2016 Las PiñasKaming magpapamilya tuwing gabi nakakalat kami sa garahe namin dahil mahangin at malamig, kanya kanya kaming cellphone, ang nanay ko naman paboritong spot yung sa gate habang nagkakakas ng asin sa paa.
Habang busy kaming lahat biglang may huminto na tricycle sa harap ng bahay namin at nagsimulang kausapin yung nanay ko, una hindi namin pinapansin since akala namin e nagtatanong lang, nang nakita na lang namin si manong hinihingal at sumasapo sa ulo nya so pinaupo muna namin sya at binigyan ng tubig. Nagsimula na syang magkwento.
Doon sa terminal ng tricycle ay may dalawang pilahan, isa yung mga may gustong kasabay at yung isa ay yung special kung tawagin. Ang tricy ni manong ay sa special na lane nakaabang nang biglang may sumakay na babae, maayos ang itsura ayon sa pagkakasabi nya samin, naka blusa at pantalon, malumanay din daw ang boses ng babae sa pagtuturo ng daan kay manong.
Noong makarating na sila sa subdivision na sinasabi ng babae ay muli itong nagsalita ng mga direksyon na lilikuan ng driver, si manong driver naman daw ay nakikinig lamang habang sa kalsada ang tingin dahil gabi na at sira ang ilan sa mga poste sa subdivision namin (ang subdivision namin ay walang gaanong taong lumalabas mapaumaga o gabi, walang mga batang naglalaro sa labas sobrang tahimik ng lugar) ng makarating na daw sila sa dulo ng subdivision namin ay tinatanong na daw nya ulit yung babae kung san ang direkyon pero wala nang sunasagot, ang akala nya ay nakatulog lang ang babae kaya naisipan nyang silipin habang umaandar ng mabagal.
Nang yumuko sya para hawiin ang kurtina ay nagulat daw sya, kasi wala syang babae na nakita o ano pa man. Luminga linga daw sya sa paligid dahil iniisip nya na lang na baka tumalon lang yung babae para hindi na rin sya matakot, agad agad na pinaharurot nya ang kanyang tricycle hindi pabalik sa pinanggalingan nila kundi dinire diretso nya hanggang hindi na nya alam ang palabas, paikot ikot lang daw sya ng ilang minuto sa subdi. Namin hanggang nakita nya na na may poste na ng ilaw sinundan nya lang daw to hanggang makita na may tao sa labas, (yun nga ang bahay namin).
Sobrang takot na takot si manong, pinagpapawisan din sya habang nagkwekwento. Kami naman ay natakot din dahil hindi naman ganon kalakihan ng subdi. Namin para maligaw sya. Katunayan 3 paikot na mahabang daan lang yun at ang dulo ay madilim na dun sya napunta.
Nang mahimasmasan na si manong ay umalis na sya at nagpasalamat. Sinabihan na lang namin syang mag ingat at wag nang masyadong isipin ang nanagyari habang nagmamaneho.
- Jj.
BINABASA MO ANG
Tres(Horror Stories Compilation)
HorreurThird installment of Horror Stories Compilation Compilation from FB Page Spookify. 100 Horror Stories Compiled and reposted here in Wattpad