Ligaw na Bata

31 1 0
                                    

November 2009. Araw ng mga patay.

Kami lang ng nanay ko naiwan sa bahay noon sa Tandang Sora, QC. Yung mga kasama namin, dumayo sa probinsya para mag-asikaso sa libingan ng mga kamag-anak nilang yumao. Wala masyadong tao, taimtim din ang gabing yun. Siguro dahil pati mga kapitbahay namin dumayo din sa mga province nila. Since araw ng patay, nagsindi kami ng kandila sa tapat ng altar kung saan may Sto. Niño kaming maliit na nakapatong.

Habang busy yung nanay ko sa kusina, ako naman nasa sala lang din nagpapahangin nang biglang may naamoy akong nasusunog na plastik. Hinanap ko yung source ng amoy at ayun nga, nakita ko natumba yung kandila at nasusunog yung Sto. Niño. Dali-dali ko naman pinuntahan para patayin yung apoy. Buti na lang andoon din ako sa sala, kung hindi sobrang laking pinsala pati sa mga kadikit naming bahay.

Pumunta yung nanay ko sala para magpahinga nang biglang may kumakatok sa gate namin. Isang batang maliit, siguro nasa 5-6 yrs old na siya. Hindi siya familiar sakin. First time ko lang siya nakita sa lugar namin. Maliit din boses niya, maitim ang balat at kulut-kulot ang buhok. Mayroon din siyang suot na oversized t-shirt na kulay puti at nakapaa lang siya. Ang sabi niya sa nanay ko, uhaw na uhaw na daw siya kaya pahingi daw ng tubig. Kumuha naman ng isang basong tubig nanay ko at ibinigay sa bata. Syempre, curious din nanay ko since di namin siya kilala. Tinanong niya kung taga-saan siya, ang sagot lang ng bata, "Taga-doon po! Dalawa po ang bahay ko." Hindi na nasundan ng tanong ng nanay ko kasi umalis din yung bata.
Nagtaka kami kasi hindi siya familiar samin, gala din ako noong bata ako kaya kung ka-lugar namin siya, makikita ko siya palagi.

Kinaumagahan, bumalik yung bata. Nanghihingi ulit ng tubig. Hetong step-father ko kasi masungit. Binugaw yung bata, pinauuwi niya at di binigyan ng tubig. Mula noon di ko na nakita yung bata.

Maaari kayang si Sto. Niño yung bata?Kayo, ano sa tingin ninyo?

-Moonchild

Tres(Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon