Kalabog

12 1 0
                                    

Itong hindi malimut-limutang experience ko sa high school nung Grade 10 ako, eto ikwento ko sa inyo

Mayroong pageant sa school so automatic kaming mga scout ay magaassist. Bantay dito, bantay doon. Sita dito, sita doon. Sobrang nakakapagod talaga that day, pero nung gabi na, nawala lahat ng pagod ko dahil sa nangyareng hindi ko inaasahan.

Around 7 PM non, nasa bandang likod kami ng school ng kaibigan ko, scout din sya. Sinamahan ko sya mag c.r kasi sobrang sama ng tiyan nya that time.  Nung tapos na sya mag c.r, nakita namin yung dalawa naming kasama. Kitang-kita namin na pumunta sila sa likod na building ng school na nasa 2nd gate ng school, building yon nasa may mga classrooms at nandon din yung headquarters namin. Naisipan namin ng kaibigan ko na biruin sila since matatapos na din naman yung pageant & makakapagpahinga na din kami. Hinayaan namin sila na pumasok sa loob tapos tsaka namin sila sinundan.

Pagpasok namin nawala sila, so pumasok sa isip namin na nandon sila sa loob ng HQ at malamang nagpapahinga na, naisip ko na pituhan sila. Naka 3 pito ako pero walang nagrespond, walang lumabas. so nagplano kami na takutin sila.

Umakyat kami sa 2nd floor na hagdan kasi sa ilalim non HQ namin, may bintana sa taas non tapos ginawa namin kumuha kami ng patpat, nilawit namin sa bintana tapos pinapatama namin yung kawayan sa bintana ng hq. Walang nagrespond, inulit namin hanggang sa may narinig kami. bumaba kami at pinakinggan namin sa pintuan, narinig namin na may kumikiskis na upuan, so hinayaan lang namin. Ilang segudo narinig namin na parang binabagsak yung upuan, di sya ganong malakas pero mararamdaman mong parang may gigil.

Naglakas loob kami na buksan yung pinto. pagbukas ko ng pinto natakot kami, kasi walang tao sa HQ. Ang nakita lang namin ay yung mga bag namin, at yung upuang green monoblock. Mas nakakatakot dahil yung green monblock ay nakatayo pero nakatagilid, segundo ata bago bumalik sa position na normal.

Tumakbo kami ng kaibigan ko hanggang canteen, nagtataka sa nangyare. Mas lalo kaming natakot, kasi pagdating namin don nakita namin yung gf ko tapos yung kasama nya, AS IN SILANG DALAWA. Tinanong ko sila bakit nandon sila. ang sagot nya, kanina pa daw sila nandon, sino daw ba yung sinusundan namin sa loob ng building?

-Gabriel Galimba

Tres(Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon