"PAGKAIN NG PATAY"

8 1 0
                                    

Dito ako sa Singapore nag s-Stay at dito big deal ang Hungry Ghost Month ( 7th Month) lalo na sa mga Chinese.

Bago lang ako dito sa Trabaho ko and madalas magpa-kain ung management. Durian Festival, monthly birthdays, etc.

August 2019, merong pa-dasal para sa mga Chinese na naniniwala sa Ghost Month.

Magdadasal sila, tapos madaming pagkaing nakalagay sa parang altar nila kasi nga pagkain daw ng mga patay yon. madaming fruits, juices, parang kakanin, may beer pa nga.

Nung umaga ng pa-dasal nila, kami ng katrabaho kong pinay, si Ate, naguusap sa mga sabi-sabi ng mga Chinese ukol sa hungry ghost. sabi ng katrabaho ko si Lucus (Chinese siya), wag magusap ukol sa mga ganon at wag gawing biro. Kami naman ni ate, Dedma lang.

After lunch yung gathering nila, hindi ako bumaba para makidasal sakanila. si Lucus, bumaba siya para mag dasal. Si Ate, tinawag siya para manghingi ng pagkain pagtapos nila magdasal.

Ako bilang bago lang, sunod lang kung sunod. Inaya ako ni ate bumaba para kumuha ng pagkain.

Pgbaba ko, ang dami tlgang food. binigyan ako ng malaking supot ng isang worker samin at pinag lalagyan ng madaming prutas. Apples, Oranges, Longgan, Rambutan at kung ano ano pa.  Syempre, tanggap lang ng grasya. kaming dalawa ni ate na katrabaho ko ang nag uwi ng mga pagkain dun. kasi pwede naman daw at tlgang "pang dasal" lang yun. so edible naman lahat.

Pag Uwi ko ng bahay, syempre tuwang tuwa naman ang mama ko. mahilig kasi sa prutas yon. nilagay ko sa Kusina yung lahat ng pagkain

Kinagabihan, napaniginipan ko ung lola kong patay na. basta sobrang weirdo ng panaginip at nakakatakot kaya nagising ako ng madaling araw. Pag check ko ng oras, 3am na. Pero takot na takot ako at sa sala natutulog ung ate ko, pinuntahan ko siya. tumabi ako sa sala.

alam mo yung kahit gaano ako nagttry matulog, nagigising yung diwa ko kapag pa-tulog na ako. Biglang parang may tatapik sakin, or may maririnig akong nag h-Humm. Ang pakiramdam ko nun, ang gulo at ang ingay sa bahay. kahit lahat naman tulog na.

at kada dilat ko, napapatingin ako sa Kusina namin na parang dun galing lahat ng ingay. Hanggang sa parang may naaninag akong pigura ng babae sa may kusina. alam kong hindi sila tao kasi light at parang hindi sila solid. nakwento na din ni ate sakin noon na na-sleep paralysis din siya at may itim na babae galing kusina na lumapit sakanya. at dahil naalala ko yun, hindi tlga ako natulog hanggang may makita akong liwanag at 6:30am na.

Pagbalik ko ng trabaho, kinwento ng katrabaho kong babae na may babaeng nakaputi daw na dumaan sa kusina nila.

At dun ko naalala lahat ng nangyari nung gabing nag uwi ako ng pagkain. na Baka kaya ang daming "tao" sa bahay namin ay dahil "kumakain" sila dahil para sakanila naman talaga yon..

Hindi na ako maguuwi ng mga pagkain na inalay sa dasal lalo na kung para sa Hungry Ghost month.

Tres(Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon