Ang istoryang ito ay totoong karanasan na ibinahagi ng aking kaibigan.2018 Mt. Mandalangan Silay City, Brgy. Patag Negros
Madalas kami magca-camping magtropa lalo na pg nagkapareho kami ng schedule ng rest day, marami na rin kaming naakyat na bundok pero mga moderate lng yung difficulty kumbaga mga pang baguhan….
Isang araw nagkayayaan kami pagkatapos na pagkatapos ng trabaho namin. Sakto… kasi pareho parehong pahinga namin ng mga kaibigan ko.
Pero dahil tatlo lang kami sinubukan namin magyaya ng iba baka meron din na may gusto ng kakaibang aktibidad naman…di naman kami nabigo may sumama tatlong babaeng ka teammate ng tropa ko, saka isang bading na TL at yung ka teammate ko. bale walo kami lahat. Wala din naming problema kasi hikers dn mga yun kaya may mga gamit….. nagkape muna kami para pg usapan kung saan aakyat.
Nag suggest nga yung ka teammate ko na sa Mt. Mandalagan na lang daw. ito ay nasa parte ng silay city, northern part ng negros. Ok na nagkasundo na lahat. umuwi muna kami at kumuha ng mga kanya kanyang gamit saka napagusapang babalik ulit sa napagusapang lugar kung san kami magkikita kita...
Sa opis, alas siyete ng umaga.
May van yung kasama namin na babae kaya madali nlng magbiyahe. Ayun lumarga na kmi papuntang Silay, yung buong barangay nasa bukid na parte na yun may mga bahay pero magkakalayo, may daanan naman ng sasakyan kaya walang kaproble problemang narating namin yung pina ka starting line bandang alas diyes na ng umaga...pgdating dun pahinga muna saglit kape ulit.habang nagkakape kami sa gilid ng nag hahanap kami kung san pwede tumambay muna (kelangan dn kasi nmin ihanda ang lahat ng gagamitin naming pagakyat).sabi ng tropa ko dun sa may building sampung metro ang layo sa paanan ng bundok…dahil nkapunta na raw sya dito nung minsang nag liwaliw sila ng mga kababata nya...naglakad na kami saka dumiretso sa building na sinasabi nya.bale isang storey lng sya abandonado at may kalumaan pinasok na nga ng baging ang pader neto, puro lumot at damong malalaki na din yung nasa paligid, may mga ding2 na mistulang hinati hati bawat kwarto.
dala ng puyat napag isipan na muna naming umidlip kahit mga dalawa o hanggang tatlong oras lng pra may lakas yung katawan namin pagakyat...
di naming namalayan ang oras napasarap tulog namin lahat at inabot kami ng alas cinco ng hapon medyo madilim na… bukid kasi at malayo talaga sa kabihasnan..isa pa ang tahimik kasi ng lugar saka maginaw kaya napasarap ang tulog namin..pag gising namin wala nang gana umakyat kasi madilim na.delikado dn kasi pag night trekking lalo at hindi pa naman kami pamilyar sa bundok….mahirap na…….
kaya ngdesisyon na lng kamj manatili don.nagkayayaan na lng kmi uminom hanggang sa napasarap na lahat ng inom maingay na.sa kalagitnaan ng inuman bigla kaming napahinto lahat
at natahimik,……
ang hirap ipaliwanag pero halos pare pareho ang reaksyon namin
bigla kasing parang may dumaan sa gitna namin na hindi namin nakita pero ramdam na ramdam namin yung presensya kung sino man yun kasi… padabog yung lakad.na tila galit…
yung TL na kasama nmin ang nagbasag ng katahimikan sabay tanong
"ano yun?"
Ng may pagaalinlangang tono.
sabi ko…..
"yaan nyo guni2 lng yun baka hangin lng yun.(malaki kasi ang siwang ng bintana at sa bungad ng building) kaya ayun nagpatuloy kami pero talagang naiilang na kami pare pareho. Kinakabahan at pilit na pinapakiramdaman kung ano ang talagang meron sa paligid…..pilit naming ibinabalik yung mood ng inuman at kalimutan yung nangyari.
Kaso…. hindi sya tumitigil paulit ulit namin naririnig ang mga mabibigat na bagsak ng paa sa paligid…ramdam na ramdam mo ang presensya neto…
BINABASA MO ANG
Tres(Horror Stories Compilation)
TerrorThird installment of Horror Stories Compilation Compilation from FB Page Spookify. 100 Horror Stories Compiled and reposted here in Wattpad