Ang istorya ng pulubi sa palengke namin.
baket sya naging pulubi?, hindi ko alam yung name nya.
Ilang taon na syang pulubi sa palengke at lagi ko syang nakikita at napapansin kasi may istura sya matangos ang ilong , muka syang arabo . kaso sobrang payat nya lang dahil hindi sya nakakakain at lagi syang walang damit.
Para syang pulubing baliw kasi lagi syang nag dadasal, may binubulong o kinakausap pero wala lang pumapansin sa kanya saka hindi nman sya nananakit hindi din sya nakikipag usap.High school ako nun, nagpunta kming palengke kasama yung mama ko tas pag uwe namin, biniro ako ni mama na ung pulubi daw na yon magiging bf ko. Tas sabi ng dalawa kong kuya (3 kami magkakapatid, bunso ako) Gwapo daw yung pulubi na yon dati kasi ka batchmate nila yun, dun sa school kung san ako nag aral nung highschool ako. May itsura daw talaga yon at matino naman daw yon dati. Tas hindi ako naniwala na nag aral yon sa school ko nung highschool.
After ko mag graduate sa high school, nag karon ako ng boyfriend tapos nagpunta kmi ng palengke at nakita namin ung pulubi tas sabi ko sa kanya, kung aayusan lang yang pulubi na yan mas gwapo pa yan kesa sayo, biro ko sa kanya . tapos sabi ng boyfriend ko, "kawawa nga yan eh" sabi ko baket, tapos sabi ng bf ko.
"Dati matino yan nag aral pa nga yan sa school natin nung highschool, gwapo nga yan eh . Tropa ko yung kapatid nya, ang sabi kaya daw yan naging pulubi at parang nabaliw kasi dati may girlfriend yan nag usap sila na magkikita sila dito sa palengke tapos nag hihintay sya dito nalaman nya nalang na nirape yung gf nya tapos pinatay, simula noon naging pulubi na sya dito. ilang beses na syang sinunda ng pamilya nya pero bumabalik padin at tumatakas sa bahay nila, sabi nya daw hihintayin nya yung gf nya dito sa palengke. hindi nya daw matanggap yung pagkawala ng girlfriend nya. Nung una dinadalhan pa sya ng pagkain ng pamilya nya kaso hindi na tinatanggap kaya hinayaan na nila"
Sobrang naawa ako nun, Dati pinagtatawanan pa sya ng mga tao sa palengke kasi nagdadasal dasal, sobrang hirap din pala ng pinagdaanan nya.Sana maging maayos na sya. At sana wag muna tayong manghusga sa tao lalo na't hindi natin alam ang kwento nila.
-ella
BINABASA MO ANG
Tres(Horror Stories Compilation)
HorrorThird installment of Horror Stories Compilation Compilation from FB Page Spookify. 100 Horror Stories Compiled and reposted here in Wattpad