Waiting Shed

7 0 0
                                    

Early 2000’s

I am from a province na medyo sikat na may asawang, pero never saw or heard na may kinain yung aswang saamin. Kahit nga pag fiesta at gabi na kami umuwi wala din naman kaming nakakasalubong.

Meron kaming na encounter na sobrang nakakatindig balahibo. Dati, habang wala pa kaming TV nakikinood muna kami sa mga kalapit bahay. Kahit madilim at medyo malayo go parin.

Pumunta kami sa bahay ng kaibigan ko na kakauwi lang ng nanay nya galing Hongkong. Shempre makiki usyuso ka don at baka makalibre ng chocolate. Kasama ko yung tatlong maliliit kong kapatid puro kami babae ako ang panganay sa aming nasa labas, may dalawa kaming mas panganay na kapatid na mga lalaki. Naalala ko pa noon ang pinanood namin Forevermore nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa, isang pelikula lang dapat papanoorin namin kaya lang shempre walang tv nung mag second movie nanoon pa rin kami yung title is The Core.

Lagpas 11pm na natapos. So nung pauwi na kami tahimik na sa labas at malamig kase ber months na. Karga karga ko yung pang anim kong kapatid at magkahawak kamay naman ang pang apat at panglima. Bago kami makakarating sa bahay dadaan muna kami sa waiting shed, yung likod ng bahay na pinuntahan namin is palayan na. Eksaktong pagtapak namin sa sementadong kalsada malapit sa waiting shed biglang may malakas na echo na parang “Haaaaaaaaaaaaaa” yung pa husky na boses. Shempre nagdikit dikit kaming apat sa takot at binilisan namin ang lakad. Habang papa rating kami sa gate ng bahay namin napansin ko na parang may nakadapa sa bubong ng waiting shed at nakasunod ang tingin saamin. Dali dali kaming tumakbo at sinara ang gate.

Sinabi ko sa nanay ko at sabi lang nya baka kilala kami. Hanggang ngayon palaisipan parin sa amin ng mga kapatid ko kung ano yung narinig at nakita namin. Wala namang kababalaghang nangyari or may namatay sa lugar namin sanhi ng kung anumang di maipaliwanag.

-kaikai

Tres(Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon