“What!?” gulat silang parehas sa sinabi kong reply ni Zild sa akin.
Nakatingin na rin ang mga kaklase ko sa akin dahil rinig nila ang sinabi ko.
Pinapatay na nila ako ng tingin.
“Iyon ang reply,” sabi ko pa at pinakita sa kanila ang phone ko.
“Oh Gosh! Type ka nga niyan,” sabi ni Margaux at tumangu-tango pa sa akin.
Binawi ko ang phone ko at nireplyan si Zild. Baka namali lang sila ng pagkaintindi sa sinabi nito.
Johannah Juatchon: What?
Naghintay lang ako ng ilang segundo at nagreply naman siya agad sa akin.
Zild Marquez: I said I want you.
Mas lalo lang sumalubong ang kilay ko dahil sa reply niya. Talagang kinumpleto niya pa, ha.
“Ano na sabi?” nakaabang na tanong ni Blythe.
“Kayo na nga kumausap,” sukong sabi ko at ibinigay ang phone sa kanila.
"I said I want you raw, OMG!" malakas na pagbasa ni Blythe.
Pinagpipyestahan na tuloy ako ng mga nakamamatay na tingin ng mga kaklase ko.
Inggit na sila n'yan.
"Ayusin ninyo reply, account ko 'yan," nagbabantang sabi ko pa sa kanila.
"Kaming bahala," nakangising sabi naman ni Margaux sa akin.
Kumuha na lang ako ng pagkain ko. 'Yung Pic-A ang binuksan ko. Itong inabot ng lalaki kanina.
Wait.
Owsht! Kaya naman pala familiar.
"Si Zild 'yung lalaking nakita ko kanina," napalakas kong sabi kila Margaux at Blythe.
"Huh?" taka nilang baling sa akin.
"Nakita ko si Zild kanina sa 7/11. Siya nag-abot nitong pic-A dahil hindi ko nga abot kanina kasi nasa itaas," mahabang sabi ko pa.
Laglag ang panga nilang dalawa sa akin. Ang mga kaklase ko naman ay nagbubulungan na.
Nahiya pa silang lakasan, dinig ko naman sinasabi nila.
"Na-love at first sight ba sa 'yo si Zild?" tanong ni Margaux.
"Aba! malay ko," inis kong sabi.
Naiinis ako kasi kung anu-anong naririnig ko ngayon. Na baka gusto ko rin si Zild at umaarte lang akong hindi ko kilala.
Kingina nila isaksak nila sa baga nila si Zild.
"Nagreply na," sabi ni Blythe. Siya ang may hawak ng phone ko, siya rin ang kumakausap kay Zild.
"Anong sabi?" tanong ko, salubong na salubong pa rin ang kilay.
"Si Reid daw ang nagchat nung kanina. Hey lang daw ang chat niya sa 'yo," mahinang sabi ni Blythe.
"Sinong Reid?" tanong ko.
Nalilito pa rin kasi ako sa mga pangalan nung mga 'yon. Naririnig ko lang sila, hindi ko alam kung sino sa kanila si Reid o Austin.
Si Zild nga kanina ko lang nalaman na siya pala 'yung nasa 7/11, e. Kaya pala familiar kanina nang makita ko ang profile picture niya.
"Anong bang kailangan niya?" salubong pa rin ang kilay kong tanong.
"Nailaglag mo raw ID mo," pagbasa ni Blythe sa chat ni Zild.
Napatingin naman ako sa dibdib ko. Oo nga! Sh*t! Hindi ko napansin.
BINABASA MO ANG
Vengeance (Glamorous Series #3)
Romance© All Rights Reserved COMPLETED ✓ Started: September 23, 2021 Ended: November 22, 2021 Loving you was not my plan. You're not my ideal man, you're not actually my type. How come I fall in love with you? I ruined you, you ruined me, too. Maybe it's y...
