"SINO YUNG UMUWI KAGABI?"

9 1 0
                                    

Ishe-share ko lang yung kwento ng mama ko ukol dun sa inupahan naming bahay sa Misamis Oriental.

Alas 6 ng hapon ng nagkayayaan 'yung barkada ng kuya ko dahil magsasalo raw sila sa birthday debut ng girlfriend ng isa sa mga barkada niya, at yung kuya ko ay kasali sa 18 roses kase matagal narin naman na classmate niya yung babae.

At first, alam ng kuya kong hindi siya papayagan ng mama kong dumalo sa event na yun kase nga gabi na at baka wala na siyang masakyan pauwi kaso dinahilan niya yung 18 roses kaya pinayagan siya.

"Basta kapag ginabi na ah, dun ka nalang sa barkada mo matulog. Tawagan mo nalang ako!" ani ng mama ko sa kanya.

Dali-dali namang umalis yung kuya ko habang suot-suot yung tuxedo na pinahiram sa kanya ng barkada niya.

Alas 8 ng gabi ng nakatanggap ng message yung mama ko galing sa kuya ko at sabing, "Ma, mukhang bukas nalang ako makakauwi kase 9 magsisimula yung event." Hindi na nagreply pabalik yung mama ko.

Alas 10 uli ng gabi ng makatanggap si mama ng message kay kuya na may matipid na salitang "Mama."

Medyo naweirduhan si mama nung time na yun at syempre ako narin. Yung dahilan namin ay baka discontinued message lang yun.

Naulit pa ito ng alas 11 ng gabi na kung saan natutulog na kami ng mga oras na yun. At nung alas 12 ay nakareceive ng tawag yung mama ko galing kay kuya at dali-dali niya naman itong sinagot.

"Hello!"

Mga limang beses sinabi yan ni mama ng napakalakas, at maririnig ko yun kase magkatabi lang naman kaming matulog.

Kaso, ang pinagtataka ni mama ay kung bakit hindi nagsasalita si kuya sa kabilang linya at kung bakit parang Zero-noise yun. Eh diba nga nasa event sila so imposibleng walang niisang tunog ng nagsasalitang emcee o sigawan ng mga tao sa paligid kaso niisang katiting na tunog ay walang narinig si mama. Dun na siya kinalabutan.

Ayon sa kuwento ni mama, may kumatok sa pintuan namin bandang alas tres ng gabi. Naalimpungatan din siya dahil sa kahol ng aso namin na nakatali sa gilid ng pintuan namin at dalawang metro ang layo. Pinagbuksan yun ni mama at dun tumambad yung kuya kong seryoso ang mukha at parang blanko ang ekspresyon. Yung parang lutang kumbaga.

"O bat kapa umuwi? Baliw kaba!" Ani raw ng mama ko sa kanya.

Hindi raw kumibo si kuya at sa halip ay sinagi lamang siya nito at dumaretso sa sala at naghubad ng medyas.

"Diba sabi mo sa kaibigan mo ka makikitulog!? Alas tres na ng gabi at nagawa mo pang umuwi!? May nasakyan kaba pauwi?!"

Tuloy na panernermon ng nanay ko sa kanya pero hindi raw ito kumibo. Nabaling ang usapan ng mapansin ni mama na hindi papala naisasara ng kuya ko yung gate ng bahay.

"Isarado mo muna yung gate!?  Bago ka matulog!"

At sa pagkakataong yun ay dahan-dahang tumayo yung kuya ko at lumabas ng bahay. Si mama ay naiwang nakaupo sa silyang kutson namin sa sala habang naghahantay na bumalik yung kuya ko. Ngunit lumipas ang limang minuto at di pa ito nakakabalik na siyang pinagtaka ni mama. Dali-dali niyang sinundan sa labas si kuya at napagtanto niyang nakasarado na ang gate at wala narin yung kuya ko.

Sa oras na yun ay binalot si mama ng galit kase kutob niya ay umalis nanaman si kuya. Hindi na ulit nakatulog si mama at sa halip ay naghintay nalang siya magdamag sa sala hangang sumapit ang kaumagahan.

Alas syete ng umaga ng magising ako sa sermon ng mama ko.

"Putangina ka!? Bat umalis ka uli kagabi?"

Naguguluhan si kuya habang dala dala yung balot niyang tuxedo sa plastik at nakadamit pambahay na siya.

"Huh? Di ba nag text ako sainyo na bukas na ako makakauwi? Di niyo ba nabasa yun? Atsaka anong umalis ulit ih dun nga ako matulog"

"Ginagago mo ba ako? Nakatanggap nga kami ng messages mo ih at tawag kaso wala karin namang sinasabi"

"Huh? Anong tawag, hindi ko kayo tinawagan kagabi"

"Ano tong nasa history ko? Tignan mo"

"Ewan ko jan, promise maniwala kayo sakin. Atsaka nag expire na yung promo ko nung 8 pm, kaya nga huling message ko nalang yung nagpaalam akong sa kaibigan ako makikitulog"

At sa mga oras na yun ay binalot kaming lahat ng pagtataka at pagkagulo.

"Hindi ka umuwi kagabi ng alas tres? Ih kumatok ka panga sa pintuan natin ih. Kinakahulan ka pa nga ng aso. Atsaka nadaplisan mo ko sa siko ko nung dinaanan mo ko," sabi ni mama habang nakakunot lamang ang nuo ni kuya.

"Atsaka, nung inutusan kitang isarado yung gate ay hindi kana bumalik uli. Ih baka nagsisinungaling kalang!"

"Ma maniwala ka sakin. Gusto mo ivideo call pa natin siya  o di kaya sa mama niya para malaman mong sa kanila ako nakitulog kagabi"

"Talaga ba? Eh sino yung umuwi kagabi?"

-OGA ng MisOr

Tres(Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon