*Hango po ito sa kwento ni ate Darlyn (nakilala ko sa trip).
Nung 2016 daw pagkakatanda niya. Namasukan siyang kasambahay sa isang exclusive subdivision sa Marikina. Yung bahay daw ay gawa sa glass, ang lock ay naka-system, tapos malawak hardin na mataas ang gates and walls. Sa bahay na daw yun ang nakatira ay mag-asawa tapos nanay nung lalaki na nakawheelchair nalang lagi tapos yung datihan nang katulong tapos siya na baguhan.
Unang araw pa lang niya kinukutuban na daw siya gawa ng wala raw natagal na katulong as in may pa-locker pa nga daw doon tanging yung datihan lang na kasambahay ang natitira. Si Cherry. Ok namn daw ang pasahod nasa 8-10k monthly mabait pa ang mga amo.
Ilang gabi siya di makatulog sa quarters kasama niya si Cherry. Iba daw pakiramdam niya lagi parang ang init init kahit aircon naman. So yung amo napnsin na laging puyat at nakita sa CCtv na di nakkatulog sa gabi si ate Darlyn kaya ang ginawa kahit sa may laundry room nalang daw si ate kung ok lang pumayag naman siya.
Hanggang sa isang gabi daw disoras na nun, naalimpungatan siya gawa ng nauuhaw lumabas siya ng kwarto para pumunta sa kusina. Nakita niya daw si Cherry na nasa labas ng bahay sa bakuran na nakatingala sa buwan at parang nahagod ng leeg parang init na init na ewan. Nagtataka daw siya paano yun nakalabas eh naglolock ng buong bahay yung amo nila as in di ka makakalabas. Medyo kinabahan na daw siya nun.
biglang maya maya sumulpot sa likod niya si Cherry ang sabi ay, "Ate Darlyn kanina ka pa??". Tunay namn ang nagulat siya kaya natapon ang tubig na iniinom at sinabing, "Hindi ngayon lang at akoy nauuhaw, ikaw bakit ka pa gising?!" tapos parang wala lang bumalik na sa kanya kanyang kwarto di raw nakatulog si ate Darlyn nun at mukhang aswang nga itong si Cherry.
Simula nun naglagay na siya sa likod ng pinto niya ng nakataob na walis tingting. Nakatago sa may gilid ng pinto kaya kahit nakabukas ay di makikita ng dudungaw. Epektib daw talaga. Kasi pag manghihiram daw ng charger si Cherry kahit aabutin lng ng kamay di niya maabot eh.
Eto pa, pag nagluluto yung amo nila ng ulam na may atay, bituka o kahit na anong lamang loob ng baboy baka o manok galit galit lagi daw si Cherry, palihim na pinagmumura amo nila. Tapos pansin niya na laging may pasa yung matandang inaalagaan ni Cherry lalo n pagka bagong ligo ito. Sabi ni ate Darlyn simula nun medyo ilag na siya doon tapos di nalng niya pinapahalata na natatakot siya parang normal lang at baka daw kung ano pang gawin.
Hnggang sa isang araw, umalis yung amo nilang mag asawa, kaya ang naiwan doon si ate Darlyn, si Cherry at yung matanda. Kinakabahan daw siya nun.
Setting: yung matanda nasa sala nanunuod tv, si Cherry nasa kwarto nagtitiklop.
Bigla raw tinawag ni Cherry si ate Darlyn. (kinakabahan daw siya at sila lang). Lumapit naman siya. Nang biglang nagsabi si Cherry sa kanya ng, "may sasabihin ako sayo ate Darlyn wag ka sana magugulat"
Ate D: ano ba yun?
C: aswang ako
Ate D: oh tapos?
C: di nga ako nagbibiro. Sya nga. Di ka ba ntatakot sa akin?
Ate D: bakit ako matatakot? eh ano naman ngayon? May aswang bang nagffb?! Na maganda?
C: (umiiyak sabay yakap) salamat ate. Alam mo bang ikaw lang ang tumanggap sa akin sa ilang taong nandito ko.Tapos nun kwinento na daw ni Cherry yung nangyari sa kanya bakit siya naging gnun..
Kwento ni Cherry di namn daw niya ginusto maging ganun. Isinalin lang din talaga sa kanya ng lola niya. Ang lola niya daw ay tubong Capiz talaga nalipat lang sa ibang lugar gawa ng lumikas at napadpad doon na rin nakapag asawa. Totoo daw yung sa Capiz. May tatlong bayan doon na pinasunog ng gobyerno dahil nga sa angkan ng pagiging aswang noong unang panahon pa. Isa daw ang lola ni Cherry sa nakaligtas. Kaso di naman nawala ang pagiging aswang niya. Isinalin daw sa kanya dahil black sheep siya ng pamilya. (ganun pala yun sinasalin sa parang pinaka pasaway sa pamilya). Yung isinalin daw ay parang makinang na bilog na tumagos mula sa dibdib ng lola niya papunta sa kanya. Tapos tinatry niya labanan pagiging aswang kaya ayaw niya makaamoy o makakain ng may lamang loob kasi parang nattrigger siya eh m. Natatakot din daw si Cherry para sa pamilya niya kasi may certain years daw pagkapasa, yun na magiging full blooded aswang na siya na tipong kahit kadugo niya pwede niya masaktan o kainin. Kaya pag dumating daw sa ganung panahon eh lilisanin niya na ang pamilya mismo bago pa niya sila masaktan.
Simula daw nun naging close naman na sila. Pero may 1 rule lang din si ate Darlyn sa kanya na never siyang tatanggap ng pagkain na hindi niya nakita na prinepare ni Cherry kasi siyempre diba baka ipasa din sa kanya mahirap na. Tinutulungan daw siya pag nagpplantsa at naglalaba kasi sobrang liksi at bilis daw kumilos nitong si Cherry yung tipong ang pplantsahin pang halfday kaya ni Cherry within 1 hr lang. Tapos pag magfufullmoon na nabili na si ate Darlyn ng tig 1.5L na coke at maraming yelo para kay Cherry at sobrang uhaw daw ang nararamdaman nun pag magfufullmoon.
Tapos one time daw bumili sila sa tindahan may dumaan na buntis. Sabi daw ni Cherry "babae yun (nasa sinapupunan)". Sinita daw siya ni ate Darlyn at baka mapano yun eh kawawa naman. Tinanong ni ate Darlyn pano nalalaman ni Cherry. Sabi niya, basta daw naaamoy niya. Ang bilis pati daw nun malaman pag may nadaan na buntis, may sakit o may edad na sa street nila kasi bangong bango daw si Cherry.
Kaya napakwento na si Cherry na ibat ibang klase ng aswang daw ang meron.
lakad - shapeshifter (malaking baboy, oaso, etc.) parang normal na tao sa umaga pwede ka sakmalin at hawaan
duno - gaya ni Cherry, naattract sa buntis, mahihina katawan or may sakit at matatanda na
dagit - gaya ng mga manananggal, kaya tumalon at lumipad para mangdagitOne time daw galit na galit si Cherry at nagluto n namn yung amo nilang lalaki ng may lamang loob Eh sabongero yung amo nila, ang ginawa daw ni Cherry nung gabi na pinagpalit palit yung mga panabong na manok tapos inalis s mga pwesto nila. Kinabukasan galit na galit yung among lalaki at nilooban daw sila. Samantalang nung nagreview ng CCTV walang tao, hindi man lang dn tumahol mga aso etc.
Ayun kahit friends na sila siyempre di parin kampante si ate Darlyn takot pa rin siya sa buhay niya siyempre namn no. Kaya pasimple daw siyang nagimpake ng mga damit niya. Ultimong towel, unan, kumot na ginamit niya nilabhan niya lahat pqti kung may buhok siya sa cr nilinis niya inalis niya lahat. Tapos pinatawag niya daw anak niyang babae sa kanya kunwari raw ay may sakit ang isa sa pamilya nila para lang may dahilan.
Si Cherry ay gising pag hating gabi at madaling araw kaya sa morning hanggang bago magtanghali tulog na tulog daw yun. So ayun ang ginawa ni ate Darlyn, umalis na siya ng morning ng walang paa-paalam sa bahay ng amo niya at never ng bumalik.
-Minerva
BINABASA MO ANG
Tres(Horror Stories Compilation)
HorrorThird installment of Horror Stories Compilation Compilation from FB Page Spookify. 100 Horror Stories Compiled and reposted here in Wattpad