Transient House l

6 1 0
                                    

Vigan 2017

Yung tinuluyan namin na transient house sa Vigan ay typical na pang horror ang datingan. Hindi ako yung nag arrange ng gala namin na to, kaya dko na marecall yung name ng house basta isa lng masasabi ko - pagpasok pa lang namin, creepy vibes na sya agad. Si beshie na bukas na bukas ang 3rd eye, ayaw nagkocomment pag gumagala kami - kinuwento nia na lang samin yung mga ganap at nakita nia nung pauwi na kami sa Pampanga.

Bale yung room na tinuluyan namin is good for 10 pax, super laki ng kwarto parang isang buong bungalow na apartment na kung tutuusin; pito kaming magkakaopisina; apat na girls, tatlong lalaki and ang set up is magkakatabi lahat ng girls sa dulo at sa may malapit sa pinto naman mga lalaki.

Pagkadating namin sa Vigan, naglunch muna kme sa isang kainan malapit dun sa tinuluyan namin, nagpahinga konti tas nagsipagshower na.

Dun na nagsimula ang pagpaparamdam samin. Nauna yung isa namin kasama na girl na magshower pero after 5 mins tinawag nia yung isa pa namin kasama na bff nia kase di dw sya mapakali feeling daw nia may nakatingin sa kanya at nakatayo sa may bandang pinto ng banyo. Ang ending, sabay na sila nagshower at nagmadali matapos.

Ako next na nagshower, bilang tapang-tapangan, hindi ko pinansin ang kwento nila na may naramdaman sya -- pero after ng ilang minuto, for some reason hindi rin ako mapakali kaya tinawag ko si Mommy namin (mommy-mommyhan namin sa opis) sabi ko sa kanya "hala bakit ganito yung vibes sa CR mi" -- eh isa pa rin yung matatakutin kaya ayun sabay na rin kame nag shower at nagmadali matapos.

(Malaki yung CR ng tinuluyan namin, may shower at gripo kaya pwede magsabay if nagmamadali) hindi kme nakailaw, liwanag lng mula sa bintana, hapon pa lng nun mga 3PM.

After makashower ng lahat, nag ready na kami pagpunta sa Calle Crisologo para mag picture at sightseeing. Naka itinerary na kse mga galaw at lakad namin for the next 2 days. Yung isa namin na kasama na guy pabirong nagtanong kung ano daw masasabi ni beshie sa tinutuluyan namin. Natahimik sya bigla at ang sabi lang nia is i-enjoy na lang namin yung gala namin. Dahil sa pagod at antok narin nakalimutan na namin ang tungkol sa nagpaparamdam sa room na tinuluyan namin.

Nung nasa van na kami pabalik ng Pampanga, nagkwento na si beshie ... Nung unang gabi namin sa Vigan, mabilis na nakatulog ang lahat dahil sa pagod at puyat except kay beshie, hindi sya makasleep bilang nararamdaman nia meron kaming iba pang kasama sa kwarto. Habang mahimbing kami natutulog, meron daw pagala-gala na multo (lalake sya) tinitignan kami isa-isa at tila nagtataka yung "multo" bakit daw kami andun. Yung multo naglalakad sa paahan ng mga hinihigaan naming lahat at isa isa kaming pinagmamasdan!  Ang assumption ni beshie ay sya yung dating nakatira/may ari dun sa bahay na yun at nagagalit, kase ang dami daw namin  ang ingay at naguguluhan daw, bakit dun kami natulog?

Yun namang nagpaparamdam sa banyo  ay babae, sa banyo sya nakatambay at kinonfirm ni beshie sya yung nasa likod ng pinto -- nagagalit at nagtataka sya bakit paiba-iba yung mga taong nag ooccupy ng room. Naisip namin sila yung mga ninuno ng family na nagmamanage ng transient house na yun.

Yung house is ancestral, luma na talaga at halatang inaalagaan na lang sa pintura para maging presentable sa mga guests/tourists.

Nung 2nd at last day namin sa Vigan, kaming mga girls, hindi na nag CCR dun sa banyo namin sa room sa labas kame nag CCR sa hallway.

Bago kami umalis sa bahay na yun, kanya kanya kami nag alay ng dasal para na rin humingi ng dispensa kung nabulabog man namin sila.

Exactly after 12 months, bumalik ako sa Vigan -- this time, kasama ko naman husband ko pero sa ibang transient house na kami nagpabook. Parang di ko na kakayanin mag-stay pa ulit dun.

Meron din nakita si beshie sa Cape Bojeador -- pero dpa nia nakwento ng detalyado sakin.

- Storm

Tres(Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon