CREWROOMS + PARTYROOM

7 1 0
                                    


I was 18 ng mag trabaho ako sa isang fastfood.
2019 I decided na pag sabayin ang pag aaral at trabaho dahil mahirap lamang ang aming pamilya.

Nakapag apply ako sa isang fastfood at natanggap din kaagad ('coz priority ng store ang mga working students) araw ng lunes ng mag umpisa ako bilang trainee. 3 days lang ang training namin at pag katapos ay bibigyan ka na nila ng regular sched. Natanggap ako bilang isang frontliner (cashier) unang araw ng trabaho na line up ako sa closing team (3pm to 10pm) dahil may pasok ako sa school pag umaga. Tumagal at naging masaya ang naging experience ko sa closing team hanggang sa dumating ang araw na sana hindi ko nalang pinasukan.

Sept 2018 araw ng sabado pa out na ako ng nag sabi sa akin ang manager namin na mag extend ako hanggang gy (11pm to 7am) dahil AWOL ang isang kahera ng GY. since sabado at kinabukasan ay linggo wala akong pasok sa school kaya pumayag ako at dagdag kita rin.

Nag uwian na ang mga kasabayan ko sa closing at ako nalang ang naiwan dahil nga na extend ako hanggang gy.

Alas dos, ng mag paalam ako sa kasama kong kahera at sa manager para kumuha ng panglinis na gagamitin namin. (pag GY, 2 kahera lang talaga ang naka line up at 1 manager dahil madalang ang customer ng ganon oras.

Ako: ate Joy, akyat lang po ako sa taas kukuha ng mga gagamitin natin panglinis.

A' joy: hmm sure ka? sige basta bilisan mo lang ha.

Ako: opo ate joy saglit lang ako

A'joy: kung kaya mong kunin ng 5mins laht ng gagamitin natin much better, bsta wag na wag ka lang mag tatagal ha.

Tumango lang ang naging tugon ko kay ate Joy at umakyat na sa 2nd floor ng store kung saan andun ang crewroom namin at mga panglinis na gagamitin namin. (set up ng 2ndfloor sa store. Pag akyat mo ng hagdan lalamunin ka ng dilim dahil pinapatay ng manager ang ilaw at AC sa taas. At yung crewroom namin nasa dulo.)

Naglalakad ako patungo sa crewroom namin ng may naramdaman akong kakaiba dahil na rin siguro sa mga binilin ni ate Joy sakin. Pinag sawalang bahala ko lang ito at tuluyan ng pumasok sa crewroom namin.
Pumasok na ako sa CR at kinuha ang mga gagamiting panglinis ng biglang may pumasok sa crewroom at sinara ito ng pabagsak (sa crewroom namin may CR na)

Ako: sino yan? Ate Joy ikaw ba yan? mag ccr ka ba? Ate wag mo naman akong takutin.

Walang sumagot sa tanong ko kung kaya't dali dali na akong lumabas ng cr at crewroom dahil naalala ko ang sinabi ni ate Joy. Pilit kong binubuksan ang pinto ngunit hindi ko ito mabuksan na lalong nag pakabog ng dibdib ko. Naluluha, takot, kaba na ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon ng maramdaman ko na parang may nakatingin sa akin mula sa aking likuran.

Dahan dahan akong lumingon upang alamin kung sino itong nakatingin sakin na sana hindi ko nalang ginawa. Isang babaeng naka suot ng lumang uniform ng store ang nakatayo sa aking harapan. Duguan ang mukha nito at tila ba'y hindi na makilala ang mukha nito dahil sa sobrang daming dugo at sugat sa kanyang mukha. Palapit sya ng palapit sa kinatatayuan ko na halos ikabaliw ko sa sobrang takot at nag simula ng bumuhos ang mga luha na kanina ko pa pinipigalan na kumawala ng biglang bumukas ang pinto at nakita ko si ate Joy kasabay ng pagkawala ng aking malay.

-BILOG

###########

"CREW ROOM & PARTY AREA"

Im a service crew before sa McDonald's. I've left my job there kasi may nararamdaman akong iba. I thought ako lang nakakaramdam kaya hindi ko sinabi sa iba, pero lahat ng ka crew ko know's the story about the "manager and the little kid" except lang sa mga manager hindi nila inoopen up para iwas takot na din lalo na sa mga naka duty sa GY.

1st week ko pa lang sa store winelcome na agad ako nung manager sa crew room nung pag akyat ko, hindi ko alam kung may third eye bako o wala basta ang alam ko nun may kasama ako na nakatingin sakin from the storage room, na visualize ko sya lalo na nung dumaan sya sa likod ko, edi as a new hired dedma lang kasi baka nga tinatakot ko lang sarili ko, baka ako lang nakakaramdam.

4months lang tinagal ko dun, sa 4months na yun lagi nako may baon na rosaryo sa bulsa, tuwing break time ko kasi nararamdaman ko na may dumadaan sa likod ko, ito yung experience ko sa manager na lagi ko nararamdaman.

1st duty ko nun sa counter 3pm yung out ko pero syempre kailangan pa magbaba ng stocks para sa build two. One of the manager told me na asikasuhin ko na daw yung build two ko.

Umakyat mag isa sa storage room, bago ka dumaan sa storage room crew room muna, nagcr muna ako tapos nag ayos para presentable naman pag baba, after ko mag cr napatingin ako bigla sa storage room kasi may dumaan papunta sa other side sabi ko "may tao po ba dyan" tapos biglang nalaglag yung box ng mga toys for happymeal. Nag decide nako na pumasok sa storage room para matapos na ang bigat sa feeling, nung pagkadampot ko ng mga box MAY NAKITA AKONG NAKATAYO SA HARAP KO! Hindi ko tiningnan yung mukha nya kasi alam ko na iba sya edi nagdasal ako na sana mawala na yun. maya maya may tumawag yung isa kung ka crew na medyo matagal na sa store, sakin kung ano ba daw ginagawa ko bat daw namumutla ako tapos pawis na pawis sabi ko "kuya may manager kanina nakatayo dito habang pinupulot ko yung mga box na hinulog nya" ay nagparamdam na sayo? Tiningnan mo ba mukha nya? "Oo kuya sa totoo lang po nung una ko pong pasok dito nagparamdam na sya, hindi ko po tiningnan yung mukha nya" sabi nya "Oo meron talaga dito sa crew room manager baka namiss lang mag duty, hindi lang ikaw nakaramdam ng ganyan halos lahat tayo dito, pag new hired ganyan pag welcome nya". he also added " wag mo lang tingnan yung mukha nya kasi masaklap nanyari dun sa manager na yun, sasabihin ko na sayo meron din batang lalaki dito minsan andito sya sa crew room madalas nasa party area" sabi ko naman "HALAAAAA! kuyaaaa" he replied "pag na assign ka sa lobby tapos inutusan ka ng manager na imop yung taas, magsabi ka sa guard alam na nila yun mahilig kasi yung batang lalaki na manakot talaga, like papatayin nya yung ilaw, tapos biglang gagalaw yung upuan or yung mop matutumba, may maririnig ka na tumatakbo sa tapos yapak ng bata, magdasal ka lang, may isang crew nga dito dati tumakbo pababa basa yung uniform nya, sabi nya may bata daw na naglalaro ng tubig galing sa lagayan ng mop after nun nag resign na sya".

Natapos ko naman yung shift ko ng araw na yun after 1week nagpasa nako ng resignation letter.

Last duty ko bago ako umalis na assign ako sa lobby wala masyadong tao, kaya naglinis muna ako sa cr ng lalaki nun ng may nakita akong sapatos ng bata, nung dadamputin ko na may narinig akong tawa ng bata sa loob ng cr tapos biglang nagbukas yung gripo, naalala ko yung kwento sakin nung ka crew ko so pinag pray ko yung bata pati yung manager para sa soul nila.

I dont know kung napag laruan ba ko o masyado ko lang tinakot sarili ko.

- Unemployed.
Ms.E

Tres(Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon