"OVERNIGHT SWIMMING SA ISANG SIKAT NA MALL"
May isang sikat na mall dito sa Muntinlupa ang may swimming pool sa rooftop at it is open for all. During daytime public ang pool, pero kapag overnight naka-private ito, yung nagrent lang ng buong venue ang pwedeng makapasok.
Lingid sa kaalaman ng lahat, ang mall na ito ay dating sementeryo kaya marami ng kababalaghang kwento ang naririnig ko tungkol dito. Mga kaluluwang nagpaparamdam sa cr, sa sinehan at sa iba pang parte ng mall. Hindi ako naniniwala hanggang sa ako na mismo ang nakaranas ng kababalaghan.
Summer, nagsesearch kami ng ate ko kung saan pwede magfamily outing near our place. Lumabas yung name ng resort sa taas ng mall na yun. So since malapit lang kami(tricycle ride).
Pinuntahan namin yung office and settled all the papers&payment.Swimming day na, lahat kami excited. Maraming bata sa family at mas excited sila. Nakarating na kami sa venue and it was 7 in the evening. Everything is in control, masaya. Okay ang lahat, kainan, tawanan, videoke, swimming..
Di na namin namalayan ang oras, past 12mn na pala.
I saw my 10year-old niece na pumasok sa cr, sya yun dahil sya lang ang naka-white shirt sa amin. Naiihi na rin ako kaya sumunod ako sakanya. Maganda yung cr, malawak. Nasa 10+ ang cubicle sa loob. Nakasara ung isang cubicle at alam kong andun ang pamangkin ko. The rest of cubicles are all open, so sa kabilang cubicle ako pumasok, habang nasa loob ako, narinig kong may kumalabog na pinto. 'Ano ba yan Chloe, dahan dahan nman' and I heard her laugh, sobrang lakas. Parang nang aasar pero bakit parang iba yung boses? Hindi boses bata.. Di ko pinansin ang boses nya, sa halip nagsalita pa ulit ako para matanggal ang takot ko, 'nako Chloe, lagot ka sakin paglabas ko dito!' At biglang kumalabog ng sabay sabay lahat ng pinto ng cubicle kasabay ang pagtawa ng malakas ng di ordinaryong boses ng babae.
Wala akong magawa kundi umiyak sa loob ng cubicle, hindi ko alam ang gagawin ko. May bumubulong sa tenga ko, hindi ko maintindihan. Maraming boses, may umiiyak, may tumatawa.After few minutes, nawala ang ingay. Bubuksan ko na sana ang pinto ng cubicle pero, ayaw bumukas! Buong pwersa ko ng hinihigit yung pinaka-doorknob pero ayaw talaga, ramdam kong may humihila sa labas.
Muli ko na namang silang narinig, this time mas malakas, mas malapit sa tenga ko at ramdam na ramdam ko ang lamig ng hininga nila. Nagtakip ako ng tenga 'wag nyo po akong paglaruan, please lang' at nagdasal ako ng Our Father ng paulit ulit.Muling nawala ang ingay, agad kong binuksan ang pinto, nabuksan ito kaagad at tumakbo ako ng mabilis palabas ng cr na yon.
Paglapit ko sakanila, tinignan ko isa-isa kung sino pa ang nakaputing damit para malaman ko kung sino ang naunang pumasok sa cr, pero wala. At agad kong nakita ang pamangkin kong si Chloe, tulog na tulog katabi ang mga pinsan nya.
- Ar-C
Muntinlupa
BINABASA MO ANG
Tres(Horror Stories Compilation)
HorrorThird installment of Horror Stories Compilation Compilation from FB Page Spookify. 100 Horror Stories Compiled and reposted here in Wattpad