"The Broken Vow And The Mistress"
Nais ko lamang mag bahagi ng aking sariling karanasan at kababalaghan sa aking buhay.
Ako ay isang estudyante. Kinse anyos palang ako, ako na ang madalas na naiiwan sa bahay walang kasama at laging nag iisa dahil laging nasa Untie ko ang Mama ko para tumulong sa negosyo ng Untie ko at ang mga bata ko naman na kapatid ay laging sinasama ni Mama. Madalas malungkot ako at nag iisa at natatakot sa bahay.
Hanggang sa isang araw nung ako'y nag sama ng aking mga kaibigan sa tahanan ng aking mga magulang para mag libang at mag karoon ng konting kasiyahan ay may napansin ang aking mga kaibigan sa kwarto ng aking Papa lagi silang nakakakita ng paulit ulit daw na dumadaang babae sa pinto ng aking Papa. Doon pa lamang sa nakita nila ay natakot na sila maski ako ay natakot dahil wala naman talaga akong ibang kasama sa bahay kundi ako lang talaga. Nang masaksihan nila ang kakilakilabot na babae na may mahabang buhok na naka gown pang kasal ay nag pasya ako na ikukuwento ko ang lahat lahat sa Mama at Papa ko pag uwi nila galing trabaho.
At dumating na ang oras para mag hapunan kami at sa puntong iyon ay handang handa na akong ikuwento sa mga magulang ko ang nakita ng aking mga kaibigan sa kwarto ng Papa ko. At heto sinabi ko sa kanila lahat lahat at tila biglang lumaki ang mata at nanahimik na lamang ang aking Papa pag katapos ko ikuwento ang nakita ng aking mga kaibigan at sinabi lamang niya na imahinasyon lamang iyon ng aking mga kaibigan.
At ang Mama ko naman ay dali daling sinundan ang aking Papa sa kwarto matapos itong mag hapunan at dun pa lamang ay ako'y kinabahan na dahil kung titignan silang dalawa ay tila may tinatago silang lihim. Ako ay nag pasya na makinig sa kanilang pinag uusapan sa kwarto at naririnig ko na umiiyak silang dalawa at narinig ko na sinabi ng aking Mama na "Dapat kasi hindi ako ang pinili mo" Doon pa lamang sa narinig ko ay ako'y nag taka at nag hinala na bakit sasabihin iyon ng aking Mama sa aking Papa.
Kinabukasan pagka-alis ng aking Papa at Mama sa aming tahanan ay ako'y nag pasya na mag tungo sa tahanan ni Bagwis isang magaling na esperitista sa aming lugar. Nag tungo ako kay Bagwis upang humingi ng tulong para mabigyan ng linaw ang nakita ng aking mga kaibigan sa aming tahanan gusto ko malaman kung ito ba ay isang ligaw na kaluluwa o isang kaluluwa na hindi matahimik. Pagkatapos ko ikwento kay Bagwis ang lahat lahat ay nag handa na ito upang mag tungo sa aming tahanan upang kausapin ang kaluluwa na nasa aming tahanan ako nga'y nahihiya kay Bagwis nung mga oras na iyon dahil wala talaga akong kapera-pera na ipang babayad sa kanya ngunit kinapalan ko na lamang ang aking mukha upang masagot lamang niya ang mga bagay na nag lalaro sa aking isipan at ayon pumayag naman siya.
Heto at nasa bahay na kami at nag ritual na siya at sinimulan na niya tawagin ang kaluluwa at ako'y natakot kaya tumakbo na ako palabas ng bahay. Makalipas ang kinse menutos ay lumabas na siya ng bahay at ikinuwento niya na ang tunay na mga pangyayari at dahilan kung bakit may isang kaluluwa sa tahanan ng aking mga magulang na naka pangkasal na kasuotan. Sinabi ni Bagwis sa akin na ang tunay kong ina ay ang mismong kaluluwa na nasa kwarto ng aking Papa na naka suot na pang kasal. Sinabi sa akin na sinabi sa kanya ng kaluluwa na si Liliana (Kaluluwa sa kwarto ng aking Papa) na ako daw ang tunay niyang anak sapagkat na buntis ng aking Papa si Liliana kaya napilitan itong mag pakasal sa kanya subalit sa mismong araw ng kasal ni Liliana ay umurong ang aking Papa at tinakbuhan si Liliana kaya naman si Liliana ay nag patiwakal at namatay ngunit buhay ang bata sa kanyang sinapupunan at ako daw iyon. Hanggang ngayon ay hindi matahimik ang kaluluwa na si Liliana dahil hanggang ngayon mahal niya parin ang aking Papa at hanggang ngayon ay gusto niya parin maikasal rito. At matapos ko marinig ang lahat ng iyan kay bagwis ay ako'y naiyak na at nagulat sa lahat ng nalaman ko. Mas pinili pala ng aking Papa ang kabit niya kesa sa aking tunay na magulang na si Liliana ako'y galit na galit at lumisan na sa aming tahanan.
Ngayon ay bente anyos na ako at naninirahan ako sa Pampanga at may sarili ng pamilya. Hindi ko gagawin ang ginawa ng aking papa sa aking tunay na Mama. Masaya ako sa aking may bahay na mahal na mahal ko siya at hindi ko siya iiwan at ipag papalit sa kahit na sino man.
At sa mga kapatid ko naman na sina Prince Kashiro, Zel, Dolly, at Christian. Na naiwan sa pangangalaga ng aking mga magulang...
-Skyler Matthew
BINABASA MO ANG
Tres(Horror Stories Compilation)
HorrorThird installment of Horror Stories Compilation Compilation from FB Page Spookify. 100 Horror Stories Compiled and reposted here in Wattpad