"Linda's Place"

5 1 0
                                    


*Ang kwentong ito ay totoong nangyari

Cebu north, Danao

June 2012- dumating kami ng mga kasamahan ko including my elder sister, 21 kami lahat. Galing pa kaming probinsya sa Mindanao dahil narecruit kami para magtrabaho sa isang Japanese firm. Namangha ako sa Lugar. Malawak ito, feel na feel ko ang ambiance ng nature dahil napapagitnaan ito ng mga bukirin. Medyo malayo lang ito sa main road. Parang skwelahan ang porma ng mga silid, blue and yellow ang kulay ng mga building at May malaking hall sa gilid ng swimming pool. Sa right side ng pool naman may mga nakahilirang puno ng balete pero maliliit pa lamang ito. Parang kumpleto na sa loob, May chapel, Internet cafe, canteen, convenience store, basketball court at may Day care center din. Presko ang hangin na nagmumula sa bukid. Nasabi ko ang sarap tumira dito, aside sa tahimik ang Lugar malayo pa sa pollution.  Mainit sa loob ng silid when in fact may malalaking ceiling fan naman.

Sampu kami lahat sa kwarto, 5 double deck ang nasa loob. Dahil pagod sa byahe, Hindi na namin nagawang e-arrange pa ang mga deck kaya masikip.

Sa unang gabi ko, di ako dinalaw ng antok dahil na rin Siguro naninibago ako sa Lugar at first time ko din na malayo sa pamilya. Ewan ko ba Bakit ang bigat ng feeling ko, tulog na Silang lahat...

10:30pm narinig kong parang may nag babanyo, dinouble check ko pa Baka May nag c.r nga na kasamahan ko pero tulog na Silang lahat. Nasa upper deck Kasi ako kaya kita ko sila lahat. Kinilabutan ako pero Hindi ako nag padala at nagdasal na lamang hanggang sa maka tulog.

Ok naman ang pagtira namin sa Linda's place, convenient naman kami, intake agad kami sa trabaho. Hindi ako yung taong nakakakita ng  o yung bukas ang third eye kaya binaliwala ko lahat ng mga naririnig ko sa kwarto namin tuwing gabi. Hindi rin naman sila nananakit o gumagambala sa Amin.

Hanggang isang Araw, linggo noon at wala kaming pasok, sa lahat ako ang pinaka madaldal, malakas at buo ang boses at Wagas Kung makatawa.

Nasa  c.r ako non at ang mga kasamahan ko ay nag kukwentuhan, malalakas ang boses Nila at nagtatawanan pa, so ako naman Dinig ko sa loob ang mga halakhak Nila kaya nakikitawa akong mag isa. Nang akmang tatayo na ako biglang binato ako ng empty bottle ng zonrox. Napasigaw ako sa sobrang gulat kaya pinuntahan nila ako dun. Namutla ako Kasi wala naman ibang tao eh. Pilit ko nalang iwinaksi sa aking isipan na Baka May iba nga kaming kasama sa kwarto na Hindi nakikita.

Nang ako lang ang walang pasok sa lahat kaya nilinis ko ang buong kwarto mag hapon.
7pm na habang naghuhugas ako ng pinggan nakita ko si Joy (roommate ko) na pumasok sa c.r na Tila nagmamadali, Hindi ko nakita ang mukha niya Kasi nga nakatalikod ako at tanging sa Salamin ko lang nakita na dumaan siya papuntang c.r, same cubicle Kung saan ako binato ng zonrox bottle. May 4 cubicles Kasi doon, dalawang c.r at dalawang shower na magkaharap at nasa Gitna naman ang lababo na may Salamin sa harap kaya nakita ko siyang dumaan. Sabi ko pa "Hindi pala nag suot ng uniform si Joy, naka white T-shirt lang". Lalabas na Sana ako para ilagay ang mga basura sa Labas ng room nang maunahan ako sa pagpihit ng knob Mula sa Labas. Laking gulat ko ng makita ko si Joy. Hindi agad ako nakapagsalita, Namutla ako at nanginig ang buo kong katawan. Sino ang pumasok sa c.r? "Hoy! Na unsa ka?!" Sabi niya. At Sinabi ko sa kanya na nakita ko siyang pumasok kanina sa c.r. Lakas loob niyang binuksan ang c.r pero wala talagang tao kaya nasabi nalang niya na nag bibiro lang ako.

3 lang kami ang day shift and the rest is nightshift, kaya kami lang din Tatlo ang mag kasama ng matulog sa gabing yon.
Mag aalas ones na noon ng gabi, pikit ang aking mata ngunit gising na gising pa rin ang diwa ko, Hindi ako dinalaw ng antok. Mula sa lababo narinig ko ang pag agos ng Tubig Mula sa faucet nito, dahan dahan hanggang sa unti unting lumakas, kasabay din ang mahinang iyak ng babae na nagmumula sa last cubicle ng shower. Tinawag ko si Neri (kasama ko sa gabing yon) "Ner! Ner!" Hindi siya Sumagot. Inulit ko ang pag tawag sa pangalan niya "Ner, gising ka pa? Naririnig mo yon?" Bigla siyang tumakbong nagsisigaw papunta sa deck ko habang nakatalukbong parin ang kumot sa kanyang ulo. Sumigaw din ako sa takot at gulat. "Ayoko na! Ayoko na! Gusto ko ng umuwi!" Sabi ni Neri habang naiiyak sa sobrang takot. Niyakap ko nalang siya para kumalma. Nawala na rin ang pag agos ng Tubig sa faucet at ang narinig kong umiyak sa shower.

Kinabukasan noon, inireport namin sa admin ang nangyari. Nalaman naming Hindi lang pala kami ang nakakaranas ng ganoon, Marami pala. May nasaniban pa nga daw, at worst May nakatira pa daw dun sa pinakadulong silid na pagkagising niya kinaumagahan na wala na siyang saplot sa katawan.

Kwento pa ng isa kong roommate, nagising siya dis Oras ng gabi Sa ingay ng tricycle na huminto daw sa tapat ng bintana ng silid namin at May karga itong mga malalaking bag. Kaya nagtanong siya wala naman daw dumadating ng ganoong Oras at bawal din maka pasok ang tricycle doon.

Sa Dami ng reklamo na kanilang natanggap napagdesisyonan nilang mag invite ng pari para ma-bless ang buong compound at May mga Christians din na prinay-over ang lugar.

Marami daw nakatirang Ligaw at di matahimik na kaluluwa sa Linda's place. Matagal na panahon din daw na Hindi nagagamit ang Lugar. Kaya ng gamitin ito bilang boarding house, nabulabog daw sila kaya sila nagpaparamdam.

-Fe

Tres(Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon