Itong kwentong 'to ay nangyari noong College pa lang ako. I'm a private School Teacher now.
Noong nasa kolehiyo pa lamang ako ay mahilig na kami sa gala ng aking mga tropa. Natapos naman ang aming gala, lahat kami masaya dahil sobrang ganda ng lugar na aming pinuntahan dagdagan pa ng makwelang kwentuhan... Matapos ang aming pagpapahinga ay naisipan na rin naming umuwi sapagkat kinabukasan ay may pasok na naman at exam pa. Naghintay kami sa bus stop ng ordinary bus (ayaw namin sa aircon sapagkat nasusuka kami, nakakahiya mang aminin)
Ilang minuto lang ay may nakita na nga kaming ordinary, ngunit ito ay isang kulorum na bus. Yung bus na pag nakita mo'y magdadalawang isip ka kung sasakay ka ba o hindi dahil halatang luma na ito at kung minsan ay sira-sira pa ang mga upuan. At dahil nagmamadali na nga kami ay pinili na naming sumakay doon.
Umupo kami sa may bandang harap, malapit sa pwesto ng kundoktor. Ewan ko ba pero ni isang tropa ko walang tumabi sa'kin, malamang alam na nila yung nature ko na kapag masaya ay nananapak. So mag-isa ko lang sa pwestong iyon at kahilera ko naman mga tropa ko. Nang medyo mapuno na nga ang bus ay sinimulan na ng driver na paandarin ito.
Tinahak namin ang kahabaan ng Mc Arthur Highway. Maayos naman ang takbo ng bus na aming sinasakyan, medyo maingay kami ng mga tropa ko dahil kausap namin yung kundoktor na sa mga oras na iyon ay tapos nang maningil ng aming bayad.
Nang biglang may pumara at huminto ang bus sapagkat may bababa nga. Ngunit ilang segundo na yata ang dumaan ay wala pa ring bumababa. Tumingin ako sa aming likuran para tignan kung may tatayo ba o ano. Ngunit wala.
Napasabi tuloy ako na "baka may nantitrip lang"
Tinanong naman ako ng kundoktor, "narinig mo, di ba?" Tumango ako bilang pagsang-ayon.
Nalaman din namin na narinig pala iyon ng lahat.Nagkibit balikat na lamang ang driver saka inumpisahang muli ang pagmamaneho dahil sabi ng kundoktor na baka nakababa na nga raw yung nagsabi ng "para".
"Nako 'tol, heto na naman siya. Bilisan mo na lang ang pagpapatakbo. Baka sumakay ulit." Wika ng kundoktor na sinabayan pa niya ng pagnginig-nginig kung kaya't nagtawanan kami.
"May mga kaluluwa talagang di matahimik. Akala pa rin siguro nila ay buhay pa sila at patuloy na ginagawa yung mga bagay na ginagawa nila noon." Biglang saad ng driver.Nagkibit balikat na lamang ako. Aaminin kong medyo natakot ako sa mga oras na iyon kahit sanay na rin naman ako. Ngunit mas ikinatakot ko ang paglingon ko sa bintana upang makita sana ang view.
Nabigla ako at nagsimulang magsitayuan ang mga balahibo ko hanggang sa napasabi na lang ako ng "Kuya, di siya bumaba. Lumipat siya rito sa tabi ko."
- Teacher Nav
BINABASA MO ANG
Tres(Horror Stories Compilation)
TerrorThird installment of Horror Stories Compilation Compilation from FB Page Spookify. 100 Horror Stories Compiled and reposted here in Wattpad