Bride

5 1 0
                                    


Ang ikukwento ko ngayon ay isa sa mga pangyayari sa buhay kong mas pinili kona lang umihi sa bote ng mineral water kesa sa banyo.

Madalas umuwi sa Mindoro ang kapatid ko tuwing bagong taon dahil taga doon ang napangasawa niya, nagkataon din na January 1 ang fiesta sa lugar ng bayaw ko.

Pero ito ay nangyari ng minsang isama nila ako pauwi sa Mindoro noong undas taong 2010. Isinama nila ko sa Mindoro that time sapagkat unang undas ito ng nanay ng bayaw, namatay kase yung nanay ng bayaw same year, ito yung unang pagkakataon na idadaos nila ang undasan (1st undas ng isang namatay. Super excited ako noong makasakay ng barko, actually natulog lang naman ako buong bayahe kase nahilo ako sa lakas ng alon.

Hapon na ng makarating kami sa bahay ng bayaw ko. Kung ilalarawan ang bahay nila, maliit lamang ito pero may tatlong palapag, parang shape ng kahon ng sapatos ang bahay nila, tuwang tuwa po ko sa hagdan nila kse sobrang cute, yung hagdan na spiral na isang tao lang ang kasyang dumaan. Kakaiba ang pakiramdam ng bahay na iyo para sa akin. Parang hindi ako welcome yung atmosphere, pero okay naman saken yung mga kapatid ng bayaw ko. Dumating na yung oras na matutulog na kami sa kwarto sa second floor, at set up sa my pader ako tas yung ate ko sa gilid, bukas lang yung pinto.  Natatanaw mo yung hagdan nila kapag nakahiga ka na. May ilaw na pula sa may taas ng hagdan, yung parang sa mga altar para daw kapag iihi sa baba makikita yung hagdan.

Mag aala una na nang may narinig akong papaakyat sa hagdan, bakal yung hagdan, wari ko ay parang tunog ng takong yung tumatama sa hagdan, agad kong sinipat pero wala akong maaninag, ginising ko ang ate ko, sabi ko naiihi ako, sabi nia saken, tiisin ko muna daw, kase may nakaharang pa daw sa hagdan. Sobra akong kinilabutan, sa aming magkakapatid kasi siya lang yung nakakakita ng mga entity, ako hanggang dinig lang at paramdam yung naeexperience ko. Agad akong napapikit.
May babaeng naka bridal gown ang nakatingin sa amin na nakatayo sa my dulo ng hagdan na nakatapat sa pulang ilaw.

Maya maya naririnig ko na ang mabilis na pagdadasal ng ate ko, pati ako napadasal na noon. Muli kong narinig yung yabag ng mga paa nia naka suot ng takong papalapit sa kwarto. Papalakas ng papalakas ang dasal namin ng ate ko ng mga oras na yun, nakapikit pa rin ako. Maya maya nawala yung mga yabag. Unti unti kong iminulat ang mata ko nga mga oras ng iyon. Waring tunog na lang ng butiki ang naririnig ko noon ng biglang nagsalita yung ate ko " makakaihi ka na sa baba, umalis na siya"  sa sobrang takot ko kinuha ko na lang yung bote ng mineral at doon na lang umihi.

Pagdating ng umaga, napag usapan namin yung ukol sa bride na nakita ni ate. Sabi nila, winelcome lang daw ako non, yun pala lagi na yung nakikita ni ate tuwing umuuwi siya sa Mindoro. Marami pang nakwento ang ate ko ukol sa bahay na yun, tungkol sa matandang naka salakot na umaakyat sa bintana, yung lalaki sa  vanitiy mirror sa banyo at kung anu- ano pa.

Simula noon hindi nko sumasama papuntang Mindoro. Nabalitaan ko rin na noong 2016 hindi na sila doon umuuwi...

-Max

Tres(Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon