Noong napabalitang pwede nang pumasok sa bandang Norte eh syempre eto nanaman kami..
Nagplano kaming nag-rides. Nakahiligan na kasi naming pumunta sa Norte, sa bandang Cervantes. Fully Vaccinated kaming lahat kaya walang problema, kasama ko aport kong isa at yung girlfriend niya, pati girlfriend ko, saka yung isang nakilala namin na lalaki sa inuman na mahilig din sa rides. Bali lima kami.
Okay naman yung naging rides namin. Maraming beses na kaming nakapunta sa Cervantes. Hindi ko na nga mabilang. Sobrang ganda kasi ng tanawin kapag nasa taas kana ng bundok. Yung parang kaya mong i-conquer ang mundo. Sobrang makikita mo yung ganda ng kalikasan at mga bundok na tabi-tabi.
Mga alas singko naming naisipang bumaba kasi nagkape pa kami sa Cervantes. Noong pababa na kami ay smooth naman ang lahat. Parang wala namang kakaiba hanggang sa malapit na kaming makalabas ng Cervantes, hindi ko kasi ma-explain basta yung daang pinasukan din namin papasok nga ng bundok, pero yung isang kasama namin huminto sa isang tulay na nakita naming lima.
Noong pumupunta kami roon ay wala naman iyong tulay na iyon o di lang talaga namin napansin kasi mabilis kaming magpatakbo.
Non Verbatim:
Kasama namin: Idyay ngata dalan na datoy? Papanan na ngata? (Saan kaya daan dito? Saan kaya 'to papunta)
Tropa ko: Kitaen tayo? Kasla awan met datoy tattay nya? (Tingnan natin? Parang wala naman' to kanina)
Ako: Sikayu man, adre? Baka short cut ngata gamin pababa tay metten (Kayo pre? Baka short cut to kasi pababa na rin tayo)
Pagkatapos ay nagkasundo-sundo na kaming doon nga kami dadaan. Mahaba yung tulay at sa kanang gawi namin ay bundok, sa gilid ng tulay ay may lupa kaunti tapos bangin na. Di kasi namin napicturan. Mabilis kami kasing magpatakbo hanggang sa biglang na-slide yung kasama naming isa.
Sobrang nagulat kami kasi akala namin lahat kami madi-disgrasya. Bumaliktad yung motor niya tapos napahiga siya sa daan so kaming dalawa ng tropa ko, huminto agad pati girlfriends namin bumaba ng motor. Ang laki ng sugat niya sa may tuhod tapos gasgas mga braso niya pero wala masyadong puro yung motor niyaa. Hindi tumitigil sa pag-agos yung dugo kaya yung mga dalang jacket ng mga girlfriend namin yung ginamit para matakpan yung dugo nang dugo na sugat. Mag-aalas sais na hapon kaya medyo dumidilim na.
Hindi makatayo yung isa naming kasama sa sobrang sakit. Naisipan kong humingi ng tulong sa mga malalapit na bahay, yung mga nakatira don pero sabi ng aport at girlfriend ko wag na kasi mahirap na maghiwa-hiwalay kami.
Mag-iisang oras kaming nakatambay sa tulay na yun. Nakaupo kaming lahat, itinayo rin namin yung motor niya. Tinanong namin kung kaya niya bang mag-drive kahit dahan-dahan lang tas alalayan namin pero di niya raw talaga kaya.
Yung girlfriend ng aport ko, nag-cellphone tapos gumamit ng google map. May one bar yung signal ng phone tapos nung tiningnan niya kung nasaan kami eh ang nakalagay sa mapa ay dead end. As in yung parang putol na daan sa map app, nung time na yun maaninag na mahaba talaga yung tulay, hindi namin makita yung dulo. Yung mga ilaw ng motor namin eh nakailaw don sa part na hindi pa namin napupuntahan. Ang alam ko wala pa kami sa kalagitnaan nung tulay kaya nag-suggest ako na.Umalis na kami bago pa sobrang dumilim.
Inalalayan namin kasama namin tapos sabi niya pipilitin niya na lang daw. Okay naman nakapag-motor naman siya ulit. Medyo mabagal pagmamaneho namin kasi nga mahirap na pero ang pinagtataka namin, bakit hindi pa rin kami nakakalabas ng tulay.
Sa maniwala kayo o sa hindi, mag alasais pa lang o alasais kami umalis ng tulay pero mag alas nwebe na ay hindi pa rin kami nakakalabas. Yun yung oras na nasa cellphone namin sobrang nagpapanic na kami noon ng tropa ko at nung kasama namin, hindi lang namin pinapahalata kasi nga natatakot na mga girlfriends namin.
Ang tahimik na talaga namin tapos nagdasal na kami nang nag dasal sa isip namin pero hindi pa rin kami nakakalabas. Umiiyak na yung girlfriend ng aport ko dahil sa takot, yung girlfriend ko di nakibo, nagdadasal din sya.
Inisip namin na baliktarin na damit namin pero mas nakakatakot kung hihinto pa kami. Nasa bundok kami baka kung ano pang mangyari yun ang nasa isip namin.
Nilakasan nanamin yung dasal namin talaga. Yung nagdadasal na kami gamit bibig hindi na isip tapos parang sa isang pitik, nakahinto kami doon sa gasolinahan. Parang nag teleport kami.
Kinakausap pala kami nung mga gasoline boy pero hindi raw kaming naimik na lima, tapos yung kasama namin walang sugat, walang pasa, wala lahat at parang di nadisgrasya. Hindi namin alam kung panaginip ang lahat o posible palang mangyari yung ganong bagay.
- Master CVX
BINABASA MO ANG
Tres(Horror Stories Compilation)
HorrorThird installment of Horror Stories Compilation Compilation from FB Page Spookify. 100 Horror Stories Compiled and reposted here in Wattpad