02-22-22
"Wag na wag kang matutulog kapag palubog na ang araw." Yan ang palaging sinasabi sakin nila mama.
Year 2019 alas singko ng hapon kakauwi ko lang galing school at sobrang pagod na pagod ako non kaya diretso higa nako at di na kumain.
Sa kalagitnaan ng tulog ko ay nagising ako dahil sa tilaok ng manok pero pagdilat lang ng mata ang nagawa ko. Kinabahan ako ngunit di masyadong natakot kasi alam ko na na-sleep paralysis nanaman ako dahil di lang ito ang unang beses. Nilibot ko ang mata ko, maliwanag pa naman ang paligid pero medyo orange na dahil pagabi na nga, kanan, kaliwa, taas, baba, ngunit sa pagbalik ko sa kanan ko ay may bigla nalang nakatayo sa harap ko na sa tantya ko ay mga limang dangkal ang layo hugis tao at lalaki siya, oo lalaki siya dahil sa tindig ng kanyang katawan pero walang mukha (parang anino yung katawan niya) Doon nako natakot at sinubukang sumigaw pero walang boses na lumalabas sa bibig ko at para bang lalong napako yung katawan ko sa aking pagkakahiga kaya pinikit ko nalang yung mata ko at hiniling na sana sa pagdilat ko ulit ay wala na ito, ngunit pinagsisihan ko na dumilat ulit ako. Nandun pa rin siya pero sa pagkakataong ito medyo malapit na siya sakin, hanggang sa papalapit nang papalapit sakin pero yung paraan ng paglapit niya ay katulad nung sa mga palabas sa tv na akala ko doon lang nangyayari. Mawawala, susulpot, pero sa bawat pagsulpot niya ay papalapit nang papalapit.
Pumikit nako at naiiyak na kaya sinubukan kong galawin ang daliri ko sa mga paa.
Salamat sa Diyos at naigalaw ko ang mga iyon at nagising nako. Pagkatayo ko ay madilim na ang paligid, gabi na pala, tumakbo ako pababa sa hagdanan at doon ko na kinwento kila mama ang nangyari. Sermon tuloy abot ko....
BINABASA MO ANG
Tres(Horror Stories Compilation)
HororThird installment of Horror Stories Compilation Compilation from FB Page Spookify. 100 Horror Stories Compiled and reposted here in Wattpad