32

305 27 0
                                        

Matapos kong ayusin ang mga pinamili ko ay nagsimula na akong gumawa ng fruit salad ko. Iniwan na ako ni Mommy nang mapansin niya yatang ayaw kong pag usapan ang tungkol sa sakit at pagbubuntis ko.

Naghihiwa na ako ngayon ng mga kailangan ko. Kada hiwa ko ay kumakain din ako. Hindi ko mapigilan, e. Sarap kasi.

“Tita! Nasaan ang magaling mong anak?” rinig kong sabi ni Margaux.

Bakit nandito ’tong bruhang ’to? Sino kasama niya?

“Johann!” sigaw na naman niya. Mukhang sinabi ni Mommy na narito ako sa kusina.

“Oh?” walang ganang sagot ko sa kaniya. Kasusubo ko lang nang grapes.

“Wow! Sarap naman niyan,” sabi naman ni Blythe at mabilis na lumapit sa akin para kumuha rin sa prutas ko.

“Aantukin ka,” mahinang sabi ko.

Ganoon daw ’yon, e. Kapag kinain ng ibang tao ang pinaglilihian ng buntis, doon mapupunta ang mga symptoms ng paglilihi.

“Bakit buntis ka ba?” natatawang tanong naman niya at umakma na siyang isusubo ang prutas na hawak pero agad din natigilan.

“Buntis ka?” mariing tanong ni Maegaux at lumapit na rin sa akin.

Hindi ako umimik at pinagpatuloy ko ang paghihiwa ng mga prutas ko.

“Gago! Seryoso nga?” tanong ni Blythe at binitawan ang hawak niyang prutas ko.

Nang matapos akong maghiwa ay nilagyan ko na ng gatas ang bowl na pinaglagyan ko ng mga prutas ko. Palalamigin ko lang ’yon then kakainin ko na mamaya. Gano’n lang ang salad na gusto ko, e.

“Hoy! Johann, buntis ka nga?” tanong pa rin ni Margaux.

Naupo ako at hinarap sila. Laglag pa rin ang panga nilang dalawa habang nakatingin din sa akin.

“Yes.” Alam naman nilang may nangyari sa amin  ni Zild.

“What the fvck? Hindi kayo gumamit ng protection noon?” tampal sa noong tanong ni Margaux.

“No. Hindi naman namin pinlano na may mangyari sa amin no’n. Saka nandito na ’to, wala na tayong magagawa,” sambit ko.

Natahimik sila at nakatingin lang sa akin. Hindi ako kumibo na at iniwas ang tingin sa kanila.

“Pero totoo ngang magkakaroon na kami ng pamangkin? Omg! Excited na ako!” sabi ni Blythe na excited nga.

“Yes, may magandang balita naman kahit paano,” sang-ayon ni Margaux.

“Alam ba ni Zild ’yan?” tanong ni Blythe. Mabilis akong umiling. “Hindi mo sasabihin?” kunot noong tanong niya.

“Hindi. Ayokong makasira ng relasyon.”

“Hindi ka naman maninira, ipapaalam mo lang sa kaniya na may anak na siya,” sabi ni Margaux sa akin.

Umiling ako. “No, ayokong sabihin. Hindi niya na kailangang malaman.”

“Crazy, Johann. Siya ang Daddy, may karapatan si Zild malaman ’yan,” aniya pa.

“Hindi ngayon, ayoko munang sabihin, siguro kapag na lang napalaki ko na ang anak ko.”

Kung sasabihin ko man kay Zild gusto ko ay malaki na ang baby ko. Ayokong ipaalam ngayon dahil masyado pang komplikado.

Isa pa, hindi rin alam ng mga kaibigan ko na may sakit ako. Ayokong ipaalam sa kanila dahil siguradong mag-aalala sila at bawat kilos ko ay titingnan na nila.

“Ilang weeks na ’yan? 3 or 4?” tanong ni Margaux.

“Four weeks,” sagot ko.

“Excited na ako sa kaniya,” bumungisngis pang sabi ni Blythe.

Vengeance (Glamorous Series #3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon