HUGIS KABAONG

5 1 0
                                    

COFFIN-SHAPED LOT

i-k-kwento ko ay ukol sa lupang kinatitirikan mismo ng tinitirhan namin ngayon. Kwento lang 'to sa'min ng Lola ko.

Years ago n'ong may pumunta raw na 'tambalan' dito sa'min na kakilala lang din nila Lola. Maliit pa lang daw ang bahay nila n'on. Bale tindahan siya sa umaga tapos tulugan naman nila sa gabi.

Nung pagkakita palang daw n'ong tambalan, para raw nag-aalangan itong tumuloy kaso napilit ni Lola kaya ayon.

"Beng, bakit naman ganito 'yong pinili niyong lupa? Ang pangit! Hugis kabaong! Malas 'to!" 'Yan daw ang sabi sa kaniya kaya syempre kinilabutan siya pero hindi naman daw siya nagpadala sa takot. In fact, tinawanan lang daw niya 'yong sinabi n'ong tambalan.

Yon na nga, dun na niya napatunayang ang pangit nga raw ng lupang kinatitirikan ng bahay namin ngayon. Marami raw kasing mga elemento na padaan-daan sa bahay, may times pa nga raw na pinaglalaruan sila ng mga ito like kinakatok 'yong pinto every 3AM, dopplegangers, at mawawala ba naman ang mga kaluluwa at mga elemento.

Ramdam pa rin namin ang mga kasama naming naninirahan sa hugis kabaong na lupang ito.

Every 3AM, kapag nakapatay ang ilaw sa labas, may kumakatok. May times na biglang parang mahihila ang rocking chair patungo sa  harap ng full length mirror namin and such, pero hinahayaan nalang din namin kasi hindi naman sila nananakit, siguro gusto lang nila ipaalam na may kasama nga kami rito.

-Julien
Visayas

Tres(Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon