*Ang kwentong ito ay hango sa totoong pangyayari, ano mang pag kaka parehas ng lugar at pangalan ay hindi sinasadya o nag kataon lamang.
Sa ngayon, marami na ang nakaka alam o naka punta na mismo sa Marilaque road dito sa Lalawigan ng Rizal. Madalas itong matampok sa mga sikat na vlog, sapagkat napaka ganda ng lugar at ang mga kurbada nitong kalsada. Yan ang saya ng bawat motoristang dumarayo sa Marilaque araw araw. Pero nadaan ka na ba dito sa pag kagat ng dilim? Wag mo ng subukan.
Ang kwentong isasalaysay ko ay sa aking kaibigan, tawagin nalang natin syang Toto.
Toto's POV:
Normal na araw lang ang dumaan sa nakakapagod na mag hapon. Kaylangan kong kumayod ng kumayod para sa aking pamilya, baon na kami sa utang at kaylangan kong mag banat ng buto upang makaraos sa araw araw. Isa akong Delivery rider, kaya kahit malayo ang booking kinukuha ko na.January 12, 2021, nangyari ang pinaka nakakatakot kaganapan sa buhay ko. Maganda ang araw nun, wala gaanong deliver. "Hayy!! Ano ba yan! Nakakabagot naman. Pano ako mag kakapera nito ehh niisang booking walang makuha." wika ko sa aking sarili, na nadinig naman ng aking kasamahan. "To, tutal wala namang booking ngayon. Taas tayo sa Marilaque, saglit lang. Andun yung mga pinapanood nating Vlogger na namimigay ng helmet." wika sakin ni Arnold. "Talaga?! Oh tara na. Pero saglit lang tayo ha? Baka abutan tayo ng dilim?" sagot ko naman sa kanya. "Di yan To, saglit lang tayo." tugon naman nito sa akin.
Lumipas pa ang ilang sandali ay tuluyan na kaming pumunta sa Marilaque, mga 1:00pm na siguro nun. Habang tinatahak namin ang nasabing daan, napansin ko ang isang ale na nag lalakad mag isa sa gilid ng kalsada. Puting Blusa, naka talukbong ng telang puti at marahan na binabaybay ang daan. Huminto ito sa pag lalakad, at ng malapit na ako sa tapat nya ay humarap ito sa kalsada. Tinitigan at dinuro nya ako, habang may mga salitang binibigkas na hindi ko maintindihan sapagkat nag mamaneho nga ako ng motorsiklo ng mga sandaling iyon. Di ko nalang pinansin at nag patuloy nalang sa tinatahak naming daan.
3:00pm, nakadating kami sa lugar kung saan naroon ng ang mga idolo naming motovlogger. Napakadaming riders na nag tungo upang makita sila, at isa na kami dun. Natapos ang meet and greet mga 5:00pm na. Kaya nag mamadali na kaming, umalis sa lugar na yun.
Medyo madilim na ang paligid ng mga oras na yun, tantya ko ay mga nasa 6:00pm na. Nasa kahabaan palang kami ng Marilaque Road. Wala na din gaanong sasakyan na kasabay sa daan. Hinarurot ko na ang takbo ko dahil talagang "Yari ako kay misis neto." bulong ng aking isipan.
Hanggang sa pakiramdam ko ay tila parang bumagal ang takbo ng motor ko, bumigat bigla. "Bagalan mo, dito ako namatay." tinig ng isang babae mula sa aking likuran. Halos hindi na ako maka hinga sa kaba sa sandaling yun, pero nasa katinuan pa ako. Dahil ayokong makita kung anong itsura ng nilalang na umangkas sakin ay dali dali kong itinaob ang mag kabilang side mirror ko. "Ayaw mo ba akong makita?" bulong muli saakin ng nasa likuran ko. "Tama na po, natatakot na po ako." tanging wika ko,kung papakinggan man nya ako. "BAGALAN MO!" pasigaw na tugon nito. Hanggang sa may tumawid na babae sa harapan ko, dito na ako nag preno at nasemplang. Nawalan ako ng malay pero tanda kong hindi ko tinamaan yung tumawid. Nagising nalang akong nasa ospital na, katabi ang aking asawa. Tandang tanda ko pa ang mga nangyari kaya naikwento ko ito sa kanya. Nandun din yung kasamahan ko, na syanf tumawag ng tulong.
"Langya tol, kaya ka pala nasemplang akala ko naman may iniwasan kang kubak,kaya nag wild ang manubela mo.
Multo pala iniwasan mo." wika ni arnold sakin. "Pero sabi nga nila, may umaangkas nga daw talaga dun. Kaya bumubusina muna sila ng tatlong beses bago dumaan dun sa Big C, swerte ka pa din pre. Binuhay ka nung umangkas sayo." dagdag pa nito.At yun na nga , masasabi ko lang ay wag nating aalisin yung respeto sa isang lugar. Nakikidaan lang kasi tayo o nakikituloy. Wag nating alisin sa isipan natin na hindi lang talaga tayo ang mga nilalang dito sa mundo. Marami tayong hindi nakikita na minsan ay di natin sinasadyang magambala, lalo na sa lugar na tila bago lang tayo. Ilugar natin ang pagiging dayo sa isang lugar.
-Popoy Mr. Inventory😉
BINABASA MO ANG
Tres(Horror Stories Compilation)
HororThird installment of Horror Stories Compilation Compilation from FB Page Spookify. 100 Horror Stories Compiled and reposted here in Wattpad