Sundot

10 1 0
                                    

2012, sa lola ko ako nakatira kasama ko yung kapatid ko na babae, dalawang taon ang agwat namin. Yung bahay ng lola ko may tatlong kwarto, yung una’t pangalawa nasasakop ng sala at yung pangatlo which is kwarto naming dalawa namin ng ate ko nasa dulong bahagi ng bahay na nasa kusinang parte. (Yung kwarto namin noon, kusina noon, ni renovate lang at yung likod ng kwarto, mga kakahoyan na). Sa  kwarto may isang higaan na sakto samen ng ate ko, may malaking cabinet, at may pc (di na gumagana)

Isang gabi after namin noon ng tv ng ate ko, natulog na kami around 9:30 pm at normal naman lahat.

3 am nagising na lang ako na may nagtitipa sa computer, yung kaba at gulat ko walang mapaglalagyan lalo na’t wala akong makita sa kwarto dahil sobrang dilim kasi pinapatay talaga namin yung ilaw pag natutulog na. Kinapa ko yung gilid ko baka ate ko lang, pero hindi na sa gilid lang yung ate ko. Kaya ako sa sobrang kaba at takot nag talukbong ako kumot at naka harap sa pader (kasi dun pwesto ko nasa gilid ko yung pader).

So ayun nga talukbong ako at di talaga ako gumagalaw para isipin ng kung sino man yung nag titipa nanatutulog ako tumagal din yun ng 10-15 mins. Nang wala na ako na rinig tapos same lang yung pwesto ko walang galaw-galaw. Akala ko wala na pero  MAY BIGLANG SUMONDOT NG GILID KO  (parang malaki yung kamay) napalingon ako bigla at bumungad sakin napa kadilim walang kahit ano. Akala ko ate ko lang pero ang lalim lang ng tulog nya, ako tagaktak pawis ko, sobra kaba ko na’t lahat lahat e sya tulog na tulog...

Tres(Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon