old MNL

6 0 0
                                    

Unknown Barangay

Sta. Ana Manila dati daw di pa masyadong mabahay jan Konti Lang nakatira tsaka magubat pa daw.

Tanghaling tapat non kagagaling ko lang sa skwelahan ng utusan akong bumili ng ulam ng tita ko, ayaw ko pa sana kasi magpapahinga muna ako kaso pinipilit niya talaga kaya wala akong nagawa. Kahit nakauniporme pa ako ay gumayak na ako para bumili ng ulam.

Nung araw na yun ay pinaglakad  niya lang ako kahit tanghaling tapat tsaka medyo malayo. Alam ko naman Kung saan yung palengke kahit lakarin lang kaya pumayag nako.
Maya maya pa habang naglalakad ako napansin ko na wala na masyadong init   diko napansin na nasa magubat na parte na pala ako ng lugar. Baguhan lang ako doon. Ang alam ko lang na destinasyon ay skwelahan tsaka palengke. Medyo nakakatakot kahit tanghaling tapat kasi ako  lang magisa sobrang tahimik. (madaming malalaking puno sa gilid ng daan kaya di mainit sa parte na yun kahit tanghaling tapat)

Nung malapit na ako matapos dumaan doon may nakita akong sign, tsaka paliko na daan. First time ko nalaman na may daanan pala dun, nung nilapitan ko pangalan pala siya ng barangay ( Barangay RK). First time ko nalaman na may barangay pala dun. Dahil malayo pa ang palengke ay napagdesisyunan Kong lumiko dun nagbabakasakali na may palengke din sa barangay na yun.

Habang naglalakad ako papasok dun ay may nakita nakong mga bahay, halos magkakadikit dikit tsaka may mga tiangge din tsaka karindirya. Madami ding tao dun parang buhay na buhay ang lugar. Tinry ko magtanong Kung saan banda ang palengke nila pero di sila sumasagot kaya hinanap ko nalang. Buhay na buhay ang lugar na yon pero halos walang pumapansin sa akin. Hindi ko nahanap kaya  napagdesisyunan ko ng umalis doon  ngunit pati daan palabas ay di ko na mahanap.

Halos mga 30 minuto din ako nag libot libot ay di ko talaga mahanap daan palabas. Parang hindi ko maalala Kung saan ako dumaan.

Bigla ako nakaramdam ng sobrang pagkauhaw tsaka gutom. Pumasok ako sa isang karindirya para umorder ng pagkain.  Sobrang dami nilang menu na mukhang masasarap pero hindi ko alam tawag dun. Oorder na sana ako nang makita ko yung kanin nila ay parang may gumagalaw sa taas, tinitigan ko itong mabuti at napagtanto ko na mga puting maliliit na bulate pala ang mga iyon kaya humingi nalang ako ng tubig. Uhaw na uhaw na talaga ako na parang di ko na maintindihan sarili ko binigyan nila ako ng tubig at nang iinumin ko na ito ay may sumaway sa aking babae. Sabi nya “Kung gusto mong makaalis dito ay huwag mong inumin yan” pagkatapos noon ay sinenyasan niya akong sumama sa kanya. Kahit na sobrang uhaw ako ay pinigilan ko talaga sarili ko na huwag inumin yon at sumunod sa kanya. Nasa likod niya lang ako nakasunod na parang hinaharangan niya ang daan.

Maya maya ay napansin ko na nasa labas na kami ng baranggay sa lugar Kung nasaan ako bago ako pumasok sa baranggay nila. Nawala din yung sobrang uhaw na nararamdaman ko kanina. Pinasakay niya din ako ng jeep pauwi. Hindi siya umalis kahit umandar na ang jeep. Pilit Kong tinatandaan mukha niya ngunit hindi ko na madescribe na parang wala siyang mukha.

Habang papalayo ay unti unting dumidilim ang paligid at napagtanto ko na gabi na pala yun. Nagtataka ako nun dahil halos 30 mins lang ako nagpaikot ikot dun pero gabi na ako nakauwi.

Pagdating sa bahay ay pinagalitan ako dahil naglalakwatsa daw ako. Pilit Kong sinasabi na sa baranggay RK ako pumunta pero ayaw nila maniwala dahil wala naman daw ganoong lugar tsaka barangay doon. Wala nakong magawa dahil ayaw nila maniwala.
Napagtanto niya lang daw na naengkanto siya nung nakauwi na siya. Clueless siya ng mga oras na yun kaya di siya gaanong natakot . 

- Anakniya

Tres(Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon