May 2012 nang maconfine yung lolo ko sa hospital sa Q.C.,
Around 2am inutusan ako ng tito ko humingi ng mainit na tubig sa nursing station sa ward na un pero wala daw. Inutusan nya ako ulit na bumili nalang sa baba kc my vending machine naman duon, ayoko sana pero naglakas loob narin ako.
Nasa kalagitnaan nako ng hallway walang katao tao puro huni lng ng insekto maririnig mo kasi talahiban na sa labas makikita mo yun kasi salamin lang naman ang mga bintana, pero maya maya naduduwal ako sa sobrang lansa ng amoy na naamoy ko tapos napansin ko bumibigat bawat hakbang ng mga paa ko, kinakabahan na ko na maiyak iyak gusto ko ng umatras pero paglingon ko sa likod di kalayuan may isang lalaking nakalutang na nakabihis na pang nursing aid na parang yayakapin ako sumigaw ako pero wala akong boses napatingin ako sa bintana kitang kita ko may nakalutang na kabaong na nakasindi pa yung mga kandila sa ibabaw, gusto kong tumakbo na mabilis pero wala kong lakas namumutla na ko pinilit ko maglakad ( feeling na para akong pilay sa sobrang bigat ng mga paa ko na parang ayaw ako paalisin sa pwesto na un).
Nasa 1stfloor na ko nun ng may nakasalubong akong mag asawa(my dadalawin ata). kinausap ako ""anak ano nangyari sayo?"" ang sabi ko ""ate saan po kayong ward pupunta pwede po pasabay ako pero kukuha lang ako ng tubig dyan lang banda ( sabay turo ko sa dulo ung hallway na un ng 1stfloor andun na kasi ung main entrance, pharmacy and canteen kaya di na ko masyado natakot kasi may natanaw na akong babaeng guard di kalayuan sa labas ng pharmacy na nakatingin sakin) actually yung boses ko pa nun hinang hina pa na garalgar sa sobrang takot, ""cge hihintayin ka namin"" sabi ng babae.
Nasa tapat na ko ng pharmacy ng tawagin ako ng guard yung nakatingin sa akin kanina ""iha halika ka nga dito (yung mukha nya may halong pagtataka) ""sino ang kausap mo dun?"". . gusto ko ng mahimatay at atakihin sa puso isa din palang kaluluwa ang mag asawa na yun kaya pla namumutla sya at yung lalaki nakayuko lang na parang tiningtingnan yung sapatos nya tpos nakastraight lang yung dalawa nyang kamay.. Nag makaawa ako sa guard na samahan nya ako pabalik kasi di ko na kaya baka mas malala pa makita ko at baka matuluyan na ako.
ilang hakbang nalang nasa 2ndfloor na kami pero nakaramdam na kami ng malamig...- Ms. L
valenzuela#############
ICU PatientAssistant nurse ako sa isang hospital. Alam kong usual na ang multo sa ganitong place. Di lahat kaya mong i-revive, di lahat kaya mong dugtungan ang buhay. To make my long story short, I was assigned to ward area and while in the middle of my night duty, tumawag ang ICU Nurse sa ward for "Code" (It means they need some help). So bumaba agad ako just to help. Dalawa ang patient sa ICU that time. May harang lang sa gitna kase nagrerevive kame. Walang kaalam alam yung isang patient namin na nag 50-50 na yung kabilang patient. We revived the patient but unfortunately, di na nakasurvive.
After an hour. Habang inaasikaso ni sir yung cadaver at patient's chart, nagpaalam na sya na kakausapin daw muna nya yung relatives ng patient sa labas. Ako na muna ang nagbantay. Narinig kong umuungol yung isang patient and dali dali akong pumunta. Tinanong ko kung anung problema nya.
M: Sir may problema po ba? May masakit po ba sa inyo?
S: (Medyo groggy at di masyado maintindihan yung sinasabe nya)
Sya kasi pinipilit nya ko sumama sa kanya.
M:(Lumilingon) *Ako lang naman, sya at yung isang patient na na-expire(dead) na.
S: Paalisin mo sya, pinipilit nya ko sumama sa kanya.Di ko alam ang gagawin ko. Sobrang takot na takot ako. Nagdasal nalang ako at pinakalma ang isang patient ko hanggang sa makabalik yung workmate ko.
After ng nangyari na yun di na ko pumapayag na maiiwan mag isa sa area.
- Tep
BINABASA MO ANG
Tres(Horror Stories Compilation)
TerrorThird installment of Horror Stories Compilation Compilation from FB Page Spookify. 100 Horror Stories Compiled and reposted here in Wattpad