wedding anniversary

6 0 0
                                    


Ilang araw na lang at 50th wedding anniversary na nina Juancho at Zenaida. Masasabing wala na silang mahihiling pa sa buhay. Mayaman sila sa lahat ng bagay — sa pagmamahal, sa pera, sa anak, sa apo. Lahat sa buhay nila ay nasa magandang kalagayan.

Napadalhan mo na bang lahat ng imbitasyon ang mga kamaganak natin at mga kaibigan, mahal?” tanong ni Juancho kay Zenaida habang inaasistihan siya nito sa paghuhubad ng suot na amerikana.

Oo, mahal,” matamis ang ngiting tugon ni Zenaida.

Pakakasal silang muli sa simbahan. Halatang alumpihit sa saya si Zenaida dahil doon.

Excited na ako, mahal. Ganitong—ganito ang feeling ko noong una tayong ikakasal,” anito kay Juancho.

Noon ay magkatabi sila sa kama.

Pareho lang tayo, mahal!” sabi ni Juancho na ibinilanggo sa mga bisig ang asawa saka hinagkan.

Masaya ang pagsasama ng dalawa. Ang kahanga-hanga, higit pa sa kanilang buhay ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

FIFTIETH wedding anniversary nina Juancho at Zenaida. Ang mga abay ay ang kanilang mga anak. Kasama rin sa entourage ang mga manugang nila. Ang dalawang apo naman ang flower girl at ring bearer.

Ang saya saya ko!” ani Zenaida kay Juancho habang nasa harap sila ng altar at hinihintay ang pagsisimula ng wedding ceremonies.

Pareho lang tayo, mahal.”

Napatawa si Zenaida.

Lagi na lang pareho ang ang sinasabi mo.”

“Siyempre! Minsan na tayong pinag-isa, diba? Ang nararamdaman mo’y nararamdaman ko rin. Ngayo’y bibigkisin na naman tayo kaya’t baka sa isip pa lang ay magkaintindihan na tayo.”

Tumikhim ang pari para kunin ang atensiyon ng dalawa na tila sila lang ang tao sa simbahang iyon.

Nagsimula ang seremonyas. Nakapaloob sa misa ang muling pag-iisang dibdib. Humaplos sa damdamin ng mga saksi sa kasal na iyon ang sinabi ng pari sa huling bahagi ng seremonya.

Kamatayan lang ang makapaghihiwalay sa inyong dalawa,” anang pari habang binabasbasan sina Juancho at Zenaida.

Inulit ni Zenaida ang sinabi ng alagad ng Diyos.

Kamatayan lang ang makapaghihiwalay sa iyo sa akin,” saad nya.

Matapos ang kasal ay isang masaganang tanghalian ang kasunod. Sa isang kilalang hotel ang handaan. Halos kasintaas ng mag-asawa ang cake na iniregalo ng mga anak.

Saan ang honeymoon?” biro ng isa nilang kaibigan.

Sa Baguio,” masayang sagot ni Juancho.

At naku, Tito! Ayaw pumayag ni papa kung hindi siya pa rin ang magda-drive sa kanila ni mama paakyat ng Baguio. Gagawan daw nila ng re-enactment ang first wedding nila,” ani Cesar, panganay ng mag-asawa na napapailing.

Hindi nga pumayag si Juancho na ipagmaneho sila ng kanilang driver. Aniya, malakas pa siya at bakit nga hindi samantalang praktisado ang katawan niya sa araw-araw na pagda-drive patungo sa opisina at sa bahay nila na nasa suburb ng Maynila. Alaga rin niya ang katawan sa ehersisyo kaya malakas talaga ang kanyang resistensiya.

Pero hindi siya nakatanggi nang pasamahan sila ng mga anak sa isa sa driver ng mga ito. Hindi man ito ang nagmamaneho ng kanilang kotse, nakasunod naman ang dala nitong sasakyan habang paakyat sila sa City of Pines.

Sa Baguio rin tayo nag-honeymoon noon, di ba?” ani Juancho habang minamaneho ang kotse.

Oo, puwede ko bang makalimutan iyon?” napapahagikgik na wika ni Zenaida.

Tres(Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon