48

350 26 4
                                        

“Apat na taon ’yon, Zild. Hindi biro ang apat na taon,” mahinang sabi ko sa kaniya nang makakalma na ako.

Nakaupo na ako ngayon sa sofa habang may hawak na basong may tubig galing din sa kaniya. Nahirapan akong huminga kanina dahil sa sobrang emosyon.

“I know, I’m sorry.”

“Apat na taon kong pinaniwala ’yung sarili ko na wala na akong baby, ni hindi ko man lang nahawakan noong inilabas ko, hindi ko man lang nagawang alagaan. Sobrang sakit, Zild. Nakakagalit sa totoo lang.”

“Mommy, are going to market na po ba?” natigil ako sa pagsasalita nang marinig ko si Zil.

“Later, honey. Maaga pa naman,” malambing kong sabi sa kaniya.

Lumapit siya sa akin at kumandong muli. Mahigpit ko naman siyang niyakap. Muli na namang tumulo ang luha ko. Apat na taon kong hindi nakasama at nahawakan man lang ang anak ko.

“Why are you crying? Daddy, why is she crying? Niaaway mo si Mommy ko?” galit na tanong niya sa Daddy niya.

“Yes, niaway ako ni Daddy mo,” sabi ko naman. “Hindi niya sinabi sa akin na may baby Zil ako.”

“But Daddy said you are busy, you always in the airplane, Mommy. I want to be a pilot, Mommy. I want to ride an airplane!” masiglang sabi niya.

Napatingin ako kay Zild. Nakatingin lang siya sa aming dalawa ni Zil at may tipid na ngiti. Mababakas ang tuwa sa mga mata niya.

Galit ako pero kingina bakit ganito? Bakit ang bilis mawala ng galit ko pagdating sa kaniya?

“Anong sinabi mo kay Zil?” tanong ko kay Zild kaya napatingin siya sa akin.

“Sinabi ko na nasa eroplano ka kaya hindi ka namin nakakasama, sinabi ko rin na uuwi ka at hindi na aalis basta maghintay lang siya,” paliwanag niya.

Gusto ko na namang maiyak sa narinig ko. Ini-imagine ko pa lang na hinahanap-hanap niya na ako noong nagkaisip siya ay parang dinudurog ang puso ko.

“Mommy, you will stay here, right?” umaasang tanong ni Zil sa akin kaya yumuko ako para magtama ang paningin naming dalawa.

“Yes, Mommy will stay here and not leave you anymore.” Mahigpit ko siyang niyakap na agad naman niyang ginantihan.

“Come here, Daddy. Hug Mommy, too!” masiglang sabi nito.

Muli na namang nagtama ang paningin namin ni Zild. Nagtatanong ang mga tinging binigay niya sa akin kaya tumango na lang ako. Kagustuhan na ng anak ko kaya hindi ko siya matatanggihan.

Nagyakapan kaming tatlo. Narinig ko pa ang bungisngis ni Zil. Ang cute niya.

“Mommy will take a bath muna para makapunta na tayong market,” sabi ko nang makaayos na kami.

“Yeeeeeyyyy! Chuckie!  Chuckie! Buy chuckie!” tumatalon pang sabi niya.

“Go to your room, Zil. Pupuntahan ka namin doon kapag aalis na tayo, magbehave ka, okay?” utos at bilin pa ni Zild.

“Yes, Daddy!”

Napabuntong-hininga na lang ako nang mawala na naman sa paningin ko si Zil.

“Nicole...” pagtawag niya sa akin.

“Hmm?”

“I’m sorry again,” aniya.

“Tapos naman na, nangyari na. Kahit anong gawin ko hindi na maibabalik ’yung apat na taong nasayang, Zild. Hayaan na lang natin at magsimula ng bagong memories kasama si Zil,” saad ko.

Vengeance (Glamorous Series #3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon