ROOM 19.

8 1 0
                                    

* Ito ay hango sa totoong pangyayari na naranasan ng taong nag lahad ng kuwento at ang mga pangalan ng mga karakter ay pinalitan sa pamamagitan ng mga alyas maging ang mga pangalan ng lugar at maging paaralan ay papalitan rin upang hindi mag dulot ng kasiraan.

Second Year High School student ako nun nung nag karoon ng invitation mula sa Red Cross na mag kakaroon sila ng seminar. Ang seminar na yun ay idninaos sa isa sa pinaka malaki at pinaka matagal na paaralan sa Palawan.

Excited kami na dumalo lalo’t marami kaming kapupulutan na aral dito ngunit kasabay ng aming nadarama ay ang hindi pag sang ayon ng panahon dahil mag damag bumuhos ang malakas na ulan.

Ako, si Kaye, Alex, Shine, Jane at Kendra ay nasa eskwelahan namin. Matiyaga namin hinihintay ang iba naming mga kaklase upang makasabay namin papunta sa eskwelahan na pag darausan ng seminar.

Tawanan at kwentuhan ang pawang maririnig sa 2nd floor ng aming building dahil nataon na kami lamang ang tao.
Napag desisyunan naming pumunta na sa eskwelahan na pag darausan ng seminar at nag simula kaming mag lakad papasok rito.

Ang eskwelahang yun ang pinaka matandang paaralan ng sekundarya sa aming lalawigan.

Hindi pa mam ganap na nag sisimula ang programa, ay nag pasama muna ako sa isa kong kaibigan na si Jane at dali-dali kami nag hanap ng palikuran.

Wala kaming makita, maliban sa isang banyo na luma na at halatang hindi nagagamit.

Nung hapon na yun, bago ako pumasok sa loob ng palikuran ay dali-dali kong inubos ang Mang Juan na chichiryang kinakain ko. Sinabihan ko si Jane na iihi lamang ako at ‘wag nya akong iiwan.

Pag pasok sa loob ng palikuran ay dalawa ang cubicle nito.
Nag susuot na ako ng aking pantalon nang sinimulan kong tawagin si Jane dahil hindi ito sumasagot.

Dali-dali kong binuhusan ang inidoro at lumabas ng palikuran. Hindi ko nakita si Jane. Agad kong kinuha ang phone ko sa bulsa at chinat sya para malaman kung nasaan sya.
Maya-maya’y nakarinig ako ng sanggol na umiiyak.
Sanggol na umiiyak habang umuulan?
Bigla ko narinig na dahan-dahan bumubukas ang pintuan ng palikuran sa likod ko. Tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan, isa lang ang nagawa ko nung hapon na yun, ang tumakbo ng mabilis.
-
Agad akong pumunta sa pwesto naming mag ka-kaklase at dun ko nakitang naka upo si Jane. Tinanong ko sya kung bakit nya ako iniwan pero tinawanan nya ako.
Hindi kita iniwan noh! ikaw nga ‘tong nag sabi na iihi ka lang pero kanina pa kita tinatawag, di mo ako sinasagot tapos pag bukas ko ng pinto sa bawat cubicle wala namang tao”.

Nag taka ako sa mga sinabi nya, sasagot pa sana ako nang nag simula nang mag salita ang emcee ng seminar.
Mahigit isang oras, at natapos ang programa.
Walang tigil ang pag buhos ng ulan.
Nag kayayaan kami na muli ay pumunta sa aming eskwelahan at may kukunin lamang kami na libro sa Mapeh para maasikaso namin ang aming ibang activities.

Habang nag lalakad kami papasok sa loob ng aming eskwelahan ay kinausap ko si Jane.

Jane, hindi naman ako umalis dun. Umihi kaya ako dun, ikaw ang unalis bigla eh. Pag labas ko wala ka dun”

Tinaasan nya ako ng kilay at nag simula syang mag salita.
“Basta kaya ako umalis kasi wala ka dun at saka isa pa, may narinig akong umiiyak na baby. Kaya umalis nako”

Pinutol ni Alex ang palitan namin ng pag uusap ni Jane.

