Published on 01-01-22
Isa akong waiter ng isang catering sa Dasma Cavite.
Itong na experience ko ay kahit kailan wala akong pinagsibahan sa mga katrabaho ko para hindi sila matakot o mailang hanggang ngayon.
Naghahanda kami nun ng mga gamit para sa isang debut. Habang nagkakamada na yung kasamahan ko ng ibang gamit sa service ako naman yung taga labas ng ibang gamit mula sa budega - malaki yung budega nasa tabing highway kaya di hussle maghakot ng mga gagamitin. Bali ang alam ko tapos ko na ilabas lahat ng kailangan naming gamit, pero nagtanong ako sa isa ko pang kasama si Ate.
Nagtanong ako baka may nakalimutan pa.
Ang sabi sakin ni ate yung center piece nasampa naba?
Sabi ko naman wala akong nailabas saan ba nakalagay?
Ang sabi ni ate duon ko nilagay sa mismong gilid lang ng pinto ng telahan (dalawa pala ang pinto ng budega yung isa pinaka entrance yung isa naman ay pinto kung saan nakalagay ang mga tela.)
So babalik na naman ako sa loob ng budega para kuhain nga yung center piece. Pero sa pagpasok ko ulit sa budega nasa pinto palang ako may narinig akong kalampag ng pagtakbo isip ko guni guni kolang yun di naman ako kinabahan hindi ko pinansin yun tumuloy lang ako pumasok. Nung nasa telahan nako tinignan ko na yung gilid ng pinto wala naman akong nakita na pang center piece tinagnan ko na ngarin pati likod ng pinto isip ko na baka nandun pero wala akong nakita kaya lumabas ako para sabihin kay ate na wala dun.Sabi ni ate nandun lang yun mga bote yun kakaayos ko lang kanina eh. Edi pumasok siya sa budega at dalawa na kaming maghahanap pagbalik namin sa telahan nagulat ako yung mga sinasabi nyang bote ng center piece is nasa gilid lang ng pinto ang sabi sakin ni ate ayan oh bulag lang ah.
Bigla akong kinilabutan nun tumaas mga balahibo ko hindi nalang ako umimik nun at kinuha ko nalang ang mga bote at dali daling naglakad papalabas ng budega pero hindi ako pwede magkamali kitang kita ng mga dalawang mata ko na wala talaga sa gilid ng pinto yung mga bote na pang center piece. Iniisip ko yun ng hindi nagsasabi sa mga kasama ko habang nasa byahe kami papuntang event place. Pero hindi pa natatapos dito yun
2am ng madaling araw na kami nakauwi nun dahil nga debut yung pinagcateran namin. Pagod na kami lahat nun pero kailangan ibaba ang mga gamit sa service.
Kinatok namin yung nanay ng amo namin (sya kasi yung may hawak ng susi ng budega) nagising nga si nanay at lumabas, sya ang nag bukas ng pinto ng budega at pumasok rin agad. Patay ang ilaw ng budega nung papasok nako sa budega biglang pumasok sa isip ko yung nangyari kanina pero dahil di naman ako ganun tatakutin tumuloy parin ako para buksan ang ilaw. Bali tatlo kaming lalaki nagbababa ng gamit yung isa nasa loob ng service taga abot samin ng mga dapat ibaba yung isa naman kasama ko magbuhat ng mga gamit para ipasok sa budega.
Maruruming tela na ginamit namin ang inabot sakin ng kasama ko para buhatin at ilagay sa budega medyo marami ito at pinagsamasama kaya mabigat din.
Ng matapos ko na ilagay yung tela sa marumihan ng budega nagulat ako may babaeng dumaan sa harap ko nakasideview sya maykatangkaran kulot ang buhok at nakadirty white na blouse ang suot normal na naglakad papasok sa telahan kitang kita ko alam kong hindi ako nagmalik mata sa nakita ko sakto naman na biglang pagpasok ng kasama ko may dala dalang telang malilinis para ipasok sa telahan at paglabas nya wala naman syang nabanggit sakin na may tao sa loob ng telahan kinabahan nako non at kinilabutan ako paglabas ko tumawid muna ako ng highway para umihi sa puno ng mangga sa katapat ng budega. At dahil sa takot ko nun nakipagpalit ako sa kasamahan ko na ako nalang sa loob ng service ako nalang ang mag aabot ng mga gamit sa kanila at sila nlng ang maghakot sa loob ng budega hindi ko na sinabi kung bakit para hindi nila isipin na nanakot lng ako pero totoo talaga lahat ng nakita ko.- nagmamahal mabait na waiter
BINABASA MO ANG
Tres(Horror Stories Compilation)
HorrorThird installment of Horror Stories Compilation Compilation from FB Page Spookify. 100 Horror Stories Compiled and reposted here in Wattpad