"KATOK"

14 1 0
                                    

Ilalarawan ko muna sainyo ang imahe ng aming tahanan nuon. Nakatira kami sa pyuneralya, bale ang pyuneralya na ito ay may mga bahay sa loob at duon nakatira ang mga trabahador nito. Ang bahay namin sa pyuneralya na ito ay duon sa pinaka-loob ng pyuneralya, kumbaga dalawang pamilya lang ang nasa pinaka-loob ng pyuneralya. Sa pinaka-loob nito ay duon ginagawa ang mga kabaong, nagti-tistis ng kahoy at duon na rin pinipinturahan ang kabaong. Ang bahay namin ay sa itaas at ang bahay ng isa pang pamilya ay sa baba, ang pinturahan na sinasabe ko ay duon sa itaas ng bahay namin kaya't sa tuwing mag pipintura na ng kabaong ay naaamoy namun ang pintura.

Balik na tayo sa kwento, 10 years old pa lamang ako nuon nang palagi akong iniiwan ng mama at papa ko sa bahay namin, ako lang palagi naiiwan doon, umaalis kasi sila mama at papa tuwing 4 or 5 ng hapon para mamalengke. Naka-alis na nga sila mama ng bahay upang mamalengke na, ako naman ay nag-lalaro ng aking mga laruan nuon, tuwing pumapatak ang oras ng 4:30 ng hapon, may kumakatok sa pintuan namin, palagi nangyayari yon sa tuwing namamalengke sila mama araw araw pero di ko pinapansin yon dahil wala pa akong alam sa mga bagay bagay na di natin nakikita dati.

Paulit-ulit may kumakatok sa pintuan namin kahit walang tao, ang mga bata na nakatira din sa pyuneralya na ito ay nasa labas nag-lalaro ng basketball, habul-habulan, mataya taya, o kaya naman ay naglalaro ng pogs. Hindi ako pala-labas ng bahay.

Dumating nanaman ang araw na mamamalengke nanaman sila mama at ako nanaman ang maiiwan. At dumating nanaman ang oras na saktong 4:30 pm, alam kong may kakatok nanaman, at may kumatok nga, sinilip ko ng walang takot ang awang ng pintuan namin sa ilalim pero walang tao, sinilip ko rin ang awang ng pinto namin sa ibabaw pero wala talagang tao, hindi ako nakaramdam ng takot dahil wala akong alam sa mga ganuon. At, saka ko na sinabi kila mama na palaging may kumakatok sa bahay namin sa tuwing namamalengke sila ni papa, duon lang sakin sinabe ni mama na
*Wag kang matakot, mababait naman sila, di ka nila aawayin dahil binabantayan kanila, siguro gusto lang makipag-laro sayo ng mga iyon kaya sila kumakatok*.

Duon ko nalang din nalaman na binabantayan pala nila ako, kaya pala ngayong 18 na ako, sa tuwing may mga tao na sinisigawan ako, o kaya naman pinapagalitan ako ng walang dahilan ay minamalas sila, yung iba nawawalan ng trabaho kinabukasan, yung iba naman agad inaatake ng kamalasan katulad ng may nangyayareng masama sa bahay nila tulad ng nadudulas, napapatid, may isa pa sakanila na inatake bigla bigla.

Hanggang ngayon nararamdaman ko parin na may nagbabantay sakin lalo na sa pagtulog ko, minsan nasa ilalim sila ng paa ko, o kaya naman ay nasa tabi ng higaan ko minsan nasa hagdanan din ng bahay namin (Lumipat na kasi kami ng bahay dahil umalis na ang papa ko sa pyuneralya). Di ko nalang pinapansin yung nagbabantay sakin.

-Natsumi

##########

Nakatira kame sa side ng papa ko, nakatira kame sa iisang bahay lang pero halos magkahiwalay. Yung bahay. Up and down. Pagpasok mo ng gate ay  garahe, pag tumingin ka sa left side ay makikita yung pintuan ng bahay namin, pag naman dumeretso ka ay yung hagdan papunta sa taas kung saan nakatira yung lola ko at tita ko na kapatid ni papa at mga pinsan ko. Yung bahay namin ay parang hallway lang na may isang kwarto,kitchen at cr(isang mahaba lang).

Hindi ko lang maalala yung taon pero may bagyo non(bagyong Ondoy) sobrang lakas ng ulan at sobrang lakas ng hangin, nasa kwarto na kaming magkakapatid (anim palang kami that time) at si mama.May trabaho si papa non at ang normal na uwi nya is 11pn o 12am, nagttrabaho sya sa isang Mining company bilang isang driver mayroon syang sariling van na puwedeng iuwi o gamitin sa personal na pangangailangan. Kahit napakalakas ng ulan ng panahon na yun ay pumasok padin sya dahil importante ang lakad nila ng boss nya.

