Yaya

4 0 0
                                    


Buntis ako noon mga 7 months na dumalaw ako sa bahay ng mama ko sa QC. sa harap ng bahay nila ako tumambay dahil naiinitan ako dala ng pagbubuntis ko. Madaming nagdadaan dahil nsa main road sila , khit na nsa bundok na ung subdivision.

Kinabukasan pag uwi ko sà bahay nmin tinawagan ako ng nanay ko may gusto daw mag apply na katulong , ako nman payag agad dahil kailangan ko talaga ng makakasama sa bahay dahil wala ang mister ko, OFW. 

Dumating din agad ang mama ko kasama na si yaya ,bata pa si yaya,maliit lang ito at may kaitiman, halos hindi mo maariwari ang mukha nya dahil laging nka yuko, mga 18 lang siguro, pero may anak na daw sya. Kaya nagtaka ako kung bakit pa sya mamasukan ,kailangan daw nila ng pera...so sige. May dala na syang gamit kaya talagang porsigido.

Nang gabing yon sabi ko sa kanya sa kwarto ko na muna sa sya matulog dahil magulo pa yung kabilang kwarto. Sa lapag ko sya pinatulog habang nsa kama nman ako.nakahiga lang ako magdamag..nagmumuni muni...

bandang alas 12 ng gabi pagtayo ko nagulat ako... gising pa si yaya nka squat sya at nakatitig sa akin nanglilingkis ang mga mata nya..parang naging singkit bigla at pailalim kung tumitig. Pinagalitan ko sya sabi ko sa kanya na matulog na sya dahil hindi ako natutulog sa gabi at naghihintay ako ng tawag ng mister ko.pinakita kong mas matapang ako sa kanya. Maya maya nakita ko nakabaluktot na sya parang nangatog sa air con, nakatulog na.

Pagkagising nmin ng umaga tumawag agad ako sa tatay ko pinapunta ko sa bahay, sabi ko may iba akong pakiramdam sa bago kong katulong. Pinaayos ko ang kabilang kwarto at  pinalagyan ko ng kandado sa labas. sinabihan ko din ang tatay ko na doon na muna matulog sa bahay nmin.

Nang gabing yon nakiusap si yaya na doon na din sa salas sya matulog kung saan matutulog ang tatay ko, okay lang ,sa lapag sya , sa sopa ang tatay ko. Mahimbing na natutulog ang tatay ko ng naramdaman nyang may kumakaloskos... ng tumayo sya nakita nya si yaya na nangingisay..inakala nya na baka may epilepsy...kaya sinibukan nya itong gisingin ngunit bigla itong namaluktot ,parang nangingisay ang buong katawan... pati ang mga kamay, parang nagbabalian ang mga buto ...nanlilisik ang mga mata at namula, natakot ang tatay ko alam nyang kakaiba na ang nangyayari ...pero mas inisip nya ako dahil nsa taas lang ang kwarto ko alam nyang nagbabagong anyo na si yaya kaya hinawakan nya ang  noo ni yaya at nagdasal ...una nanlalaban pa si yaya, gustong kumawala , pero hindi sya makalaban ng husto sa dasal ng tatay ko.

Nang medyo mahimasmasan, kumuha na ng kutsilyo ang tatay ko para kung ano man ang mangyari ay nka ready sya.

Mag uumaga na daw ng kumalma si yaya at nakatulog.
Paggising ko alam ko na na may kakaibang nangyari dahil may kutsilyo sa lamesa. kinompronta ko si yaya , tinitigan ko sya sa mata at tinanong kung aswang sya...umamin nman sya , minsan lang daw nman nangyayari yon sa kanya pag bilog ang buwan .Sinabi kong swerte nya hindi sya pinatay ng tatay ko. Maya - maya, nagulat kami..may tawag agad kming natanggap na pinauuwi na si yaya, kailangan kailangan na daw ito umuwi.

Pinauwi ko na din sya agad at nalaman kong naglipat na ito agad ng bahay pagkauwi.

- Apple

########

Doppleganger ni ate yaya

around october to november 2008-2009  nagkaroon ako ng bagong ate(yaya), nakasanayan ko na kasing tawagin ang nga nagiging kasambahay namin na yaya.

Nung una ok lang pa lang kami.
Nang parang nung naka 1 month na siya nag-aaway ka kami kasi makulit daw ako.

1st day(na makakita ng doppleganger) umalis ako ng bahay para maglaro sa computer shop,umuwi muna ko para icheck kung may pagkain na not knowing na lumabas pala siya to buy ulam so nakasara yun bahay,then ako naghintay sa loob ng shop,hinihintay kailan siya babalik. Nung sumilip ulit ako after a few mins. nakita ko siya na papunta na ng bahay,so ako naman. Sumisigaw para mapansin niya kung nasaan ako pero di siya lumilingon. Diredirecho lang talaga siya sa paglakad. Di yun na nga,nung nasa bahay na kami binuksan niya yun gate na may padlock,and yung pinto. Ang bilis niya binuksan so expected ko nasa loob na siya. Nung nasa loob na nga kami nagsabi ako na iready na yung ulam kasi gutom na ko,pagdating ko sa salas nakita ko na nasa tapat siya ng calendar ng nakayuko pero nakaharap sakin(gawain niya lagi yung nasa tapat ng calendar pag may iniisip) salita ulit ako,pero di siya tumitingin so di ko na lang pinansin then bumalik sa kusina. Gulat ako biglang dumating ate ko tapos sabi paano ako nakapasok eh nakalock gate at pinto. Nagsimula na ko magisip ng kakaiba.

2nd day(kakatapos lang nung nangyari na nakita ko)akala ko di na mauulit yun. So ganun ulit yung scenery,tanghali. Lumabas ako pero nung pabalik ng bahay magkasabay na kami kasi natakot na ko. Nung paguwi bigla siya nagsabi na lalabas ulit siya kasi may nakalimutan. So ako naman nagpaiwan then nagbanyo for a few mins. Paglabas ko nakita ko yung pagdatin niya as in. Tapos dumirecho sa taas. Maririnig mo kasi pag nay umakyat kasi gawa sa kahoy. Sinundan ko pero pagakyat ko nakatalikod nanaman siya sa isang sulok. Nang bigla akong tinawag ng ate ko hinahanap ako. Pagtingin ko dun sa kung saan ko siya nakita nawala na ulit...

minsan sa peripheral vision ko may mga nakikita akong tumatakbo sa kusina.

- AsadoSiopao
Imus,Cavite

Tres(Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon