Yaya Ana

5 0 0
                                    

When I was in grade 4, 1994, 11 years old during that time.  My parents were separated, from Tondo, we (My Dad together with my brothers) relocated to a new place in Maliklik Tondo Manila.

One night, sa room sa 2nd floor tabi tabi kaming matulog ng mga kapatid kong lalake kasama ang Yaya Ana namin, I fell asleep at nagising ako na parang naiihi na ako pero tinatamad akong dumilat o tumayo kasi antok na antok ako. Ang pintuan ng room is on my right side (nakatagilid ako sa kanan ko) meaning nakaharap ako sa pintuan, si Yaya Ana ay nasa likuran ko ( left side ko), my two brothers are on my right. Nakapikit ako kinakalabit ko yun kapatid ko para magising, magpasama sana ako kasi ayaw kong bumaba mag isa at takot ako. I was afraid to go downstairs alone, as I know may mangyayari or makikita na naman ako. Di umiimik ang kapatid kong natutulog kahit anong kalabit ko, nagsalita ako, "samahan mo ko naiihi ako". Di sya nagising, impatient ako, dumilat ako para makita ko san aabutin o kakalabitin ang isa kong kapatid na nasa tabi nya, nasa kanan nya,  Pagdilat ng mata ko nun, nakita ko ang Yaya Ana namin na nasa pintuan, na bukas ang pintuan, tinatawag nya ako with a dull face, as in the expression is odd pero swaying and waving ang left hand nya, tinatawag nya ako, kinakawayan nya ako na pumunta sa kanya, nagtataka ako, bakit? Pano nya nalaman na naiihi ako agad, eh nasa likuran ko sya nakatabi sakin at wala akong naramdaman na gumalaw at tumayo. Napaisip ako, lumingon ako sa left side ko where my Yaya Ana (is supposed to be sleeping),  I saw my Yaya sleeping sa likod ko.

Nanigas na buong katawan ko, di na ako nakagalaw sa pagka lingon ko. Di din ako makasigaw sa takot at nagiisip na ako ng way papano escape route ko. Pinikit ko mata ko, dahan dahan akong bumalik pakanan at humiga ng patagilid na hindi ko dinidilat ang mata ko. Medyo matagal pero ihing ihi na ako at natatakot. (Sino yun tumatawag sakin sa pintuan) Biglang may umihip sa face ko.  Napa dilat ako ng di sadya. Right in front of my face, sa kalagitnaan namin magkapatid ay distorted face of my Yaya, walang mata, all black eye hole, nakabuka ang bibig na kulang na lang magkasya ang ulo ko, she was floating upside down sa pagitan namin ng kapatid ko!  sumigaw ako ng pagkalakas lakas na nagising ang mga tao sa bahay namin mula taas hanggang baba! Sigaw ako ng sigaw at hindi ako makasalita sa Papa ko at di ko masabi sa sobrang takot ko!

Kinabukasan nilagnat ako at ayaw na ayaw kong matulog na sa kwartong yun at nagpilit na lumipat ako sa kabilang kwarto at dun na tumabi sa pinsan kong kasama din namin sa bahay.

Sa mga lapitin ng mga entities, prayers are powerful, I'm on my midlife years and proven kong it is indeed powerful once strong ang faith mo with our almighty creator. Due to, lately hindi na ako nalalapitan o napapakitaan.

-MissJSM

Tres(Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon