Chapter 49
As we stood there in each other's arms, the cool breeze ruffling through my hair, at ang alon ng dagat ay patuloy na humahampas sa aking pandinig. I couldn't help but feel like everything was falling into place. The chaos of the world seemed miles away, replaced by the rhythmic sound of the waves, the soft hum of the night, and the warmth of Sebastian's embrace. Parang lahat ng sakit, tanong at kabiguan ko rito sa mundo, biglang nawala sa isang iglap at finally, natagpuan ko na ang lugar kung saan ako tunay na nababagay.
Sa sandaling ito, I feel like the time stopped. Ang buhay ko na dati'y puno ng maraming katanungan at pag-aalinlangan, ngayo'y tila mas malinaw at tahimik.
"Are you feeling cold already?" tanong ni Uno, ang tono niya'y puno ng malasakit, may pag-aalala sa kanyang mga mata.
Marahan akong umiling, hindi ko na kailangang magsalita. Sa totoo lang kahit na malamig ang simoy ng hangin dahil sa dagat, masarap pa rin manatili rito. Lalo na ngayon na kasama siya.
"Are you sure?" tanong ulit niya, para bang nag-aalala pa rin siya na baka hindi ko na kayang tiisin ang lamig.
Bahagya akong bumaling sa kanya. Ang malamlam na ilaw mula sa buwan ay nagbigay liwanag sa kanyang mukha, tanging ang kanyang mga mata ang aking nakita. Naramdaman ko ang pagdikit ng kanyang ulo sa aking balikat, tila iniiwasan niyang magbukas ng usapan, ngunit pinipilit niya ring tiyakin na okay ako. Nais niyang iparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa sa aking nararamdaman.
I smiled at him and tapped his head gently, trying to show him that everything was fine. I didn't need to explain myself, I didn't need to say anything. Kasama ko siya, at iyon ang pinakamahalaga sa lahat.
"Dito muna tayo?" banayad kong tanong, hindi nais na baguhin ang kalmadong sandali. Gusto ko munang manatili rito.
"Kung iyan ang gusto mo," halos pabulong niyang sagot, kasabay ang malalim na paghinga. Habang sinasabi niya iyon, naramdaman ko ang pagyakap niyang mas mahigpit sa aking katawan, parang sinasabi niyang ayaw niyang umalis dito.
Mas lumawak ang ngiti ko. His hug tightened a bit, and I could feel the warmth of his embrace as he gently pressed me closer. Ang kanyang mga kamay ay sumusuporta sa aking tiyan, at nang maramdaman ko ang kanyang mga daliri, pansin ko ang pagbaling ng kanyang mata roon. Hindi ko napigilan ang sarili na marahang hawakan ang kanyang kamay na nakahaplos sa aking katawan. Sa oras na iyon, parang nagiging mas malapit kami sa isa't isa.
"Are you happy?" His voice broke the comfortable silence, low and gentle, as if testing the waters of my heart.
Gumalaw ako ng bahagya sa gitna ng bisig niya. I tilted my head back to look at him, my eyes meeting him in the moonlight.
"Yes," I whispered, feeling a small lump rise in my throat. "I think... I am. For the first time in a long while, I feel at peace."
His arms tightened around me, pulling me closer.
"Good," he murmured, brushing his lips against my forehead. Napapikit ako kasabay ng hangin. "That's all I ever wanted for you."
I smiled at mas dinama ang yakap niya. When I opened my eyes, I tried to look at him. Tila may kung anong humahaplos sa puso ko habang tinitingnan siya. He glanced at me and smiled gently. Kitang kita ko sa mga mata niya ang pangako at pagmamahal. Ang pakiramdam na ako'y ligtas. Na hindi ko na kailangan pang mangarap ng iba pang bukas.
Ito na ba ang lugar kung saan ako matututo ng tunay na kaligayahan? Dito sa mga sandaling tahimik at puno ng pagmamahal? Na simple lang. Dahil sa totoo lang, unti-unti kong nararamdaman ang kung anong piraso sa puso ko ang dahan-dahan na nabubuo.
BINABASA MO ANG
He changed my life (Vhergarah Series #1)
RomanceVhergarah Series #1 Uno Vhergarah -the cold and distant guy from Vhergarah Family. Ang nag-iisang unico hijo sa kanilang magpipinsan. Ang responsable at may isang salitang binata. Bata palang si Ivanna, isa lang ang gusto niya. Ang makapagtapos ng...
