Ikekwento ko sa inyo ang journey namin sa Ilocos.
Lima kaming magkakabarkada. Napagpasyahan namin magbakasyon sa Ilocos at ako ang magdadrive. Umalis kami ng tanghali at sobrang saya ng lahat, mga plano pagdating doon at konting asaran.Umabot ang gabi, lahat ay tahimik, pagod, tulog. Habang ako ay nagmamaneho, sinusundan ang mga sign sa daan, nakadaan kami sa isang malaking puno. Napansin ko na parang ang bagal ng mga sasakyan na kasunod ko. Tila ba ay parang may tinitingnan sila. Merong naaksidente, isang motorsiklo at sasakyan. Nagising ang mga kasama ko at napatingin.
""Uy sh*t grabe naman yun, kawawa naman.""
""Oo nga eh, hayaan niyo na ganun talaga."" sambit ko.
Habang kami ay umaandar ng mabagal, hindi ko maalis ang sarili ko sa pagtingin sa punong iyon. Para bang may kakaiba. Napagpasyahan na muna naming maghanap ng hotel na matutulugan sa lugar na yon.
""Good Evening po Sir.""
""Good evening, overnight stay lang.""Pagkatapos kong magpabook ay natanong ko kay manong guard yung tungkol sa puno na nadaanan namin.
""Manong wala ba kayong napapansin dun sa malaking puno na nadadaanan bago makapunta dito?
""Ah yon sir. May naaksidente na naman po ba no?""
""Oo manong, bat niyo alam?""
""Nako iho ganito talaga sa lugar na to. Laging may naaksidente diyan, lahat ng aksidente laging may namamatay. Nangunguha sila. Ang kwento kasi dito panahon pa yan ng Kastila. May babae daw na nirape at chinop chop diyan. Bali naging 4 na parte siya kaya ang mga tao dito kapag napapadaan sa lugar na yan bumubisina ng 4 na beses. Kapag naglalakad naman nagsasalita sila ng ""Apat"". Kapag daw hindi mo ginawa yun, makikita mo ang mga katawan niya nakakalat sa daan na magiging sanhi ng aksidente.""
Lumipas ang gabi at kami ay tumuloy na papuntang Ilocos. Masaya ang pagpunta namin dun at maraming mga memorya ang hindi ko makakalimutan.
Hanggang sa dumating ang araw na kami ay uuwi na. Sa kasamaang palad, inabot kami ng gabi pauwi. Dumaan ulit kami sa punong iyon ngunit sa sobrang saya ng kwentuhan namin ay nakalimutan ko ang pamahiin na sinabi ni Manong.
Lumipas ang 5 minuto ay natahimik na kami. Habang ako ay nagmamaneho ay naramdaman ko na parang bumibigat ang manibela. Samantalang bago kami ay umalis ay pinacheck ko na to sa mekaniko at sinabi na wala namang problema.
Hanggang sa nagulat na lang kaming lahat nang biglang may kumatok sa bintana ng 4 na beses. Sigawan kaming lahat at ako ay napahinto bigla. Lumabas ako saglit kahit madilim ang lugar. Tiningnan ko ang paligid dala ang flashlight ko.
Napakatahimik ng lugar, kinabahan ako, Baka mamaya ay modus ito ng mga nagnanakaw ng sasakyan. Dali dali na kong pumasok ngunit nakarinig ako ng 4 na sitsit. Nanigas ako at napatulala na lang. Nakita ko ang isang babaeng pugot ang ulo sa taas ng sasakyan na nakangiti at nakatingin sakin. Napasigaw ako at pumasok sa loob. Ang mga kasama ko ay natatakot na at naiiyak dahil di nila alam ang nangyayari. Saka ko lang naalala na hindi ako bumusina kanina sa puno. Kaya nagbusina ako ng 4 na beses at sumisigaw ng apat apat apat apat. Hanggang sa kumalma ako at para bang gumaan na rin ang pakiramdam. Nagdrive na ko at sa awa ng Diyos ay nakauwi kami ng maayos.
Kaya simula non ay naniniwala na ko sa mga pamahiin na ganon.
-Paul
BINABASA MO ANG
Tres(Horror Stories Compilation)
HorrorThird installment of Horror Stories Compilation Compilation from FB Page Spookify. 100 Horror Stories Compiled and reposted here in Wattpad