11pm nakakabingi ang katahimikan sapagkat dis-oras na ng gabi, natutulog na kami at tanging si mama na lang ang gising nang mga oras na yun and dahil sarado ang lahat ng pinto pati na din ang mga bintana at dahil na din nasa kwarto kami, brown out nung time na yun at tanging nagbibigay lang ng liwanag sa buong kwarto ay isang kandila, nagising ako at nakita ko na nakatayo si mama na buhat ang maliit naming kapatid, akala ko ay pinapatulog lang nya ang kapatid ko kaya hindi ko pinansin, pero nataka ako dahil narinig kong tinawag nya si papa habang nakaharap sa pinto.
Pa!” pasigaw na sabi ni mama.
Nagtaka naman ako dahil hindi sya umaalis sa kinakatayuan nya, at kahit kandila lang ang gamit namin sa mga oras na iyon ay nakita kong may takot sa mukha ni mama, kaya tinanong ko sya.
Ma? Bat ayaw mo buksan pinto?”. sabi ko habang nakahiga.
Nak may kumakatok sa pinto” sabi nya na parang nagtataka.
Hindi ko pa naririnig ang katok kaya agad akong tumayo upang buksan ang pinto, akmang bubuksan ko na ang pinto nang bilang may kumatok ng tatlong beses. Nagulat ako at nagtanong.
Sino yan?” sabi ko sa kalmadong boses.
Nagising na din ang mga kapatid ko ng mga oras na yun na nagtataka sa nangyayari kaya lahat sila ay lumapit sa tabi mama. Pagtapos kong magtanong ay nakarinig ulit kami ng tatlong beses pang katok at mas malakas ito sa nauna.
Sino yan?!” pasigaw ko ng tanong dahil kinakabahan na din ako.
Pa?! Ikaw ba yan?!” sabay sabay na bigkas ng mga kapatid kong natatakot na din.
Nakikita ko ang takot at kaba sa ni mukha mama at nakikita kong umiiyak ang nga kapatid ko kaya naglakas loob na akong buksan.
Ngunit nung bubuksan ko na nakarinig nanaman kami ng katok, pero hindi normal dahil mas malakas pa ito sa mga naunang mga katok.
Sino ba kasi yan?!” sumigaw na ako at tila nagagalit na dahil mas lumalakas ang iyak ng mga kapatid ko.
Lumayo ako sa pinto at tinanong si mama kung nakita na ba nyang dumating ang van ni papa, pero hindi pa daw at tatawag naman daw sa kanya si papa kung sakaling nasa labas na. Nagtaka na ako at nagisip kung sino ang pwedeng gumawa nun dahil baka daw may nagttrip lang.
Pero wala naman sigurong taong nasa labas at magttrip sa ganong klase ng panahon dahil napalakas ng ulan sa labas at napakalakas din ng hangin. Habang naguusap kami ni mama ay napagtanto ko na hindi na tumitigil ang pagkatok, kaya nagalit na ako ng sobra at nilakasan ko na din ang pagsigaw.
Sino ba kasi yan?!”
“Isa pang katok lalabasin na kita jan!

Doon na nangyari ang mas nakakatakot, dahil hindi lamang katok kundi malalakas na kalabog na ang naririnig namin na nanggagaling sa pinto at tila ba parang gustong gustong pumasok sa loob ng kwarto, nagtuloy tuloy ang pagkalabog ng pinto na halos maitulak na ang pinto sa sobrang lakas. Lahat kami ay natakot at umiiyak na. Wala ng doorknob ang pinto kaya ang nagsisilbing lock ay isang pangkaraniwang doorlock, since walang doorknob ay may nakatapal lang na basahan sa butas, inalis ko at sumilip ako ng medyo malapit ang mata pero wala akong makita dahil sobrang dilim at nakaramdam ako ng hangin na syang mas ikina-kilabot ko ng sobra.

Hanggang sa nakita na namin ang ilaw na nagmula sa van ni papa at kasabay non ang pagkawala ng ingay sa pinto, napanatag kaming lahat at narinig na namin ang pagkatok ni papa sa gate, pero kahit isa samin ay walang naglalakas loob na buksan dahil bago ka makarating sa gate ay lalabas ka muna ng kwarto at lalabas sa isa pang pinto. Kaya hinintay nalang namin na ang mga tao sa taas ang magbukas ng gate para kay papa. Nang mabuksan na ang gate, lahat kami ay lumabas ng kwarto para buksan ang pinto ng aming bahay upang makapasok si papa. After ng pangyayari ay kinuwento namin kay papa ang nangyari, naniwala naman sya agad dahil nakita nyang umiiyak si mama habang yakap sya. Lumabas kaming  lahat upang bumili ng midnight snacks, at para na din mawala at makalimutan namin ang takot.

-Danjee

Tres(Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon