Bloody Black forest

5 0 0
                                    

01-20-22 My Sister's Bday

🎂🍰CAKESHOP 🎂🍰
(A slice of Bloody Black forest)

Year 2018 nu'ng nag-start ako mag-work as a Cake decorator sa isa sa mga kilalang CAKESHOP somewhere in Luzon.

Unang training namin (4 kaming naka-pasa bali 2 lalake at 2 babae) pinamilarize samin lahat ng products, Expiration date, Consume before date, kung anong flavor ng mga cakes, at kung ano ang color coding ng mga boxes (may naka-indicate kasi na color per cake) etc. Okay naman ang mga Crew friendly sila tapos, nakikipag biruan pa ang managers samin.  Natapos na 'yung shift ko sabi ko sa Sarili ko, ayos 'yung unang araw ko. Walang nag-taray. Walang feeling may ari ng kumpanya.

Natapos na yung training period namin, nasanay na kaming mag-sulat, ngayon kaylangan na kaming ipadala sa kanya-kanyang branch bali yung 2 babae naiwan sa main branch, tapos kaming lalaki pinag-hiwalay ng branch.

Unang araw ko sa branch na 'yun bali 3 lang Kami na naka-duty dun. 1 Visor at 2 crew ngayon ang duty ng 1 crew opening tapos, ako mid shift then yung manager closing  kasi siya ang umoorder ng mga cakes at lahat ng store needs. Okay din naman sa branch na'to. At least hindi pressure at madaling makisama 3 lang kasi Kami, Pero, hindi ko akalain na may iba pa pala ako na kasi dapat pakisamahan.

naka 6 months na ko agad, hindi ko namalayan ang araw at oras dahil ayos ang mga kasama ko.

July 22, 2019, mag isa lang ako duty ng Gabi 7:54pm nagliligpit nako ng cakes at  pasarado na sana , nakababa na din 'yung roll up para if ever may Tao kakatok muna, Pero hindi ko naman sinagad hanggang kalahati lang ng glass door para hindi nako mahirapan isara mamaya.(store hours namin 8:00 am- 8:00pm)

Nang biglang may humabol na babae, nagulat pa ko sa katok niya "KUYA KUYA, PWEDE PAHABOL PLEASE, BIRTHDAY LANG NG ATE KO".PLEASE!.. Sabi ko sige po pasok mam! . Ang tira ko nalang na cake that time is 3 mocha flavored cake, 3 roll cakes at 1 black forest. Nagtanong siya sakin, "Kuya, Black forest nga pwede ko ba Makita?" Sabi ko sige po, kinuha ko yung black forest sa chiller at inabot sa kanya, matagal din niyang tinitigan yung black forest,  parang ang weirdo naman ni ate sa isip ko.. Nanlalamig nako kaya hininaan ko na ang Aircon. Si ate nakakatitig pa din sa black forest, sinisipat sipat kung may damage. Sabi ko para umagaw ng atensyon niya. " Mam, kukunin niyo na po?" Nung sinabi niyang "O~ biglang sumigaw ng malakas si Ate , nabitawan niya 'yung cake nakatakip siya sa tenga niya, tapos parang gulat na gulat. Nagulat din ako at kinabahan, kala ko may nakita siyang insekto  kasi nakatakip siya sa tenga. Sabi ko " Mam, okay ka lang?  May halong inis Kasi, lilinisin ko pa yung sahig dahil nabitawan niya yung cake. Tumingin siya sakin.

"Kuya! B-babayaran ko yan, P-pero hindi ko na kukunin. " Nakita ko 'yung mukha ni ate sobrang putla. Sabi ko ate okay ka lang? Ano ba nangyari may insekto po ba?

Umiling siya ng maraming beses, nakita  ko din na umiiyak  siya.

Dapat pala hindi na ako nagtanong kasi nung nalaman ko bakit siya sumigaw hindi ako pumasok ng isang linggo at balak mag resign.

" K-kuyaaa" garalgal yung Boses n'ya, dahil siguro sa pag-iyak niya at takot.
"D-diba tayo lang dalawa d-dito!?"
" Oo" sagot ko, medyo kinakabahan nako dito.

"B-bakit nu'ng tinanong mo ako Kung kukunin ko na 'yung cake, may bumulong sa tenga ko na; "Alam mo ba, 'yang cake ang hawak ko nu'ng mamatay ako!" nauutal 'yung Boses niya habang kinukwento niya.
Kaya pala siya tumititig sa cake kasi may narinig siyang tumatawang malakas tapos hihina, akala daw niya ako..

Sobrang kaba ko nung araw na 'yun. Alam ko sa Sarili ko namumutla ako, hindi ko na din nagawang punasan 'yung chiller, Pero nalinis ko 'yung natapon na black forest...

Akala ko, yon na ang una't huli. Nagkamali pala ako.

~ImmortalKombatrin.

https://www.facebook.com/350647578436189/posts/2215088618658733/

Part 2. Cakeshop :Welcome back?

"After ng nangyari, Hindi talaga ako makatulog nu'ng gabing 'yun.  Hindi din  ako pumasok ng 1 week. Ang pinag-paalam ko ay nagka-trangkaso ako. Wala akong pinagsabihan kahit na sino tungkol sa nangyari, sinabi ko nalang sa magulang ko naka-sick leave ako.

"Totoo kaya 'yung sinabi ni Ate?" Ramdam ko pa din ang takot...

Mabilis na lumipas 'yung isang linggo. Pumasok na'ko, unang araw, wala, isang linggo wala, isang buwan wala, wala na 'yung Takot ko, naalis na din 'yung pago-overthink ko na may mangyayari 'ulit. Hindi nga ako nagka-mali 'yung takot ko bumalik ng hindi ko inaasahan.

Araw ng Martes.
Tandang tanda ko pa; ang duty ko ay 11:am - 8pm kasama ko naman ang manager ko. Ang duty niya 2pm-8pm.

3:00 P.M. Habang nagaayos ako ng rack ng Ensaymada at Mamon, bigla akong tinanong ng Manager ko. " Nakita mo kaya ka umabsent no?" Sabay tawa ng Malakas.Tumingin ako sa kanya ng naka-kunot noo. Ha sir?. Sabi niya, Masasanay ka din, wag mo nalang pansinin. Baka, hindi ka tantanan, Ikaw din baka sumunod sa bahay mo 'yun. Sabi ko, baliw ka sir, Kung ano ano ang pinagsasabi mo. Ngumiti siya tapos bumalik na sa Computer para mag order ng store needs.

6:00P.M wala nang masyadong Tao, pailan-ilan lang, weekdays kasi, mas mabenta talaga 'pag weekend.
Naisipan kong kunin ang CP ko sa bag ko para mag fb tutal nasa CR si sir. nasa ilalim kasi ng POS 'yung locker namin... 

Nang marinig ko bumukas 'yung glass door may wind chime kasi. Saktong naka-yuko ako hindi ko nakita kung sino ang pumasok kaya ang sabi ko nalang "Good evening po!" Nag-focus ako kung nasaan phone ko. Hindi naman nagsasalita pa 'yung pumasok kung ano ang bibilhin. Baka namimili pa ng cake. Maliit lang kasi ang store, Pag pasok ng store; Display Chiller, 4 racks, tapos counter sa gitna, sa likod ng counter freezer tapos sa right side ng freezer ay CR.

"Daaan" tinawag ako ni sir, malakas 'yung pagkakatawag niya; nagulat ako. Sir? Nakalabas na pala si sir ng CR Hindi ko na din nagawang makuha CP ko. Akala ko kaya malakas 'yung pagtawag niya dahil hindi ko inaasikaso 'yung pumasok.
Tinignan ko si sir, naka-tayo lang siya sa may pintuan ng cr nakatingin sa isang direksyon. Sinundan ko ng tingin 'yung tinitignan niya, yun pala making desisyon ang nagawa ko. Napatakip ako ng bibig, Napa-pause ako ng segundo " Kitang kita ng dalawang Mata ko " isang BATA puno ng putik yung katawan, Pulang Pula yung Mata, naka-ngiti nakatingin kay sir nakalutang.  Lalaki akong Tao Pero, napa-sigaw ako; Nagtatakbo ako papuntang CR, Sabay kaming pumasok halos magtulakan na kami kung sino ang mauuna.  Sinarado namin 'yung pinto ng CR, nanginginig talaga ako. Si sir naman nagdadasal, naka-pikit. Siguro, mga 15 minutes din kami sa CR ang lakas ng Aircon Pero, butil butil ang pawis namin.
Sabi ni sir" T*ng*na talaga, t*ng*na kaya ayaw kong dumuty dito dati pa, marami talaga dito, 'yan din 'yung kinukwento ng katabi nating store. Bata, kasagsagan daw ng ulan; naligo sa creek, tinangay ng agos, nakita daw puno ng putik, patay na. (LIKOD LANG KASI NG STORE AY MALAPIT SA CREEK).

Nanginginig pa din ako, habang nagsasalita si Sir. Hindi na din pumasok sa tenga ko mga sinasabi niya. Basta ang alam ko 1st time ko makakita, Oo, nakakaramdam ako...

Mabilis namin binaba 'yung Roll up, sinarado na namin' yung store. Niligpit na 'yung mga cakes, tapos nag inventory na. Kahit wala pa sa oras nag ready na kami.

Paalis na kami dala ni sir yung kotse niya, pinasakay niya na'ko..Wala kaming kibuan habang binabaybay namin 'yung daan papuntang terminal para dun ako sumakay ng Jeep, magka-iba kasi kami ng Daan ni sir. " Sir, (binasag ko na yung katahimikan) First time mo? Umiling siya. Bakit takot na takot ka sir? Sabi niya sakin; 1st time ko makita 'yung BATA.  Puro, white lady madalas makita ko. Nakatingin pa sa Mata ko. Nakita mo din diba? Tumango ako..

Simula ng araw na 'yun. Naglagay Kami ng rosaryo malapit sa Glass door tapos, naka-alarm na din 'yung oras na 6PM. Hanggang ngayon, nasa phone pa namin...

~ImmortalKombatrin.

Tres(Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon