“What happened?”
Sabay kaming napalingon ni Zorren kay Zild. Kapapasok niya lang ng café, siya lang mag-isa. Nakatingin siya sa akin na nagtataka at nag-aalala at the same time.
“She’s just tired,” mariing sagot ni Zorren at hinawakan ako sa bewang. “Ihahatid ko na siya para makapagpahinga,” dagdag niya pa.
“You sure? Namumutla siya,” salubong ang kilay na sabi ni Zild habang nakatingin sa akin.
“Pagod lang ako, uuwi na kami,” mahinang sabi ko na lang.
Inalalayan ako ni Zorren para makalabas na kami ng café. Nanghihina na talaga ako. Bawat galaw ko ay parang pinupukpok ang ulo ko sa sobrang sakit.
“Kaya mo pang tiisin?” nag-aalalang tanong pa rin ni Zorren.
“Wala akong choice, Zorren. Wala naman akong magagawa kundi tiisin ’to,” mahinang sagot ko.
Napipikit na ang mga mata ko at para na akong lantang gulay. Ganito palagi ang epekto sa akin sa tuwing aatake ang sakit ng ulo ko. Nakukuha no’n ang lahat ng lakas ko.
“Kung pwede lang kunin ’yang sakit na nararamdaman mo,” mahinang sabi niya rin.
Siya na ang nagdala kay Kenn habang nakakapit siya sa bewang ko para alalayan ako. Naririnig ko pa ang pag meow ni Kenn ng ilang beses. Mukhang ramdam niya ring hindi ako okay at nag-aalala rin siya.
Gusto kong magpahinga. Gusto na ng katawan kong magpahinga.
—5 months later—
“Does it hurts?” tanong ni Zorren sa akin.
Nandito siya ngayon sa bahay para samahan ako dahil wala sila Mommy. May pinuntahan saglit sila Mommy na about sa work nila.
I’m 7 months pregnant. Sobrang hirap sa totoo lang. Hindi normal ang naging pagbubuntis ko dahil nga may sakit ako. Walang araw na hindi ako inatake ng sakit ko. Sa tuwing check up ko naman ay si Zorren ang kasama ko. Para na talaga siyang fiancé ko. Mas madalas ko siyang kasama kaysa kila Margaux. Minsan nahihiya na rin ako sa kaniya pero sabi niya ay gusto niyang alagaan ako at samahan sa lahat.
Swerte ng magiging asawa nito o girlfriend kung sakali man.
“Rate mo ’yung sakit,” sabi pa niya. Parang pati siya ay nasasaktan na rin kapag nakikita akong ganito.
“10,” mahinang sagot ko.
Malaki ang binagsak ng katawan ko kahit malakas akong kumain dahil buntis ako. Nahahatak ng sakit ko ang katawan ko, namamayat ako dahil sa sakit ko. Minsan napupuyat ako dahil sa gabi umaatake. Ang hirap sobra.
“Tawagan ko na ba sila Tita?” nag-aalalang tanong niya.
Napabuntong-hininga ako para pakalmahin ang sarili ko. Kahit sobrang sakit na kasi ay ayokong ipahalata sa kaniya dahil pati siya ay grabe na mag-alala.
“Busy sila Mommy, importante ang ginagawa nila kaya huwag mo na silang tawagan, kaya ko pa naman,” mahinang sagot ko.
“Namumutla ka na, e. Johann, huwag na magmatigas,” sabi niya pa.
Hindi na lang ako kumibo at sinandal na lang ang ulo ko sa backrest ng sofa. Nandito kami sa sala, hindi kami pwede sa kwarto ko dahil nasa taas pa ’yon, mahihirapan kaming kunin ang mga kailangan namin kung sakali man.
Hinahaplos ko ang tiyan ko dahil bahagya rin iyong kumikirot. Parang pakiramdam ko ay nararamdaman din ng anak ko ang sakit na nararamdaman ko.
“Masakit tiyan mo?” tanong niya ulit sa akin. Umiling lang ako at patuloy sa paghimas ng tiyan ko. “Papunta na rito sila Margaux,” aniya.
BINABASA MO ANG
Vengeance (Glamorous Series #3)
Любовные романы© All Rights Reserved COMPLETED ✓ Started: September 23, 2021 Ended: November 22, 2021 Loving you was not my plan. You're not my ideal man, you're not actually my type. How come I fall in love with you? I ruined you, you ruined me, too. Maybe it's y...
