lang si Aya!” mariing sabi ni Margaux sa akin.
“Hindi naman sa gano’n. Mahal niya talaga si Aya, siguro ay kaya niya nasabing mahal niya pa ako ay dahil hindi pa totally tapos ang sa amin, I mean walang closure gano’n,” paliwanag ko naman.
“Ang gago niya naman kung dalawa kayong mahal niya,” pagak pang tumawa si Margaux pagkasabi no’n.
“Baka nalilito lang si Zild sa nangyayari? I mean, biglaan ang pagkikita nila ni Johann diba, nung debut ni Snop,” sabi naman ni Blythe.
“Hindi rin. Kung mahal talaga niya si Aya, hindi na siya dapat malito pa sa ex niya. Siraulo siya, magkaibigan nga sila ni Austin,” gigil na sabi na naman ni Margaux.
“Anong balak niya?” kunot ang noong tanong ni Blythe nang mabaling ako sa kaniya.
“Huwag niyang tangkaing iwanan si Aya para balikan ka, Johann. Hindi ako papayag sa gano’n. Babae rin tayo, alam natin ang mararamdaman ni Aya kapag nangyari ’yan,” seryosong sabi ni Margaux.
Napabuntong-hininga na lang ako.
“Sinabi ko rin naman sa kaniyang huwag niyang iwan si Aya,” sagot ko.
“Dapat lang, kung tutuusin ay swerte na siya sa Aya na ’yon, ang genuine ng pinapakita niya, pansin ko ’yon sa debut ni Snop. Talagang makikita mo sa mga kilos niya.”
Agree naman ako sa sinabing ’yon ni Margaux kahit hindi ko masyadong pansin sila Aya no’n.
Sa part pa lang na wala siyang naging reaksyon man lang sa mga nangyari noong debut ay talagang napabilib na ako. Ang matured niya lang.
BINABASA MO ANG
Vengeance (Glamorous Series #3)
Romance© All Rights Reserved COMPLETED ✓ Started: September 23, 2021 Ended: November 22, 2021 Loving you was not my plan. You're not my ideal man, you're not actually my type. How come I fall in love with you? I ruined you, you ruined me, too. Maybe it's y...
