11

249 28 2
                                        

“Kwento na, anong nangyari kahapon?” excited na tanong ni Margaux.

Napapahilot na lang ako sa sentido ko. Talagang hindi nila ako titigilan.

“Gumawa nga ng project. Nagluto at kumain,” iritang sagot ko naman.

“Iyon lang? Walang ibang ganap?” muling tanong niya.

“Wala, para kang si Mommy. Ano bang ineexpect ninyong ganap?” salubong ang kilay kong tanong.

Bilis uminit ng ulo ko kapag ganito, e. Ayoko ng paulit-ulit magtanong kahit sinabi na ang totoo.

Hindi naman ako magsisinungaling sa kanila, e.

“Walang kiss?” gulat pang tanong niya.

Laglag ang panga kong tinitigan siya. What the hell is she talking about?

“Wala!” mabilis kong sagot.

Tawa nang tawa si Blythe dahil sa reaksyon ko.

“Good Morning, everyone!” malakas na bati ni Ma’am kaya napaayos kami.

“Good Morning, Ma’am!” bati rin pabalik ng mga kaklase ko.

Tahimik lang akong nakatingin sa harapan. Ramdam na ramdam ko ang mga tingin sa akin ng mga kaklase ko. Nakikita ko rin ang mga pagbaling nila sa isa't-isa para pagbulungan ako.

“Miss Juatchon, can you answer this?” tawag agad sa akin.

Kingina talaga ’tong teacher na ’to, masyadong mainit ang ulo sa akin, parehas pa rin kaming studyante.

Nag OJT lang siya hindi pa talaga siya teacher.

“Trip ka na naman n’yan,” bulong pa sa akin ni Margaux bago ako tumayo.

“Inggit na inggit sa akin, e.”

Naglakad na ako papunta sa harapan para sagutan ang sinasabi niya. Kararating niya lang tapos ako agad ang pinuntirya niya.

“I heard you and Zild are now dating,” mahinang sabi niya nang lumapit sa akin.

Pasimple niya lang ’yong sinabi, kumbaga ay umakto siyang nakatingin sa sinasagutan ko pero ang totoo ay binubulungan niya na ako.

Binubulungan ako ng demonyo. Geez!

“Congrats! May tainga ka pa kaya narinig mo,” sarcastic kong tugon.

Minadali ko na ang pagsusulat ng sagot ko para makaalis na ako rito sa tabi ng inggiterang ’to.

“Hindi ka marunong gumalang, ha!” mariing sabi niya pa.

Nang matapos akong magsagot ay binalingan ko na siya. Tahimik ang buong paligid namin.

Of course, alam nila kung gaano kainis sa akin ang babaeng ’to kahit hindi ko naman inaano.

“Gumagalang ako sa mga taong deserve ang paggalang ko,” blankong sabi ko at tinalikuran siya.

“Your answer is wrong, Miss Juatchon.”

Tumigil ako sa paglalakad pero hindi ako lumingon ulit sa kaniya.

I won’t turn my back just for someone like her.

“Huwag mong idamay ang pag-aaral ko sa kaartehan mo. Tingnan mong mabuti ’yung sagot ko nang malaman mo,” muling blanko kong sagot sa kaniya.

Napatingin ako kila Margaux, palihim na nga silang tumatawa ni Blythe.

Mga baliw talaga.

“Wala ka talagang respeto ano? Hindi ka bagay rito sa eskwelahang ’to,” malakas niyang sabi sa akin.

Vengeance (Glamorous Series #3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon