OPERATING ROOM

9 0 0
                                    


August 2016.
I am an OR nurse working in this private hospital (NCR, south part)

Yung iba kong kasamahan sa work pag sila ang kasama mo sa duty, ang creepy lalo na pag night shift. Dami kasi nilang nararamdaman.

Pinaka-creepy part ng hospital samen ay ang OR.

One time, benign ang duty. Walang case. As in tahimik. Night shift ako nun.
Nagkataon kasama ko as OR duty si maam Jess.

we decided to take a nap sa OR (Ilang araw na kasi kaming pagod at puyat, saglit lang naman. pambawi lang)
Inalis ko muna takot ko kasi puyat at antok na antok na pakiramdam ko nun. Sinabihan ko pa si maam Jess na wag na lang sya magkwento if may nakikita o nararamdaman sya.

Bale sa Recovery Room kami natulog. Tig-isang bed. Nagising ako bandang 12mn kasi naririnig ko kasi yung doorknob. parang may nagpipilit bumukas, pero walang tao besides us. dinisregard ko na lang pero that time iba na yung lamig sa loob at parang gusto ko na ngang gisingin si maam Jess.

maya-maya, bigla syang nagsalita.

sya: psst, Diane baba na tayo sa ER. dun na lang tayo tambay.

me: sige ate. tara na. may sasabihin ako.

sya: ako din. bilis

nung nasa ER na kami, kinuwento ko yung ukol sa doorknob na parang may gustong magbukas.

sabi niya:  May nakatayo kasing lalaki sa tapat ng Recovery room. Sya yung nagalaw ng door knob. Niyaya na kitang lumabas nung wala na sya at baka bigla pang bumalik. Grabe na din takot ko nun Diane.

Ayun, sa ER na kami nagstay hanggang umaga.

Madami pa kong naranasan sa hospital na ito. Yung mga nasitsit o sa peripheral vision mo may nadaan. Hinahayaan ko lang. Yung sa OR lang talaga ako natakot ng sobra.

- Ate RN
Las Piñas

Tres(Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon