28

244 26 8
                                    

(Matured languages and scenes. Not suitable for young age.)

Si Austin ang susundo sa akin ’di  ba? Bakit si Zild ang nandito? Anong nangyari?

“Nasaan si Austin?” blankong tanong ko.

Nakatitig lang siya sa akin. Sa suot ko. Tsk!

“He’s there already. I told him I’ll pick you up,” sagot naman niya.

“Pumayag siya?” tanong ko.

“Yes. He’s with Margaux.”

Ang lokong ’yon! Humanda siya sa akin mamaya pagpunta ko ro’n. Sabi niya siya ang susundo sa akin. Bakit ngayon ay ibang tao ang nasa harapan ko.

“Umalis na kayo at baka naghihintay na ang mga kasama ninyo,” pagsingit ni Mommy sa usapan.

“Tinatamad akong pumunta,” walang ganang sagot ko kay Mommy.

Tiningnan naman nila akong dalawa. “Nakaayos ka na, a. Sige na, pumayag naman akong pumunta ka, titingnan-tingnan ka na lang ni Zild doon para makasiguro akong okay ka.”

Wha the fudge? Seryoso ba si Mommy? Kay Zild pa talaga niya ako binilin?

“Mommy!”

“Let’s go, Nicole.”

Geez! Bakit ba kasi siya pa ang sumundo sa akin? Pwede namang si Jatyr or si Reid. O kahit si Margaux na lang.

Wala akong choice. Humalik na ako sa pisngi ni Mommy at nauna na akong lumabas ng bahay namin. Nakasunod si Zild sa akin.

“Too daring,” mahinang sabi niya.

Hinarap ko lang siya nang makarating ako sa kotse niya. Nakalock ’yon kaya hindi ako makakapasok agad.

“What?” masungit kong tanong.

“Wala ka man lang bang dalang jacket? Masyadong exposed ’yang likod mo, ang lamig lamig na at gabi na, Nicole.”

I smiled without humor. “Zild, hindi kita boyfriend para gumanyan ka. Wala kang pakielam sa mga gusto kong gawin at suotin.”

“I’m just concern here, Nicole. Huwag mong sobrahan ang iniisip mo. Ayoko lang mabastos ka,” walang emosyong sabi niya at pinindot na ang lock ng kotse niya.

Mabilis akong umikot para makasakay na. Hindi ko na siya hinintay na pagbuksan pa ako ng pinto.

“I can handle myself,” inis na sabi ko habang masamang nakatingin sa kaniya nang sumakay na rin siya.

Iniwas ko ang tingin ko at sa harapan na lang nagfocus. Hinihintay kong umandar pero wala pa rin kaya napatingin na ako sa kaniya. Sakto namang lumapit siya sa akin kaya nagtama ang ilong naming dalawa. Yes, ilong lang, mabuti na lang at matangos ilong naming dalawa, kung hindi ay baka labi na ang nagdikit sa amin.

Nakatingin lang ako sa kaniya kahit halos magkandaduling-duling na ako. Kita ko rin naman ang pagbaba ng tingin niya sa labi ko at binabalik sa mata ko ang paningin niya.

I gulp. Bakit parang biglang uminit dito sa kotse? Naka-open naman ang aircon niya.

“Seatbelt, Nicole.”

Saka ko lang napagtanto iyon nung sinabi niya. Oo nga pala, hindi ako nakaseatbelt kaya siguro siya lumapit sa akin para ayusin ’yon. Mabilis kong kinabit ang seatbelt ko at umayos na ako nang upo.

Nagsimula na rin naman siyang magmaneho. Sa buong biyahe namin ay tahimik lang ako at sa harapan lang nakatingin. Ganoon din naman siya, nakafocus lang sa harapan pero mahinang kumakanta.

Vengeance (Glamorous Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon