A DEVINE MERCY CHILD

7 0 0
                                    

*Itong kwentong to ay base sa karanasan ng kaibigan \katrabaho ko na kasalukuyang magkatabi ang WFH PC namin.

Taong 2016 nangyari ang isa sa mga hindi ko makakalimutang pangyayari sa buhay ko.

3 kami ng mga kaibigan ko ay napag pasyahang mag renta ng bahay sa Cavite habang nagtatrabaho. Ako , Ella,at Cielo.
Siguro mga nasa 4 months na kaming naninirahan sa bahay na yun.

Sa isang factory kaming lahat nagtatrabaho ng mga panahong yan. Every restday namin ay nakaugalian na naming mag bonding tatlo. Foodtrip , inuman, kantahan, gala.

Araw ng linggo napag pasyahan naming mag kantahan at konting inuman. May mga inimbita din kaming mga kaibigan ng araw na yun.Madalas din naman sila nakatambay saamin kahit nasa trabaho kami. Boyfriend kong si Rex , si Ana at manliligaw nyang si Justine.

Late na kami nag simula dahil mga tanghali na nagising kaya di rin masyadong nakapag inom. Masaya naman namin naidaos ang maghapon naming restday . Tawanan ,Asaran , landian haha at kwentuhan throwback sa mga nangyayari sa buhay buhay namin.

Nang matapos na kami , kanya kanyang ligpit na ng mga kalat at nireready ang mga hihigaan namin. 2 Kwarto ang meron sa inuukupa naming bahay. Pero ng araw na yun ay napag pasyahan naming sa sala matulog lahat kaya't nag latag nalang at sama samang nahiga. Dun narin namin pinatulog ang mga bisita namin.

Pag higa namin ng mga bandang 12 ng hating gabi kwentuhan konti,
tawanan hanggang sa ilang sandali pa ay  tumayo si Ella para sumuka kaya't lahat kami natigilan at napatingin sakanya. Nagtataka din kami dahil halos 3 shot lang yata sya nung nagiinom kami dahil ayaw nya na daw maginom ng alak. Sa lababo sya nag punta non para sumuka.  Si Ella ay maliit lang mga 4'7 ang height nya. Ang lababo namin ay mababa lang din hanggang bewang nya. Habang nag susuka pinag mamasdan namin sya habang nakatalikod , tinatanong din namin sya kung anong nangyari sakanya kung masakit ba tyan nya or kung anong nakain nya. Ngunit hindi ito kumikibo.
Nagulat na lang din kami ng bigla syang tumingkayad as in halos mga
daliri nalang ng paa nya ang naalalay sa kanya sa pag tayo nya naisip namin
na baka hirap lang sya sa pag suka nya. Maya maya pa ay bigla na lang sya, umupo at gumapang papalapit kung san kami naka pwesto ng higa. Sa pag gapang nya ay medyo nakaramdam na kami ng takot dahil ang itsura nya ay halos baliko ang kamay sa may bandang siko at natatakpan
ng mahaba nyang buhok ang mukha nya. Habang papalapit sa amin. Lahat kami ay nanlalaki ang mata . "huy ! ano ba nangyayari sayo" ? Wag ka nga mag biro ng ganyan hind nakakatuwa" Umayos ka nga ! parang tanga eh." Sunod sunod na salita namin sakanya.Bigla syang tumigil sa unang kwarto (ang kwarto naming dalawa)
ang kwarto namin ay kurtina lang ang nag sisilbing harang nakatali ito dahil wala nman tao sa loob hanggang sa bigla syang tumayo ng
deretcho . Nakatingkayad padin , nakadipa ang dalawang kamay at bukas na bukas ang mga palad. Yung itsurang parang kukunin na ng liwanag sa mga palabas at nakatingala sa taas ng kurtina namin. Tinawag namin sya dahil nag tataka na nga kami sa pinaggagagawa nya. At agad naman syang lumingon pero sa pag lingon nya ay nakangiti sya.
isang ngiting nakakaloko, tipid na ngiti pero nakakatakot dahil sinabayan
pa ito ng matalas na pag titig saamin.

Sinubukan namin syang sawayin dahil sa pag
aakala namin na nag ti-trip lang sya, kaya naisipan na sya buhatin ni Cielo
at ihiga na sa pwesto nya pero nung binuhat na sya ay iba na ang
naramdaman ni cielo medyo matigas ang katawan ni ella at bumigat sya
ng sobra pero pinilit pa din to kayanin para maihiga na sya at makapag pahinga na.

Nang nasa pwesto na nya si Ella wala pang 5 minuto ay bigla na nman itong tumayo at
pumasok sa isang kwarto (sa kwarto ni Cielo) sumalampak sya dun na
akala mo'y bata. Nagulat nalang kami ng bigla syang umiyak at
sinabayan pa nya ito ng tawa, nag patuloy sya sa pag papalit palit ng emosyon
iiyak, tatawa, iiyak, tatawa ulit

Hanggang sa binuhat ulit sya ng kaibigan namin
upang ihigang muli sa pwesto nya pero  patuloy ito sa pag pupumiglas at
nag sisisigaw sya at sumasagot naman ang kaibigan naming si cielo
ella: Lumayas kayo dto!!!!
cielo: Hndi kami lalayas, ikaw ang lumayas dto
ella: Lumayas kayo kung hindi papatayin ko kayo, lalo nyo lang
ako bngyan ng dahilan para paalisin kayo. Ngayon pa na inalayan
nyo ko "A DIVINE MERCY CHILD HAHAHAHAHAHAHAHAHA"

Lahat kami ay nag katinginan na may halong kaba, hanggang ngayon pag naalala ko yang mga katagang sinabi nya ay  kinikilabutan at naiiyak padin talaga ako . Hindi kasi talaga si ella yun ! alam namin at ramdam namin. Maliit syang tao na sobrang puti. Itim na itim at kulot ang kanyang buhok, Grabe talaga pag naalala ko. Hindi rin sya yung tipo ng tao na magbibiro ng ganun dahil tahimik lang ito , kumbaga sa biruan ng magkakaibigan ay pagtawa lang ang palaging ambag nito. Hindi rin ito malalim mag salita ng wikang Ingles kaya nagtataka kami saan sya humugot ng mga salitang binibitawan nya.

Nang hindi na namin makayanan ang tensyong nangyayari , ay humingi na kami ng tulong sa brgy. Buti nalang ay malapit lang ito sa tinitirhan namin. 

Rex: Kuya, pakitulungan naman po kami , yung kaibigan kasi namin hindi na namin alam kung anong nangyayari sakanya !!
tanod: Ha? san ba kayo nakatira ?
rex: (tinuro kung san banda ang bahay namin)
tanod: ano ? dun kayo nangupahan ? sinasapian kaibigan mo no ?
(naguusap sila habang papunta sa kinaroroonan namin)

Bagay na pinagtataka namin tila alam na ng tanod kung anong nangyayari nung nalaman nya kung san kami nakatira.

Nung pag dating ng 2 tanod saamin ay parang wala dn naman silang nagagawa para mapakalma si Ella. Ang tanging ginagawa lang namin lahat ay alalayan ito upang di masugatan o mauntog sa kakaibang ikinikilos nya.

Nang siguro sa di namin mapigilang pag iingay nung madaling araw na yun. May isang kapitbahay namin ang nagising at naki-isyoso saamin.Tila hindi na bago sakanya ang nangyayari . Kalmado itong lumapit kay Ella at hinawakan ang tuktok ng ulo nito at may ibinubulong sa tenga nya. May hawak itong papel na may nakasulat daw na dasal sa wikang latin. At inilagay sa bandang dibdib ni Ella, habang binabanggit ang dasal na nakasulat dito  ng tatlong beses. Nung mga oras na yun ay biglang kumalma na si Ella at nakatulog na ito.

Nagumpisa nadin magsi-alisan ang mga taong nakiki isyoso saamin maging ang mga tanod na hiningian namin ng tulong.

Lahat kami ay kumalma nadin, lalo't makita namin si Ella na nag papahinga na at bakas sa muka nya na pagod na pagod sya.
Ako at si Cielo ay ginutom kaya kumain kami non , ang iba naman ay nakahiga at nag papahinga nadin.

Pasado alas tres na noon, akala naming lahat ay tapos na ang kakaibang pangyayaring yun, Ngunit hindi pa pala ....

-HIRAYA

Tres(Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon