Yabag

10 1 0
                                    

Laguna, 2003.

Palagi nag aaway parents ko, palagi rin po kami laman ng baranggay station noon , sa sobrang pag aaway nila naisipan ng mama ko na lumipat na kasama kami, ahente ang mama ko ng bahay at lupa kaya madali sakanya makakuha ng unit.

Ito na nga , lumipat kami sa tirahan namin na hanggang 4th floor, pinapabenta ang unit na yon kay mama, pero nakiusap lang sya kung pwede na dun muna kami,pumayag naman ang may ari ng bahay, 12 yrs old ako non, palagi  ako naka masid at naghahanap ng spot kung saan ako maganda makapag  gawa ng bahay bahayan ko, yung unang floor ng bahay puro salamin, parang ballet studio sya, yung second floor  naman 2 ang kwarto na malalaki, may pintuan na nag coconnect sa dalawang kwarto, tagusan, ang flooring nya  at rug parang pang ibang bansa ang style. May terrance na maganda , maaliwalas  yung second floor kaya dito  kami natutulog, yung 3rd floor  ay isang room , isang sala, isang kitchen na napaka gara ng counter top , parang yung pang american style kitchen, yung 4 th floor ay  rooftop.

Isang gabi nag inom mga ate ko at late na naka tulog mga 1am na, ang mama ko kaka uwi lang galing sa paghahanap buhay at ako naman kasama ko ang nakababata ko na kapatid, mahimbing na ang lahat sa pag tulog pero ako  kapipikit ko lng po at akmang lalalim palang ang tulog ko ng biglang may mabibigat na yabag ako narinig umiikot sya sa kwarto namin at kwarto nila ate pabalik balik mga 3 times , nung ikatlong beses na  nya iikot na tumigil yung yabag sa harapan na tulugan namin, pumikit ako non at nagdasal hanggang sa makatulog nalang ako, kina umagahan nag kkwento si mama na ang panaginip nya hinihila sya ng malaking lalaki palabas ng kwarto at hirap na daw po sya gumalaw,  narinig ko yun , nung nakita nila ako na nakikinig tinigil nila ang usapan at inalok na ako kumain,  nasundan pa yung yabag na yun nung naliligo ang ate ko sa 3rd floor, may magandang banyo po kasi doon, nakarinig ang ate ng yabag kaya akala nya nag lalaro kami malapit sa banyo paglabas nya ay wala po kami, pag balik nya para magtuloy maligo ay di na po mabuksan ang banyo naka lock na po, pagkatapos po ng nangyari na yun nag decide si mama mag hanap na muna ng maliit na bahay para saamin, bawat gabi kasi after ng nangyari sa banyo na yun gabi gabi may yabag na kami naririnig at mga lumalagabog na gamit.

Lumipat na kami ng bahay, gawing bayan na malapit sa palengke, naging active kmi magkakapatid sa christian church, naging okay naman kami, pero still ang mama at papa ko hindi in good terms, dahil nga akoy active sa church hindi naniniwala sa mga tawas at hula kasi.

Nang isang gabi , nanaginip ako na nakahiga ako doon sa bahay na mataas na yun at may kung anong naka hawak sakin na anino na itim, nirebuke ko yun, nawala sya.

After a month nakikilala ko ang isang kaibigan ko at ang mama nya ay manggagamot, sinabihan nya  ako sa unang meet namin “may kakaiba sayo iha” sabi ko naman, “ano po yun tita?” Ang sagot nya lang po sakin “nararamdaman kong may nakikita ka din ayaw mo lang tanggapin.” Sabi ko nalang  , “ay duwag po kasi ako tita di ko po kaya yung ganun.” Ang tugon lng ni tita saakin “mahihirapan ka pag mahina loob mo, dapat matatag ka.”  hindi maganda ang sinabi sakin ng mama ng friend ko na yun dahil buhat noon kahit nagsisimba ako may nakikita ako na anino na palagi nalang naka antabay kada uuwi ako ng bahay, nirerebuke ko yun at nawawala naman.

Itong minsan may namatay kami na kapitbahay, di ko malaman kung bakit sya nasa bahay noon kaluluwa nya nalang ata yun, naka upo lang naka tanaw sa burol nya close kasi namin ang yumao na yon , natakot ako , nirerebuke at pinagdadasal  ko , nawala naman at di na bumalik.

Bumalik ako kay tita non para malaman paano alisin yung mga ganon, una nya lang sinabi ay pag pumikit ako at nag concentrate anong kulay daw  ba ang nakikita ko sabi ko naman  dilaw o violet lang, napangiti sya hindi ko alam bakit, sabi nya rin po sakin na “malakas ka higit sa inaakala mo.” Akala po biro lang tinuro nya ang ibat ibang level ng energy ng bawat katawang lupa, marami ako natutunan pero marami din ako di naunawaan.

Di na ako naka balik kay tita non, lumipas ang taon active parin ako sa  church ganun parin  may mga nakikita ako at naririnig nirerebuke ko lang, hanggang sa nakilala ko ang tatay ng anak ko ( natisod na ako sa kalagayan at tukso non), palagi kami nag aaway at nagpapasensya ako sa pagiging babaero nya.

Isang beses sa sobrang pag aaway namin, natulog ako ng maaga dahil ayaw ko  talaga makipag away pa katabi ko  ang baby namin, pag dilat ko may anino ng bata na itim na nagapang sa kisame ng bahay namin, natakot, nag pray po ako ng nag pray kalong ko baby ko non , nawala naman.

Nung maging okay kami ng tatay ng anak ko, ay naikwento nya rin na nakikita nya yung anino na yun, pareho pala kami ng nakita, nag reach out ako sa kaibigan ko nung mga oras na yun, tinuruan nila ako ng pangontra dahil naniwala na ako sa tawas non at nakita doon na may bantay ang aking baby,  ngayon natuto ako ng pangontrang dasal (SATOR).

5 years old na ang anak ko ngayon, ginagamit ko parin ang dasal kada may mali akong nararamdaman sa loob ng bahay o pag may kaharap ako na hindi ko kilala, sa mga nagdaan pong taon, lalo lumakas ang pandama ko sa mga unsual na bagay, minsan ko na rin nagamot ang mga anak ng friend ko na may bati, di ko alam kung instinct ko  yun o sadyang tumatama lang  palagi, nagsisimba parin  kahit online.

Medyo nahirapan lang  ako sa lumapit sakin na Babae nitong huli, di ko kasi alam na maalam mangulam ang babae na yon,kaibigan ng tita ng asawa ko, palagi nya ko pinupuri at binabati , ayun nq na pala ang simula non, nalaman ko nalang  na kinakargahan nya ako ,nagkasakit  ako at naospital na wala makita na finding, nung kontrahin ko na at humingi na ako ng tulong, dahil dinidikta ng pakiramdam ko na itoy kulam, kalakasan nya yun bandang 6pm kaya nag antay pa kami ng patay na oras para kontrahin sya, naging maayos naman  at buhat non di na  nagpakita ang babae na yon sa lugar namin.

-Jennifer

Tres(Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon