Ang mga kwentong ito ay sa mga guest na nakilala namin.
Nakatira kami sa isang beach resort, sa Bataan, may bahay talaga kami kaya lang pag kasagsagan ng mga bisita, dito kami natutulog tutal may mga bahay ang mga empleyado dito.
Sobrang lawak ng lugar. May kabahayan naman, pagtawid sa kabilang ilog(private beach ito). Malawak ang beach na'to(sobrang laki ng potential kung mare-renovate pa), may bundok at dagat.
Matagal ng hindi natatauhan ang beach dahil sa pandemic(2 years na). May malaking bahay pagpasok ng gate. Up-and-down din yun. Ang itaas nun ay kasya ang 30-40 persons, kasi ang laki, hindi lang halata(at may pumapaswit daw dun) May katabing bahay yun, sa pinsan ata o kapatid nila. Yun talaga ang hindi natatauhan(naabandona na). Sa gilid malapit sa'min ang mga bahay na...
Nakatanggap ng reservations ang beach for a few days, madami sila. 6 rooms ang kinuha nila, 3 dun ang up-and-down, malaki, madami nga kasi sila. Mga staff sila ng isang serye at ang iba ay mga staff ng event (na nagdedecorate para sa weddings etc.) kasi may artista na ikinasal malapit lang dito kaya dito sila nakacheck-in.
Lagi silang busy. Aalis sila ng umaga at babalik ng gabi kasi nag-aayos sila ng venue, naiiwan lang ang cook at ibang helper.
Nang may isang lalaki na mag-isang natutulog sa isang guest house(up-and-down yun) nagising daw siya dahil may yumuyugyug ng kama. Tanghali. Kinuwento niya yun sa'min. Sabi nung lalaki hindi daw dahil sa kama, kasi nagising daw siya, babae yung nakita niya, mahaba ang buhok yung nakita niya kaya dali-dali daw siyang tumakbo palabas.
The second experience is, nag-uusap yung mga staff nung gabi. Sabi nung isang staff sobrang nakakatakot daw dito dahil madaming multo...
Ito ang hindi kapani-paniwala sa experience nila.
Ito yung experience nung driver ng isang van. Uminom daw sila nun, hindi niya naubos ang kalahati ng sanmig lights at natulog na siya sa loob ng van, then paggising niya siguro mga 9 o 10pm, sabi niya nagtaka siya sa hitsura niya. Madumi at puro putik ang suot niya, as in parang nilublub sa putikan kaya dali-dali daw siyang pumasok sa banyo at naligo,naisip namin na hindi umulan at ang putik lang na meron kami ay sa likod ng dalawang guest house ay puno ng mga sasa(dun ang may putik) sinabi nila na baka lasing lang siya at hindi niya naalala pero todo tanggi siya dahil hindi naman daw siya lasing at hindi nga daw niya naubos ang isang bote. Malaking palaisipan ang nangyare sa kanya. Sabi ng isa sa empleyado dito, tikbalang ang may gawa nun at napagdiskitahan siya(sa lahat ng natulog na mga nasa labas, bukod tanging siya na nasaloob ng van ang binuhat at nilublub sa putikan) ganun kasi ang nangyare sa apo niya, pinaglaruan daw(pero hindi nilublub tulad nung bisita. Nilipat lang sa lapag mula sa duyan)
Sabi nila ang dami daw pagala-gala na multo(totoo naman talaga. Maliban sa medjo gubat nga ito, hindi pa natauhan ng ilang taon dahil sa pandemic)
Madaming bisita ang nakakita dito pero wala lang, hindi sila ginagalaw. Gumagala lang sila.
Isama niyo pa yung dalawang pamangkin ko na may third eye na dito natulog. Naglalaro sila nung gabi kasama yung ibang pamangkin ko pa. Medjo nalayo na sila nun at tanaw ang abadoned cottage. Kaya pala ang bilis ng takbo nila pabalik sa'min, dahil ang sabi nung isa, may nakita siyang bata sa may hagdan ng bahay, pa-swirl kasi ng hagdan nun malapit sa gripo, terrace na kasi ang labas nun maliban sa kwarto at c.r.. Tinanong ko siya kung ano ang histura ng bata, sabi niya hindi niya nakita ang mukha dahil mahaba ang buhok(siguro nakatakip sa mukha)nakatayo lang daw sa may hagdan.
Nakakatawa, nung last night na nila, kaya pala puro mga nasa pinto at labas lang ang iba, ay mga natatakot pumasok sa loob dahil sa kwento nung kasama nila.
Nakakalungkot nga at umalis na sila...wala ng mumultuhin...
-A
Cebu
BINABASA MO ANG
Tres(Horror Stories Compilation)
HorrorThird installment of Horror Stories Compilation Compilation from FB Page Spookify. 100 Horror Stories Compiled and reposted here in Wattpad