Dinamdam ko ng ilang araw ’yung nangyari sa pagitan namin ni Zild. Sa bahay ay wala akong imik kahit na minsan ay napapagalitan na ako. Maging sa school ay wala akong kinakausap kahit na alam na nilang tinigilan na ako ni Zild.
“Ilabas mo tapang mo, Siraya. Ano wala ka na bang maibuga? Kasi hindi ka na nililigawan ni Zild,” umagang bungad sa akin ni Crisel pagpasok ko.
Isang linggo na mahigit ang lumipas matapos naming mag-usap ni Zild. Wala na akong balita sa kaniya after that.
“Tigilan mo ako, Crisel. Wala ako sa hulog makipagbangayan sa ’yo,” blankong sabi ko sa kaniya.
Lalagpasan ko na sana siya pero hinatak naman niya ako sa braso. Inis na inis kong binawi ’yon.
“Tapang ka pa rin?” nakangising tanong niya.
Hindi na ako nakapagpigil at hinablot ko na siya sa batok. Oo, sa batok ko siya hinawakan. Hindi maipinta ngayon ang mukha niya dahil sa sakit na nararamdaman.
“Ilang beses ko bang ipapaintindi sa makitid mong utak na tigilan mo ako? Inaano ba kita? Bakit ba trip na trip mo ako?” gigil kong tanong sa kaniya.
“Ouch! Let me go!” reklamo niya lang.
Walang nakikielam sa amin pero ang iba ay nagvivideo. Tsk.
“Isa pang darag, makakatikim ka na talaga sa akin.”
Patulak ko siyang binitawan kaya na-out of balance siya at natumba. Wala naman akong pakielam sa kaniya kaya dumiretso na ako sa upuan ko.
Gusto kong mamuhay ng tahimik. Ayokong may mga toxic na tulad niya sa paligid ko. Hindi ko sila mai-aalis pero kaya ko silang iwasan basta makisama sila, umiwas din sila kapag ramdam nilang wala akong pakielam sa kanila.
Rix Gomez: What happened?
Ito agad ang bungad sa akin ng best friend ko pagka-open ko ng account ko. Walang teacher, banas ako at walang magawa kaya nag online na lang ako.
Siraya Aboc: Saan?
Rix Gomez: I saw the video.
Nangunot ang noo ko. Maya-maya lang ay may sinend na nga siyang video sa akin.
Oh? Viral na naman ba ako? Video ’to nung nangyari kanina.
Siraya Aboc: Sikat na naman pala ako HAHA.
Napapailing na lang ako habang natatawa sa pinanonood ko. Kung titingnang mabuti parang kawawa si Crisel dito. Well, kawawa naman talaga siya kanina. Pfft.
Rix Gomez: This is about Zild again, right?
Siraya Aboc: May iba pa bang dahilan?
Rix Gomez: Nothing.
Hindi na ako nagreply pa. Nakikitsismis lang naman kasi ’yang lalaking ’yan. Pfft.
Pero hindi rin nagtagal ay bumalik sa akin si Zild. I accepted him. Sino ba naman ako para tumanggi ’di ba? I mean si Zild na ’yon, bakit ko pa tatanggihan? Pfft.
“Maris, I’m really sorry,” sinserong sabi niya sa akin nang magkasama kami.
Linggo ngayon. Naisip niyang magdate raw kami. Tatlong araw matapos ang nangyaring pagbalik niya sa akin.
“Hey. Tapos na ’yon ’di ba? Huwag na nating i-bring up sa tuwing magkasama tayo,” natatawang sabi ko naman.
Kasi naman palagi niyang sinasabi ’yon. Ayos lang naman sa akin, e. Tinanggap ko pa rin naman siya. Pinaliwanag niya rin sa akin ang nangyari sa pagitan nila ni Nicole.
BINABASA MO ANG
Vengeance (Glamorous Series #3)
Romance© All Rights Reserved COMPLETED ✓ Started: September 23, 2021 Ended: November 22, 2021 Loving you was not my plan. You're not my ideal man, you're not actually my type. How come I fall in love with you? I ruined you, you ruined me, too. Maybe it's y...