Ann, diba nasa Kuwait ang Tatay mo? dun rin nag t-trabaho ang Nanay ko”
Naka ngiti nyang sinabi sabay humawak sa braso ko. Sinagot ko yun ng oo at natuwa pa nga ako dahil kuro ko, baka nag kita na ang nanay nya at tatay ko sa Kuwait nang di sinasadya. Paakyat na kami sa hagdan para pumunta sa 2nd floor nung  biglang namatay lahat ng ilaw sa eskwelahan namin ay biglang humangin ng malakas.

Gamit ng phone ni Alex, binuksan nya ang flashlight ng android phone nya.

Agad kaming pumasok sa loob ng classroom namin at kumuha ng anim na libro sa Mapeh at nag tatawanan kami dahil hindi nakita ni Kendra ang upuan dahilan para matipalok sya at masubsob sa sahig.

Aniya, bakit may upuan dun sa pwesto na yun dahil wala naman nag lalagay ng upuan dun, lalo’t nung pumasok kami ay hindi naka naka pwesto ang upuan dun.

Dahil sa nakaramdam na kami ng takot, agad kong kinandado ang pintuan ng aming classroom dahil ako ang key holder nito.

Habang nag lalakad kami pababa ay nakakarinig kami na parang mabibigat ang yabag ng mga paa.
Tinapik ni Shine si Kaye at sinuway bakit ang lakas ng yabag ng lakad nya, nag sabi naman si Kaye na hindi sa kanyang yabag yun. Maya-maya, tumigil rin yun.

Nag lalakad na kami sa field ng biglang napansin kong kakaiba ang kinikilos ni Alex.
Alex, hoy bakit nauuna ka?”
Agad na sinabi ni Jane pero hindi nya sinasagot yun.

Nagulat kami sa sinabi nya.
Guys, kurtina ba yun o tao?”
Tinanong ko sya kung anong number ng room ang may kurtina na sinasabi nya. Room 19 daw iyun.

Sinabi ko na bakit anong meron dun, pero ayaw nya sagutin hanggang sa  huminto ako mag lakad na umakma akong tatalikod ng biglang hinablot ni Alex ang kamay ko, kamay ni Shine at tumakbo kaming lahat. Hindi ko alam kung bakit kaya kahit tumatakbo ay lumingon ako sa likuran ko

Hindi ako mag sisinungaling.
Talagang nakita ko na may lumulutang mula sa room 19 papunta sa pwesto namin.

Sumigaw na ako.
Maya-maya pa ay biglang sumara ang gate na iniwan naming naka bukas.
Hindi namin mabuksan kaya mula sa maliit na awang sa ilalim ng gate ay sumiksik kasi kahit maputik makalabas lamang.

Umiiyak kaming anim nang nakalabas na kami sa campus ng eskwelahan namin.

Nag yakapan kaming anim habang umiiyak.
Umuwi na kami sa kanya-kanyang bahay namin na maputik ang mga damit.
-
Kinabukasan, araw ng biyernes ay kinausap ako ng isa sa mga utility helper ng eskwelahan namin.
Kinamusta nya ako kung maayos ba ang araw ko, pero kunuwento ko sa kanya ang nangyari sa samin.

Doon nya pinag tapat sakin na maging sya ay nakikita ang babaeng puti na iyun mula sa Room 19 at nililibot ang buong eskwelahan at paminsan-minsan nakakarinig sya ng mga estudyanteng nag tatawanan kahit pasado alas dose na ng gabi kapag naiiwan sya para tapusin lahat ng trabaho nya.

Mula nun, naging mailap ako sa Room 19.
At kapag napapadaan ako sa room na iyun ay nakakaaninang ako ng isang babaeng nakatayo malapit sa bintana.

- Manyanita.

Tres(Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon