Christmas Parties

6 1 0
                                    


Dec. 23
Christmas party namin, sobrang saya! Pero dito na nag simula ang kinakatakot ko, kung dati e normal na bangungot lang from Dec. to mid of January walang palya ang bangungot ko, at dito nakikita ko yun malaking tao na haplos ng haplos ng aking buhok, hanggang sa nananakit siya, sabay maririnig ko ang tawa ng demonyo. Kapag umaalis saglit ng kwarto si ate bigla na lamang maglalock ng kusa ang kwarto namin at bigla akong babangungutin, lahat ng mga kasamahan ko rito ay nasubaybayan ang hirap na nararanasan ko dahil naaaktuhan nila akong tulog at nababangungot. Sa sobrang takot ko tumawag ako sa mama ko sa Pinas at inutusang ipaalbolaryo ako, ang sabi ng albolaryo malakas sya at gusto nyang kunin ang aking katawan. Sinunod ko ang inutos sakin ng albolaryo para maiwasan yun nasa bangungot ko.

Nawala na naman sya, pero netong nakaraan napansin ko na kapag wala ako sa aking bahay e nagagalit sya, minsan na nya akong inalok ng pagkain at tinanggihan ko ito, sa aking bangungot ako ay naglalakbay diwa, sobrang takot na takot na ako netong huling bangungot, halos gusto nya akong galawin, nakiusap akong wag nya itong gawin bigla na lamang nya akong inalayan ng isang damakmak na ginto at akin itong tinanggihan kaya sobrang galit na galit sya na halos sakalin nya ako at pinilit ko magising. Tinawagan ko ang aking pinsan ang sabi nya hindi na raw ito basta bangungot kundi Astral na raw ito.

Sabi ng nila paputulan ko raw ang aking buhok pero nag aalangan akong gawin ito dahil baka lalo nya akong gambalain...

Habang ako ay nasa duty feeling ko nasa paligid ko lng sya sabi kasi nila baka raw bantay ko sya.

-Catriona
Korea

#######

Christmas Party fees Collection

Maaga talaga kasi ako pumapasok kaya naabutan ko si maam at ako pa lang yung tao sa room namin. Nagsabi si mam sakin na mag aattendance daw muna siya sa office at nagbilin sa akin na sabihin kay Yanna(treasuret) na maningil ng class fund para sa Christmas party namin. Lumabas ako ng room nag cr muna, bumalik na ako ng room namin.

Nakita ko si Yanna asa tapat ng electric fan, ako kumukuha na ako ng walis tambo, "Yanna, maningil ka na dw ng class fund sabi ni mam". Ni hindi man lang ako nilingin nakatayo pa din siya sa tapat ng electric fan, gumagalaw pa nga yung buhok kase nahahanginan. Edi inulit ko ulit, naka 5 beses ako. Di talaga ako nilingon.

Ang ginawa ko lumabas nako nagwalis sa pathway. Tapos papalapit si Josa sa akin (vice namin), sabi ko kaagad "hoy bat si Yanna di ako pinapansin, kanina ko pa kinakausap sabi ko maningil na sya ng class fund sabi ni maam". Nanlaki mata ni Josa, "Huh? E ate jo eto nga yung excuse letter ni Yanna, mataas lagnat kaya di makakapasok, joker ka talaga".

Hinila ko siya sa room pagtingin namin walang Yanna sa tapat ng fan. Natakot na ako kase may tao talaga sa tapat ng fan noon kinausap ko pa nga katindig, kabuhok, kalikod talaga ni Yanna yun di ako nagkakamali. Ang ginawa ko nagdasal ako, pinagpawisan ako sa takot nun grabe. Sabe ng guard na pang gabi, sa gabi daw may nambabato ng papel sa kanila. Okey naman si Yanna kinabukasan nkapasok na, pero isang linggo ata ako di lumalapit sa kanya...

Ate Jo

Tres(Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon