"ATAY"

6 1 0
                                    

*This story is about my Mother's BestFriend,let's name her Ning.She's my Mother's bestie since they were kids

Bestfriends din yung mga mama nila (Lola ko).Since they were kids feeling ni Ning ampangit nya,lagi nyang pinupuri yung muka ng mama ko na maganda daw.Sabi ni mama medyo chubby daw si Ning,kayumanggi,  yung muka nya ay  di pangit at di rin sobrang ganda,sakto lang.

Habang nagddalaga sila,grabe ang diet na ginawa ni Ning.To the point Di na sya kumakain halos.Kahit Yun nalang daw yung puhunan nya,kasi talo naman daw talaga sya sa muka.

Nagka-bf si Ning,halos ibigay nya lahat kasi feeling nya yun lang yung lalakeng nagkamali na pumatol sa kanya.Tumagal naman sila at nagkababy,pero naghiwalay din.

Bumalik ulit sa diet routine si Ning,hoping na baka bumalik si ex nya.

Year 2008 sumakit yung tyan ni Ning,ilang araw na syang nakaratay sa higaan hindi narin sya nakapasok sa trabaho.Ilang araw syang ganun hanggang sa napag-pasyahan ni mama nya na tumawag ng manghihilot.So tinawag ni mama nya yung pinakamalapit na manghihilot sa kanila,yung manghihilot na yun ay bagong lipat lang.

Pagdating ni Manghihilot agad nyang nilapitan si Ning, inutusan nya yung mama ni Ning na bumili ng kung ano para gagamitin sa paghhilot. Di nya kaya na narrinig na dumadaing ng may masakit sa anak nya.Kaya sinunod nya yung manghihilot.

Minutes passed at umuwi si kuya Yano ni Ning galing work.
Pag akyat ni Yano sa bahay nila(medyo pabundok kasi) nakasalubong nya yung manghihilot.Nagmamadali daw,inanyayahan nya ito kumain pero 'wag na daw'  sabi nalang ni Yano "Antayin nyo nalang pala manang si Nanay,pabalik na yon bibili Lang daw sya nung pinapabili nyo sa kanya nyo nalang kunin yung donasyon" pero sobrang nagmamadali daw Yung matanda at sinabing "Hindi..ayos na" tapos Dali daling bumaba ng bundok.Syang pagtakbo Naman ni Yano papasok sa kanilang tahanan dahil sa narinig nyang pag iyak ng kapatid at pagdaing na may masakit.
Yakap yakap ni Yano ang kanyang nakababatang kapatid ng sabihin nitong "Kuya,masakit...masakit di ko na Kaya kuya.Tulungan moko kuya..." Iyak ng iyak si Ning at ganun din ang kanyang kapatid na Di alam ang gagawin sa kapatid.At unti unti nang bumabagsak ang katawan ni Ning hanggang sa Di na ito humihinga.

Sumigaw sa galit si Yano bigla nyang naalala ang manghihilot,hinabol nya ito ngunit wala na ito sa daan.Tuluyan nang namatay si Ning.

Sinubukan ng kanilang ina na puntahan ang manghihilot para ipa-barangay ngunit wala na ito doon.

Nung naidala na sa Morgue ang katawan ni Ning nagtataka ang mga embalsamador bakit wala daw atay ang Babae,posible daw bang mabuhay ang Tao ng walang atay.Kaya nang nagtanong ang mga ito,'inaswang' ang kanilang sagot.

Huling lamay na ni Ning,pumunta si mama ko sa pinto palang grabe na ang iyak ng mama ko nang biglang bumagsak ang picture ni Ning.Sabi ng kanyang ina "Masaya sya nak,at nabisita mo sya.Nakita Ka nya uli" Dun lalong humagulhol ng iyak ang mama ko.

Ilang taon ang nagdaan, malaki na ang anak ni Ning na naiwan.Ito ang 4 na taong gulang ng bigla itong nagsalita ng "Paglaki ko nay, aalagaan kita" habang hinahaplos ang likod nya tulad ng hilig gawin ni Ning pag naglalambing ito sa kanyang ina.Bigla nalang napatigil si Mama nya sa ginagawa nya at napatitig sa bata habang ito ay nakangisi.

Ngayun magkasama na sila ni Mama sa kabilang buhay.

P.S: Kung magpapahilot bantayan natin ang ating Mahal sa buhay lalo na kung di kilala ang Manghihilot o manggamot.

-Khrest

Tres(Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon