PARA PO!

7 1 0
                                    

HACIENDA LUISITA

Kahit pala ang mga patay ay inaalala ang mahahalagang pangyayari sa buhay nila. Kaya tayong mga buhay ay pahalagahan natin ang pamilya natin. Live in the moment.

October 2013.

My grandmother is from Nueva Ecija, kaya naman nung namatay ang lolo ko we always go there with my family and my cousin na si Ron. Mostly, sa may pa Plaridel kami dumadaan papunta sa Nueva Ecija. Laging madaling araw kami nagbibyahe para  walang traffic. Mabilis naman ang byahe papunta doon kaya lang traffic talaga kapag umaga, kaya kapag madaling araw lang ang daan namin doon mga 2 to 4 am. Kailangan kong umuwi para ayusin yung titulo ng lupa namin noon. Kami na lang ng pinsan kong si Ron ang nagpunta sa Nueva Ecija. Hindi naman ako marunong magmaneho kaya nagcommute na lang kami.

6pm kami nakarating sa terminal ng bus. Sabi samin ng lola ko sa SCTEx na lang kami dumaan para walang traffic. Kaya naman yun ang daan ng sinakyan namin. Hindi ako masyadong familiar where exactly Hacienda Luisita is.

6:30 pm na kami nakaalis sa Cubao dahil pinuno pa ang bus, bandang gitna kami nakapwesto. Natulog muna ako sa byahe dahil malayo pa naman. Naramdaman ko na lang ang pag alis ng bus sa terminal.

7pm tulog pa rin ako nun pero nagising ako dahil sa may malikot sa likod ng inuupuan ko. Nung una ay mahina lang na parang may nilalagay sa likod ng upuan ko kaya hindi ko pinansin. Maya maya lalong lumalakas yung pwersa sa likod ng upuan ko na parang pinupukpok, pero hindi ko pa din ininda dahil sobrang antok pa ako. Mga limang minuto pa lang ang lumilipas sobrang lakas na talaga na parang sinisipa na yung upuan sa likod ko. Kaya napabangon ako pero biglang tumigil. Tinignan ko yung pinsan ko na baka naramdaman nya din yun pero tulog na tulog sya. Pumwesto ako sa upuan ko na pa slant at hinihintay kong sipain ulit yung upuan pero wala naman ulit na gumawa nun. Hindi na ako nakatulog sa byahe kaya nakinig na lang ako ng mga kanta sa cellphone ko.

around 8:20pm, nagbasa na lang ako ng bago kong biling Pinoy Comic Jokes na libro. Maya maya may naramdaman akong parang bagay na dumidikit dikit sa sakong ko. Nakatsinelas lang kasi ako noon at walang medyas, kaya medyo nilayo ko yung paa ko at hinakbang ko paharap. Mga isang minuto merong ulit na dumidikit sa sakong ko na parang bola dahil pabalik balik lang sa sakong ko. Parang dumudulas lang sya sa bawat paggalaw ng bus. Kaya tinaas ko na lang ang paa ko kahit medyo mahirap dahil masikip. Nagbabasa pa din ako ng libro.

Limang minuto ang lumipas nang bigla na lang nalaglag yung librong binabasa ko. Dahil sa medyo inaantok ako, umayos ako ng upo at kukunin ko na ang libro, nakayuko ako. Nang biglang may sumilip na bata sa ilalim ng upuan ko. Maitim na bata, mukhang batang lansangan, maduming madumi ang itsura nya at nafroze ang aking katawan na hindi na ako makatayo. Mga ilang segundo ang lumipas bigla na lang syang nawala. Hindi ko maalala kung paano pero unti unti ko ng nagagalaw ang katawan ko at napabaluktot ako sa upuan. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kung titingnan ko ba yung nasa likod ko o magsusumbong ako sa kasama ng bata o sa konduktor. Ginising ko na lang ang pinsan ko.

""Uy Ron!""

""Oh ate bakit?"" hindi ako nakasagot sa takot kaya umayos sya ng upo at tinignan ako.

""Uy ate ano nangyari? Bakit naluluha ka? Sino umaway sayo?""

""Wala. May nakita kasi akong bata sa ilalim ng upuan"" nanginginig kong sabi.

""Nako ate, yung bata lang sa likod yun kanina pa malikot at maingay. Wag ka ng matakot"" hinawakan ng pinsan ko yung kamay ko at pinakalma ako. Sobrang takot na takot ako sa nangyari kaya naiyak ako sa takot. Hindi na natulog ang pinsan ko at nakipagkwentuhan na lang sa akin ng katatawanan para makalimutan ko yung nangyari.

9:02pm, nagtext ang asawa ko kaya tinawagan ko sya at nakipag usap sa anak ko. Sumandal ako sa may bintana, hindi ko alam pero parang nakita ko ang reflection ng nasa likod ko. Imposibleng kaharap ko yun dahil babaeng matanda at ang anak nyang lalaki na nasa 20's ang kasama nya. Samantalang babaeng nasa 30's lang ang babaeng nakikita kong reflection sa bintana. Nakakagulat man, ito ay nakabaliktad sya sa reflection nya. Hindi ko naman masyadong binigyan ng pansin yun dahil kausap ko ang anak ko. Nagulat na lang ako nang makita ko na ang reflection ay unti unting ngumingiti at parang nakatitig sa akin. Napapikit ako at nang buksan ko ang mga mata ko ay nawala ang reflection. Hindi na nga ako nakapagpaalam sa anak ko dahil nababa ko kaagad ang tawag dahil sa takot. Pinikit ko na lang ang mga mata ko at pinilit matulog. Sinabi ko sa sarili ko na hindi na lang ako gigising hanggat di kami nakakarating sa Gapan, Nueva Ecija.

9:30 pm nagising ang diwa ko dahil sa kanta ng isang batang lalaki, nasa likuran nanggagaling ang tinig nya, kinakanta nya ang Ugoy ng duyan. Nung una ay mahina hanggang sa palakas ng palakas pero nung sumunod ay parang sa may tenga ko na kumakanta yung bata. Hindi ko pinansin yun pero ang sumunod na nangyari may humihinga na sa tenga ko habang naririnig ko ang kanta. Kahit nakatutok ang aircon sakin ay pinagpapawisan pa din ako ng malagkit. Lumingon ako sa pinsan ko at mahimbing na ulit ang tulog nya. Kaya hindi ko na lang din pinansin at nagdasal na lang ako hanggang sa maramdaman ko na lang na may humahawak sa tenga ko sa kanan. Imposibleng yung pinsan ko yun dahil nakaupo sya sa kaliwa at bintana ang nasa kanan ko. Kaya dahan dahan kong binuksan ang mata ko at kitang kita ko ang mukha nya, nakabaliktad at titig na titig sakin. Napabalikwas ako sa upuan na dahilan para magising si Ron. Nilingon ko yung upuan sa likuran ko pero walang tao dun. Gusto ko ng maghysterical dun pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Bumalik ulit si Ron sa pagtulog at ako ay umayos na ulit ng upo. Kakaupo ko pa lang ay narinig ko na naman ang tinig ng batang lalaki.

Napansin ko na nasa SCTEx na kami at sobrang dilim ng daan at lalo akong kinilabutan. Pumikit ako ulit at nagdasal. Ilang minuto ang nakalipas at biglang may humawak sa paanan ko, napadilat ako ng mata at mabilis na tinignan ang aking paa pero wala naman na kahit na ano... Sumilip na lang ako sa bintana para tignan kung nasaan na kami, at nakita ko sa isang malawak na palayan. May taong naglalakad ng mag isa, may dalang flashlight at lumiliyab. Nasusunog itong taong, dahan dahan na naglalakad sa palayan. Bawat palayan na dinadaanan nya ay nasusunog pero nawawala din ang liyab nito. Takot na takot ako sa aking nakita...

Tumigil ang bus kaya naman nawala ang tingin ko sa labas ng bintana. Nasa tollgate na pala at kitang kita ko dumaan ang batang lalaki na nangungulit sa akin at ang kasama netong babae na nakita ko sa salamin papunta sa pintuan ng bus. Tumayo ako para tignan kung bababa ang dalawang yun pero hindi naman bumukas ang pinto ng bus.

Pumasok na kami ng Tarlac at bumungad sakin yung palayan na nakita ko sa SCTEx. Lumagpas na kami sa palayan na yun at tinignan kong mabuti kung makikita ko ba yung taong nasusunog pero wala iyon doon. Lumagpas na kami nang makita ko yung mag-ina na nasa likod ng aking upuan. Mabilis ang patakbo ng bus kaya imposibleng binaba sila nito. Bumilis ang tibok ng puso ko lalo na nung nakita ko kung saan sila nagpunta. Naglalakad sila sa palayan hanggang sa maglaho na lang sila. Napabuntong hininga ako at sumandal na lang sa upuan.

Nagstop over muna kami kaya bumaba kami ng pinsan ko para magcr. Bumili din ako ng tubig at pagkain kasama si Ron nang biglang may kumausap samin.

Verbatim

""Neng, nakikita mo rin ba sila?"" tanong sakin ng isang lalaki at namukhaan ko sya dahil sya ang konduktor namin.

""Ano po?"" yun na lang ang nasabi ko.

""Yung mag ina na bumaba sa Hacienda Luisita. Nakikita mo rin sila diba?""

Kinilabutan ako sa sinabing yun ng konduktor.

""Opo kuya. Pano mo nalaman? At hindi ba sila dapat makita?""

""Neng, matagal ng patay yung mga yun. Kaya nga yung upuan sa likuran nyo ay hindi namin pinauupuan kahit kaninong pasahero. Kahit wala na kaming kita doon. Yan kasi ang huling inupuan ng mag ina bago sila napaslang noon nung nagkaroon ng massacre dyan sa Hacienda Luisita. Nung araw na namatay silang mag anak yun din ang araw na muling nagkita sila matapos ang walong taon. Yun ang araw na nagkita ang mag asawa at mag ama pero yun din ang araw na namatay sila dahil sa apoy. Kaya siguro sinasariwa nila ang araw na yun, ang isang napakagandang alaala, tamis ng muling pagkikita at pagbuo ng pamilya ngunit winasak ito dahil sa kung ano mang dahilan........ Tara na ineng aalis na tayo"" natulala ako sa sinabing yun ng konduktor.

Hindi ko malaman kung matatakot ba ako o malulungkot sa sinapit ng pamilyang iyun.

- KARAsuno

Tres(Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon