MENUDO

5 1 0
                                    

Bata pa lang ako aware na ko na totoo talaga yung mga aswang, kasi lolo ko mismo and lola ko e nakakita na mismo at nagdulot rin ng pagsusugat sa balat ng lola ko. Kaya naman si mama talagang bata pa lang kami ng kapatid ko sinabihan na nya kami tungkol sa wag basta basta pagkain ng mga bigay bigay lalo na kapag hindi mo naman talaga kakilala yung tao. Sinabi nya rin na ingat kami lalo na kapag mamimiesta kami sa mga probi-probinsya.

Akala ko dati mag-iingat lang ako kapag fiesta pero nagkamali ako.

Yung bahay namin e dito lang sa Rizal, meron kaming kapitbahay noong araw pa na matagal na rin naming kapitbahay. Yung isang anak ng kapitbahay namin lalaki sya at tawagin na lang natin syang kuya D. Nung nakapag-asawa si kuya D doon na rin tumira yung asawa nya na tawagin na lang nating ate R. Noong nanganak si ate R at bininyagan yung anak nila, binigyan nya si mama ng ulam. Menudo yung ibinigay nya. Saktong kakauwi ko lang non ng bahay kaya naman ako na yung unang lumantak sa menudo, bata pa lang ako favorite ko na yun kasi bukod sa bite size e wala ring buto kaya diretso ang kain. Sa di malamang dahilan, siguro dahil na rin sa dami ng menudong natikman ko sa buong buhay ko, alam ko na yung tamang timpla at lasa kaya nagtaka ako dahil yung menudo ni ate R iba yung pagkalapot. Ang lapot, tapos iba yung pagkalambot ng karne, pero kahit na ganun kinain ko pa din. Konti pa lang yung nababawas ko nung maisipan ko lagyan ng calamansi dahil di ko masyado malasahan at natatabangan ako.
Sabi ni mama dati kung walang calamansi, salt will do kaya naman kumuha ko nang asin at tak tak tak sabay halo. Ilang segundo ko pa lang nahahalo yung menudo may naglitawan na na buhok. Alam nyo yung lalaking nagpatrim ng buhok? Yung maiikli na gupit gupit? Ganun yung naglabasan. Sigurista ako kaya kumuha ako nang ilang piraso at confirm buhok nga. Ipinakita ko kay mama at nagulat din sya. Dun na kami nagkaron ng hinala kay ate R na baka may something nga dun sa ibinigay nya samin. Taga malayong lugar din kasi ata sya kaya di namin alam kung saang lupalop ba sya nakatira.

Magmula nun tuwing may nagbibigay ng menudo samin naaalala na ni mama yung sa buhok buhok na nakita namin ay babanggitin nya sakin.

At kapag hindi nya masyado close yung nagbigay naglalagay sya minsan ng asin para sure.

- SDA(1)

Tres(Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon